Chapter 11

64 4 0
                                    

Nagising ako ng 7am, 30 minutes before my first class. Bumaba muna ako para kumain. Sumalubong sa kin pagmumukha ni Kim, Cienne, Cams at Carol. In short, lahat ng bullies except kay Ara na naliligo sa kasalukuyan.

Nung una masaya lang silang kumakain nang biglang nag-salita si Carol. "Cams, tae ka ba?" Nabilaukan si Cams sa buglaang tanong ni Cars pero sinakyan din niya ito.

"Bakit?" Nag-maang mangan na tanong niya kahit alam naman niya ang sagot dito.

"Kasi hindi kita kayang pag-laruan." Sinude hug naman niya ito at sinubuan ng buong pandesal.

"Luma na niyan, Carol! So eew ka. " Kumento naman ni Kimah.


"Sige nga. SAMPLE KA NGA DYAN!" Hamon naman ni Cars sa kanya,


"Watch and learn. Cienne, eroplano ka ba?" Pagyayabang pa nito.

 

"Sige nga. Bakit?" Imbis na Cienne ang sumagot, si Carol naman.

"Ikaw ba si Cienne ha! Panira."

 

"Oh Ciennang, eroplano ka ba daw?" Pagalit na sinabi ni Carol dahil nabatukan ni Kimah.

"Bakit?" Sagot nito at napangiti.

"Kasi lumilipad ka na nga sa isip ko, lumalanding ka pa sa puso ko."

 

"Yieehaw! DAMING ALAM NI MASTUH KIMAAAH! Kaya ang daming natututunan sa'yo ni Victonara eh." Pag-patay ko ng malisya. Alam ko naman kung bakit ganto mga to eh. Nang-aasar na naman to siguro dahil narining nila yung kakornihan naming ni Vic kagabi.

"Asus! Pasalamat ka nga sa kin eh." Kim.

"Oo nga naman, bully! Pasalamat kay kay madam kimeh. Dahil sa natutunan ni Ars sa kanya, nabuo ang gabi mo."

 

"Ayie! AMININ!" Nagka-sabay pa na sinabi ng kambal sabay apir. KALOKA!

"Aminin na ano?" Biglang salita naman ni Ara.

"Haynako! Wala yun, daks. Trip lang tayo ng mga bullies ngayong umaga."

 

"We learned from the best." Sambit naman ni Carol at nag-tinginan silang lahat sa kin. WHAT? ME? A BULLY? I AM NO SUCH THING!

Tinakpan ko mga tenga ni Ara. "Wag kang makinig sa mga yan, daks! MGA BAD INFLUENCE! Pakyu guys!" Pambebelat ko sa kanila.

 

Kumuha ako ng dalawang pandesal at inubos na yung tinimpla kong gatas. Inabot ko naman kay Ara 'yung tasa. Tinimplahan ko ulit. Para tipid sa hugasin. Dumiretso na ko sa banyo para maligo. "Bilisan mo ah para sabay na tayo." Pahabol sa kin ni Ara.

"SO KAMI ARA? WALA KAMI DITO? DI KAMI PWEDE SUMABAY?" Rinig ko ang sigaw ni Carol mula sa banyo.

The Fault in ForeverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora