Chapter 4

10.6K 261 11
                                    

-

[Mage's POV]

"Manang Leny, ilang taon na po ba kayo naninilbihan dito?" Tanong ko habang tumutulong magluto ng dinner.

Nasa kitchen ako napatambay imbis na mabulok sa kwarto para lang hinymtayin ang halimaw na tawagin ako.

" 'Di ko na mabilang ineng napakatagal ko na kasi dito, mula pa no'ng ipinanganak 'yang batang inaalagaan mong tinatawag mong halimaw. Ni 'di na nga ako nakapag asawa. Alam mo ineng mabait na bata naman talaga 'yang si Gerson. Kung alam mo lang." Natatawang kwento nito.

"Anyare po ngayon?" Natatawang tanong ko.

Ano ba naman kasing nangyari ngayon 'diba?

"Sadyang kulang lang sa atensyon ng magulang. Wala na nga ang kanyang ina 'di pa matutukan ng kanyang ama dahil sa trabaho at bagong pamilya kahit kasama naman niya." Dahilan nito habang naghihiwa ng sibuyas.

"Bakit nga po pala 'di siya makalakad?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Naaksidente kasi 'yan sa pakikipagkarerahan ng motor last five months at dahil galit siya sa ama pinapahirapan niya lahat ng ibibigay na katulong sa kanya para tulungan siya dahil sa kalagayan niya mas pinili niyang 'di makalakad kahit may chance namang makalakad siya dahil gusto niyang nahihirapan ang kanyang ama. Kilalang kilala ko na 'yan ineng. Ganyan talaga ang ugali niyan pero deep inside may soft part 'yan na ipinapakita lang niya sa mga taong para sa kanya ay mahalaga lalo na sa buhay niya at nakikita niyang pinahahalagahan din siya. Sa tingin ko kasi ganoon ang ipinaparating niya sa ama. Ang mahirapan sa sitwasyon niya ngayon. Kaya 'di ko maiwasang maawa minsan." Kwento nito.

"Ba't 'di po kayo ang nag aalaga sa kanya? Ba't kailangan pa po ng ibang katulong?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Dahil ako ay pang kusina lang hindi ako pwede sa kanya tyaka masyado na rin akong matanda para magkunsumi sa katigasan ng ulo ng batang 'yan."

"Kaya pala." Tanging nasabi ko.

"Alam mo bang ikaw lang ang nagtagal ng ilang buwan sa kanya? Bukod sa mama mo."

Ilang buwan na nga ako dito. Akalain niyong nakatiis ako sa halimaw na 'yon.

"Talaga po?" Paninigurado ko.

"Oo ineng at ikaw lang ang nakakapagsalita ng kung ano-ano sa kanya."

"Bakit po?"

" 'Yun nga din pinagtataka namin ni Sir George. Pero masaya kaming tumagal ka sa kanya."

"Wala po 'yun. It's part of my job."

Umiinom ako ng tubig ng may sumigaw nanaman! Peste! Mabubuga ko pa. Kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto ng halimaw.

"Ano nanaman?! kagagaling ko lang dito ah!" Pagrereklamo ko.

"Gutom na ako." Walang ganang bungad nito habang naglalaptop.

"Wait. Kunin ko na ang pagkain mo kay Manang." Sabi ko na lamang.

Pumunta ako ng kusina at kinuha ang nakahaing pagkain niya saka dinala sa kanya.

"Oh ito na po. Eat well." Normal na sabi ko dito.

"Sandali."

"Bakit?" Baling ko dito.

"S-subuan mo ako!" Nahihiyang sabi nito.

Napakunot ang noo ko. Anong trip nito?

"May kamay ka naman po Sir." Dahilan ko.

"M-masakit ang kamay ko." Sabi niya ng hindi makatingin.

"Ano bang ginawa mo sa kamay mo at sumakit? Eh kanina lang naglalaptop ka pa diyan."

"E-ewan ko! Basta sumakit na lang bigla. Pwede ba? Sumunod ka na lang? Arte!" Iritadong sabi nito.

Ano bang nangyayari dito? Para 'di na humaba ang usapan sumunod na ako.

Umupo ako malapit sa kanya saka siya sinubuan. Nang matapos ay pinalayas na agad ako ng halimaw! Bastusing bata talaga 'to!

Sinong matinong tao ang tatawagin ka tapos palalayasin? Layas talaga? 'Di ba pwedeng alis lang? Madalas ko talagang 'di maintindihan ang halimaw na 'to. Buti na lang marami akong nalamang interesting sa buhay niya ngayon. Pang asar din 'yun!

-

Substitute Personal Maid (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon