Chapter 3

141 3 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Now, it's exactly a week before the start of my 1st term here in DLSU. Isang buwan na din nang mag-simula kami sa trainings. Andito ako ngayon sa dorm kasama si Ara. Syempre, kami roommates. Buti na lang talaga kahit papano may ka-close na kong kaibigan sa team. Itong dorm pala na ii-stayan namin ay exclusive for athletes so puro mga varsity players kami dito.

Kakatapos lang naming mag-ayos ng gamit kaya't sabay kami napahiga sa kama. Kapagod. Double deck itong higaan namin. "Sino sa atin ang sa taas at sino ang sa baba?" Tanong ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata niya. Mas malayo kasi ng konti 'yung byahe niya kesa sa 'kin eh. Tapos mag-isa lang siya nag-commute. Ako, naihatid pa nila mama.What we did kasi for the trainings is uwian kami. Bale, ngayon lang kami nag-settle in talaga dito sa dorm.

"Dry run muna tayo. Tapos dun natin tingnan sa results kung sino mas mainam matulog sa taas." Wow. Pang-Bb. Pilipinas sagot neto ah! Haha jk. Ang cute talaga ni Arababes. Pano ba naman kasi, ang husky ng boses. Tapos parang nag-popout yung lips niya dahil sa braces. O diba, cutie much.

"Aww. Halatang pagod na pagod na sa boses mo. Wait, ikukuha kita tubig. ma-dehydrate ka pa niyan." Tumayo ako at kumuha ng baso ng tubig mula dun sa kusina. Kami pa lang ang nakakapag-settle in sa dorm. Ito kasing si Ara. Balita ko naman bukas mag-lilipat na din 'yung iba.

Bumalik ako sa kwarto at nakita ko si Ara na pilit tinatakloban yung mukha niya mula sa ilaw. Kaya pintay ko ito. 3pm pa lang naman. Inabot ko sa kanya yung tubig at kinuha niya ito. "Thanks." Ang qt talaga niya! Lakas maka-pout ng lips eh. Hahaha forgive me for my panggigigil to her.

"Jack 'en poy tayo." Sabi ko at nag-taka siya sa sinabi ko kaya't pinaliwanag ko sa kanya. "Kung sino manalo siya 'yung sa taas." At nag-laro kami. Up to five lang naman. Hehe. I won! ^_^

"Yay!" Napasigaw ako dahil ako sa taas. Babaw no? Haha! Napatawa na lang din siya sa reaksyon ko. Pumalakpak pa kasi ako na parang bata na ibibili ng tatay niya ng ice cream.

"Ang cute mo!" At pinisil niya ilong ko. Aray! Grabe ah. Pango na nga eh, lalo pang pinirat. Hinampas ko 'yung kamay niya at napasimangot. Lalo siyang natawa. Huh. Sige, tawa pa. Palibhasa, matangos na ang ilong mo. Kaasar. Nginitian ko na lang siya ng pilit.

"Pero mas cute ka eh! Lalo na nung ang husky ng boses mo sa sobrang pagod. My god, Ara! Why do you do this to mehh?" At pinisil ng mas mariin yung mga pisnge niya. Sira ulo talaga 'to. Ang laki laki kong tao tapos tatawagin niyang cute. Okay ka lang?

"Aray! Ang sakit nung iyo ah. Laki laki kasi ng kamay, ang bigat pa. Ngayon alam ko na kung pano manggigil ang isang Mika Reyes." Tumawa siya at kinuha phone niya. Binatukan ko na lang siya.

"Sino ba naman ang hindi maku-kyutan sa husky voice ng isang Ara Galang!" Napakamot na lang siya sa ulo at tumawa.

"Picture tayo, dali! Pang-fb!" Tawa niya at hinila ako sa tabi niya. Napa-hunch ako ng kanti para di ako mauntog. Nagkadikit mga balat naming. Buti na lang di malagkit. Inakbayan niya ako at *click!*

"Patingin!" Biglang gamit ko naman agad ng mukha ko sa phone niya para makita ito. Aww. Ang cute naming! Pero mas lalo na ako! HAHA!

"Aww! We so cute!" O yan pati tuloy ako nakiki-cute na din. Tinawanan na naman niya ako at humiga ulit.

Tumayo na ko sa kama at kinuha yung baso na pinag-ininuman niya at pinatong yun sa sink. Maya-maya pag-balik ko busy pa din 'to sa phone niya. Haha! Narinig ko namang sumigaw si Ara mula sa kwarto. "Daks! 'Yung phone mo nag-vivibrate!"

Tumakbo ako ng kwarto para sagutin yun. Baka si mama eh. Pag tingin ko sa caller ID, si kuya pala. Sinagot ko ito.

Me: Oh, kuya? Napatawag ka.

Kuya Perry: Nagtatanong si mama kung ayos na daw ba kayo dyan.

Me: Actually, kakatapos lang naming. Gutom na ko. Dalhan mo kami ng food?

Kuya Perry: Grabe ha! Ang lapit ng Bulacan sa Taft.

Me: Eh sige na! Tinatamad kaming lumabas eh. Punta ka na dito. Dalhan mo kaming J.Co.

Kuya Perry: Kayo? Oh ikaw lang?

Me: Kuya naman eh. Pagod na pagod kaya kami.

Kuya Perry: Tsk. Pasalamat ka talaga pinag-pala ka ng ganito ka-gwapo at ka-bait na kuya.

Me: Haha! Oo na. Dadalhan mo kami ah?

Kuya Perry: Ano pa nga ba? San ba 'yang dorm niyo?

Me: Wait. I-text ko sa'yo.

Nakangiti ako hangga't pag-pasok ng kwarto. Ara just looked at me weirdly. "Ang laki ng ngiti natin ah. Napilit mo kuya mo?"

"Yes! Magdadala na siya ng donuts from J.Co!" Tinawanan ako ni Ara at bumulong siya sa sarili niya pero rinig ko din naman.

"Para lang sa pagkain at dahil sa katamaran, pinapunta pa talaga galing Bulacan ang kuya niya. Aba matindi!"

"Hoy Victonara, rinig ko yun!"

"Malamang, may tenga ka diba?" Aba! Tinaasan pa ko ng kilay..

"Tse! Makikikain ka din naman, dami mo pang side comment."

"Madami? Eh iisa lang 'yun ah." Pilosopo talaga to. Mmm! Yan. Mabatukan nga.

"Aray!" Napakamot na lang siya sa ulo. Bakit ganon? Ang cute pa din niya eh! Aish. Karumi.

Nag-vibrate 'yung phone ko sa bulsa. Nag-text si kuya. Andito na daw siya. Ang bilis ah? Ano 'to nag-teleport? Pumunta ako sa pinto para salubungin siya. Si Ara naman iniwan ko dun. Busy ulit yan sa phone niya. Clingy eh! Haha!

"Kuya! Ba't ang bilis mo?" Bati ko sa kanya at kinuha 'yung dala niyang box ng J.Co bago pa siya makasagot. Yes! My cravings will now be satisfied. Binuksan ko na yung box kahit wala pa kami sa kitchen at tinawag ko na si Ara. Baka kasi maubos ko agad itong lahat eh sa gutom kong 'to.

At yun naman ang bruha. Takbo agad sa kusina. May pa-dulas effect pa yung entrance niya. Nagtinginan lang sila ni kuya habang ako ay kumakain na ng pangalawang donut ko. "Grabe naman, daks! Hinay hinay lang." Hindi ko ito pinansin and kinuha 'yung tissue sa plastic para pinasan bibig ko.

Tinanong ko ulit si kuya kung bakit ang bilis niya. Sinagot naman niya is kanina pa siyang umalis dahil inutusan siya ni mama ipadala sa 'kin 'yung naiwan kong isang bag. Oops. Ako talaga ang dahilan. Sorry, kuya.

Napa-tsk na lang si Ara sa 'kin habang pinapanuod ako. Tumingin naman siya kay kuya at si kuya naman nakipag-titigan lang. Binatukan ko nga.

"Shira buh kayuh!" Sabi ko dahil may laman pa bibig ko. Linunok ko muna ito bago mag-salita ulit. "Kuya, 'yan si Ara."

Ngumiti naman si kuya nang makabuluhan. "So you're Ara."

"Opo. Ako nga. Kakasabi nga lang niya diba?" Pilosopo talaga 'to! Natawa na lang sikuya at tinapik ito.

"Gusto kita!" Nanlaki naman ang mga mata ni Ara. Haha! Payback. "Gusto ka din daw niya kuya!" And she gave me a bawiin-mo-yung-sinabi-mo-or-else look. Pero sinuklian ko to ng evil grin ko.

"Sira! Ibig kong sabihin gusto ko siya para sa'yo." Napatawa ako ng malakas sa sinabi ni kuya. Pero mas natawa ako sa reaksyon ni Ara.

"Hala kuya! Hindi kami talo niyan." Biro ko at ikinakalma ni Ara.

"Kita ko nga sa reaksyon ni Ara eh."

"Hay nako, arabells! Gutom lang yan. Ikain mo na lang. Eto donut oh!" Kinuha ko 'yung isang donut sa box at isinubo sa bibig niya.

"Grabe ka naman makasubo, Miks! Oh Ara, eto tissue oh." Kinuha naman niya ito at pinunas sa bibig niya.

"Kayo talagang mga kabataan kung makapag-lagay ng malisya oh. Ang ibig sabihin ko sa sinabi ko kanina ay gusto ko 'yang pagka-kaibigan niyo. May masasandalan na kayo pag nahihirapan kayo sa buhay kolehiyo." Wow. Ngayon ko lang ata na-witness mag-seryoso si kuya ah.

He was right though. We had each other to lean on to. And sometimes, that is enough or so I thought.


 

The Fault in ForeverWhere stories live. Discover now