Chapter 10

76 3 0
                                    

Kakatapos lamang ng Holy Week at balik na naman kami sa Taft para sa trainings. Andito ulit ako sa dorm kasama sila ate Aby at ate Wensh.

"Anong oras daw darating si daughterf, Ye?"

"Di ko pa alam dyowza. Pero nasa biyahe na daw po siya eh!"

"Ye, sabihin mo kay Ara 'yung tocino ha."

"Nasabi ko na ate Wensh! Kahapon pa."

Binalik ko naman ang atensyon ko sa king phone.

To: daks

Daks! Dala ka ng J.Co ha.

From: Bf <3

Bf! Are you back na?

To: Bf <3

Yesss! Kakarating ko lang kanina.

From: Bf <3

Punta ko dyan later. What time tapos niyo sa training?

To: Bf<3

Siguro mga 5 or 6? Text na lang kita laters!

From: Platypus

Grabe ka kafatirs! Asa J.Co ako ngayon. Nagkasalubong kami ni Ara. Makautos ka naman parang di mo kaibigan to at di hamak na alalay lang.

To: Platypus

Heh! Wag ka nga kuya. Sabihin mo kay Ara diretso na agad siya sa dorm ah.

From: Platypus

Atat lang makita si best friend eh no?

From: Avo

I bought the shoes you wanted! Size 9.5, right?

To: Avo

Yes! Thank you. :D

From: Avo

I'm here at J.Co right now. Want to get it na?

To: Avo

I'm too lazy. WAIT! Ara's there too. Do you see her? Sa kanya mo na lang ibigay.

From: Avo

Found her.

Narinig ko namang nag-bukas ang pinto. Akala ko si Ara na pero hindi pala. Si Kim lang pala. Tinawagan ko na si Ara. Sumagot ito sa pangatlong ring.

Me: Asan ka na?

Ara: Eto na! Malapit na.

Me: Bilisan mo na!

At binaba ko agad ito. Makalipas ang ilang minute ay dumating na nga rin ito. Sinalubong ko naman agad siya at kinuha yung sapatos galing kay Avo pati na rin yung bitbit niyang J.Co. Pinatong ko yung donuts sa isang tabi at niyakap si Ara.

"Daks! Missed you." Kinantyawan naman agad ni Kim yung sudden gesture ko. Sinipa ko nga ito.

"Ate Wensh, ito 'yung tocino oh! Motherf, eto din 'yung pinabibili mo oh." Tugon naman ni Ara nang bumitaw ito sa pagka-yakap.

"Thank you daughterf!"

"Thanks Ars!"

Tinulungan ko muna si Ara dalhin yung gamit niya sa kwarto naming at dumiretso na kami sa kusina para lantakan yung J.Co na binili niya. Pagkarating ko ay kalahati na lang agad ito.

The Fault in ForeverWhere stories live. Discover now