Chapter 9

77 3 0
                                    

Naghahanda na kaming lahat ngayon para sa AYT. Kakatapos lang ng misa at parade of athletes. Kaya't change outfits na kami. Sabay sabay kaming Lady Spikers nagsipuntahan sa Henry Sy. Hall Grounds para sa program.

We took pictures muna before settling in to our seats sa table na reserved for us athletes. Katabi ko si Alex [Tan] sa left at si Ara naman sa right.

To: Avo

Wru?

From: Avo

Table 19.

I searched for him through the crowd. Nag-kitaan kami when I waved at him. Madali ko siyang nahanap dahil sa laki neto. Nagpa-alam muna ako para pumunta sa table nila. Sinalubong naman ako ni Avo at mga teammates niya.

"Mika Reyes in the house guys!" Pangutya naman ni Almond.

"Sira!" Binatukan ko na lang ito at nag-quick hug kami ni Avo.

"Picture naman tayo!" Sabi ni Almond at imbis na kaming dalawa lamang ay sumama ang buong team nila. Nag-kumento pa ito at sinabing lugi kaya't nagtawanan na lamang silang lahat.

Mabilis lang naman ako sa table nila. Binati ko lang yung ibang teammates niya na kilala ako. Nag-usap lang din kami ng kaunti. Matapos ay bumalik na din ako sa table namin. Naabutan ko naman nag-pipicture na sila kaya't dali dali akong sumingit.

Nagulat si Ara dahil bigla ko siyang inakbayan. "Grabe! Hindi niyo ko hinintay!" Sabi ko nang matapos ang ilang shots.

"Oh siya! Eto na! Bawi na." Panloloko sa kin nila Cars at inilabas ang mga phone nila.

"Wait! Sa phone ko naman." Inilabas ko yung phone ko at nagkuhanan kami ng pictures.

"Tart! Picture tayo." Aya sa kin ni Alex. Hinila ko naman si Ara sa tabi ko at hinila naman nito si Kimy.

"Aray ko naman, daks! Kung masakal mo ko eh parang balak mo kong patayin." Pag-cocomplain ni Ara.

Nag-akma naman ako na sasakalin ko siya kaya't hinawakan niya ang dalawang kamay ko at para tuloy kaming nag-tutulakan sa ginagawa namin. Muntik ko pang masiko 'tong si Alex na katabi ko. Napatingin naman si Kimah sa 'min at natawa.

 "Ayan na naman ang dalawa! Sige lang. Wala kami dito." Natawa naman ang mga kasama namin. Napabitaw tuloy kami sa isa't isa.

"Oh, bakit niyo binitawan ang isa't isa? Asus! Ngayon pa kayo nahiya sa 'min. Sige lang, pag-patuloy niyo PBB teens dyan!" Kumento naman ni ate Wensh.

***

After the AYT, umuwi na kami sa dorm. Nag-movie marathon kaming lahat sa laptop ni Alex. Inuna naming panuorin ay one of the classics, When Harry Met Sally. At syempre sunod ay Just Go With It. Hinuli naming panuodin ay isang Thai Movie, Yes Or No.

The Fault in ForeverWhere stories live. Discover now