Habang niluluto ang mga patty, tiningala ko ang mataas na gusali na itinayo ng mga construction workers. I shake my head and continue working while hearing some complaints from the construction workers. Their words get to me somehow. I relate to their thriftiness. I relate to their anguish. I relate to their desire for a better life.

When will we ever get what we want? Would it ever come?

After my shift, I passed by a pharmacy to buy Salonpas. Ididikit ko sa likod ko bago matulog.

Wala masyadong kotse sa daan nung naglalakad na ako pauwi. Ang langit ay tahimik, walang tunog ng eroplano. May iilang tao na naglalakad din na aking nakakasalubong.

Pagdating sa bahay, tahimik at madilim na ang loob nito. Naglinis ako ng katawan at binuksan ang Salonpas. Pagkatapos idikit ang dalawa sa likod ko ay tumunog ang telepono ko. Si Chance ang tumatawag.

Inayos ko ang damit ko at sinagot ang tawag.

"Bakit ka tumawag?" pambungad na tanong ko.

"You never fail to amaze me with your straightforward-ness,"

"Bakit nga? Hindi ba dapat tulog ka na ngayon? Mamaya na ang huling shift mo sa ospital, ah?"

"I couldn't sleep, when I came home kasi I took a nap. So..."

"Hindi ka pa kumakain?"

Umiling siya. Suminghap ako.

"Kumain ka. Um-order ka riya'n o magluto ka,"

"I'm not hungry,"

"Nalipasan ka na," pumalatak ako.

Ilang minuto niya akong kinuwentuhan at ako pa ang pinapili niya ng kakainin mula sa Grab. Tapos, nung napansin niyang may kalat sa la mesa ko sa kwarto dahil sa nilagay kong Salonpas, tinanong niya ang tungkol do'n.

"Sumasakit na kasi 'yung likod ko, papag kasi 'yung higaan ko, matigas."

"No foam?"

"Wala, e. Hindi pa kayang bumili sa ngayon."

"Why don't you put some blankets on the bed?"

"Dalawa lang kumot sa bahay, gamit ko 'yung isa, tapos 'yung isa naman ay nasa kwarto nina Mama."

"That would give you much more pain in the future, Calisse."

"I know... Nag-iipon lang,"

"Can I make a request? Unahin mo 'yan, please?"

"Hindi ko matutupad 'yan, ang daming gastos sa bahay ngayon, e."

"Then, borrow money from me first. Pay when you can,"

"Ayaw ko."

"Why not? It isn't for free! I know you, you'd never let me buy you a foam."

"Siyempre, hindi, ang mahal no'n. Ang pera na gagamitin mo naman, galing sa magulang mo, nakakahiya."

"So, if it was from my own money, you'd let me buy?"

"Hindi, tumigil ka, Chance."

"I'm just thinking of helping you,"

"Tama na 'yung panglilibre mo. Baka hindi na ako magpakita sa 'yo kapag ipinilit mo 'yan,"

"Okay, okay... I won't..."

"Matulog ka na, iidlip na rin ako."

"Do you still have data?"

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now