Just Want To Be Where You Are

3.6K 64 12
                                    





Mika ...Mika...Mika....



I need to call Mika. Kailangan ko syang makausap tungkol sa  mga nangyayare ngayon. Teka lang, alam na kaya nya?



Kamusta na kaya sya? Kamusta na kaya mga anak ko? Nakakainis wala akong magawa kasi pagkarating naming agad dito sa isang office na di ko alam kung saan eh agad kami kinapkapan at sinabihan na isurrender ang mga gadgets lalo na ang mobile phone for strict compliance daw....haaay.



Pinaliwanag naman agad sakin ni Damian na dapat sundin namin yun kasi as of now kasali pa kami sa list  ng "Possible Suspect or Accomplice". Kailangan nilang I check ang laman ng mga phones namin and once we're cleared malilipat na ang mga names namin sa "Victims". Yes biktima daw kami ng kung anong ewan na di pa nila idi disclose hanggang di pa kami cleared. Lalo akong nainis ng malaman kong dalawang oras pa bago namin makuha ang aming mga gamit . Binawalan din muna kaming tumawag hanggang di pa tapos ang proseso. Arghhh sobrang higpit nila! Gusto ko lang namang makausap ang asawa ko! Masama ba yun? Arghhh!



Pinipigilan ko na lang na masabunutan ang buhok ko haaay.



Napansin na ata ako ni Damian na paikot ikot sa loob ng kwarto kung saan kaming dalawa lang ang tao. Kaya tinawag nya ako para umupo.




"Vic...come and sit beside me. Nakakahilo ka ng tingnan."




"I need to call my wife. I need to talk to Mika. I need her..."




"Calm down Vic...calm down please."




"Kailangan ko syang makausap...Damian kailangan ko sya."





Napaupo din ako sa tabi nya. Pilit ko ngang pinapakalama ang aking sarili pero nag aalala talaga ako kay Mahal at sa buong pamilya ko. Kaya napatayo ulit ako at bahagyang tinabig ang upuan.




"Vic...kalma lang. Naiintindihan kita kasi pareho tayo ng pinagdadaanan. Pero we need to really keep our cool right now. Konti na lang makakatawag na tayo sa Pinas."




Di ko man sinagot si Damian pero nakinig naman ako. Umupo na ulit ako sa kanyang tabi at pilit na pinapalagay ang aking sarili.Ang hirap ng ganito. All I was thinking today's I'm going to see my family...my lovely wife. Mayayakap ko na sila ,makakausap ng malapitan,mahahalikan ko na si Mika...pero ano tong napasok ko ngayon. Wala pang nag papaliwanag saken ng buong pangyayari at wala din akong balita kung anong kalagayan ng aking mag iina sa Pilipinas.Bakit nagkaganito? Ano bang meron at napeperwisyo ako ng ganito?

Just Want To Be Where You AreWhere stories live. Discover now