Chapter 7

63 3 0
                                    

After coming home from the team building our schedules were filled with non-stop training and tune-up games. Madalas kaming excused sa classes. Todo ang naging paghahanda namin sa UAAP. At hindi naman kami nabigo dahil nag-champion kami. BACK-TO-BACK, BABY! 

Most Valuable Player si ate Aby. Rookie of the Year at Best Server pa si daks! Best Blocker naman si ate Mich. At ako? Proud teammate, of course! Haha. Okay lang kahit wala akong natanggap na special award. Sapat na sa 'kin na nanalo kami. Worth it lahat ng efforts and sacrifices.

Andito ako ngayon sa bahay. It's Christmas eve and I'm with my family. Actually, kakauwi nga lang naming galing simbahan eh. Nakaupo lang ako sa front porch nang biglang tinabihan ako ni kuya at may iniabot sa 'kin.  

Isa 'tong kahon. At halata ko na ang laman. Relo. Na naman. Kuya talaga. Hinampas ko siya. "Kuya naman eh! Lagi na lang relo ang nireregalo mo sa 'kin."

"A simple 'thank you' would do, you know." Inirapan ko to.

"Tss. Salamat!" Hampas ko sa kanya.

"Mahal mo talaga ako no? Papa-salamat ka na nga lang kailangan may hampas pa."

"Bakit kasi lagi na lang relo nireregalo mo sa 'kin?"

"Because, time is the best gift anyone can give." Lalim. Pero ni-literal naman niya masyado. Haha!

Sunod-sunod na nag-vIbrate ang phone ko. Puro GM lang naman natanggap ko galing sa mga teammates at kaibigan ko. Naki-sakay na lang ako at nag-GM din. Syempre nang-hingi na din ako ng mga pasalubong sa kanila.

Tsaka naman ako namili ng pasalubong nila is the day after New Year. Para di masyadong crowded sa mall. Kinabukasan din naman ay babalik na 'ko sa Taft. Nag-vibrate naman ang phone ko.

From: Avo

Kailan ang balik mo?

To: Avo

Tomorrow na. Ikaw?

From: Avo

Same. Let's meet when we get back! : )

To: Avo:

Sure. : )) Pasalubs ko ah!

From: Avo

Oo naman. Ikaw pa! ;)

Ngayon lang ulit 'to nag-text. Parehas kasi kaming naging busy dahil sa UAAP.

***

"Grabe, I can't believe it. Posible ba na tumangkad pagka-uwi galing States?" Biro ko kay Arnold. Para kasing lalo siyang tumangkad eh! Lakas makapan-liit.

"Ikaw nga dyan eh. Lalo kang gumanda." I blushed on the inside pero I didn't let it show. Hanggang ngayon di pa din ako sanay na kinocompliment ako.

"Heh! We have a lot of catching up to do! Tagal na nating 'di nag-usap." I said changing the topic.

"Oo nga eh. Hassle maging student-athlete. Hirap isingit social life." He's right. Kaya nga ang mga kaibigan naming kapwa athletes din.

"I saw your post on instagram! The girl you're with...are you guys dating?"

"Oh that. We're just getting to know each other."

"Naks! Ikaw na."

"Eh ikaw naman dyan, how does it feel like to win in the UAAP especially since you're only a rookie this year? Congrats, champ!" Natalo kasi sila eh.

"You know what? I still can't believe it. Everything still seems so new to me. Haha! Anyways. There's still a next season. Bawi na lang kayo."

I took a sip of my frappuccino. Bigla naman may lumapit sa 'min na lalaki at nakipag-man hug kay Arnold. Basketball player din ata to. Napatingin naman siya sa 'kin at biglang nag-salita.

"You must be THE Mika Reyes everyone's been talking about. Hi! I'm Almond, Avo's teammate. It's nice to finally meet you." He said and offered his hand so I shook it then smiled. Wow! Sikat na pala 'ko ngayon.

Pinaupo siya ni Avo pero sinabing niyang nagmamadali siya kaya't nauna na ito. "Pano ako nakilala ng teammate mo?"

"Are you serious?" I nodded. Tumawa naman siya.

"Besides Ara Galang, you're one of the most talked about rookies this season." 

The Fault in ForeverWhere stories live. Discover now