Chapter 2

14K 308 28
                                    

-

[Mage's POV]

Mag iisang buwan na ako dito dahil na rin sa di pa talaga pinapayagan ng doktor si Mama na magtrabaho pero nakauwi na siya sa bahay. Sabi pa nga ng doktor 'wag ko na daw pagurin si mama dahil humihina na ang puso niya.

Kaya heto ako nagtitiis at magtitiis pa para makapagtapos lang sa college. Sabi naman ng doktor pwede naman daw gumalaw ng kunti si Mama katulad na lang ng pag huhugas ng pinggan, pag wawalis at pag lilinis 'di lang talaga 'yung nakakapagod ng sobra kaya napagdesisyunan ko ng ako na ang magpapatuloy sa pag aalaga sa halimaw dahil 'di pwede 'to kay mama mapapagod siya not really physically pero kakaintindi sa halimaw na 'tong walang bahid na kunting magandang ugali.

As if naman kung magbabago pa 'to! Tss. But people change naman eh. Baka may pag-asa pa kahit mukhang wala na. Kaya siguro napunta siya sa wheelchair.

"Mage!" So far ganyan na siya tumawag 'di na gaano kalakas ang boses pero nasigaw pa din. 'Yung parang bingi parati kausap.

"Po!" Sabi ko nang makarating sa kwarto niya. Laging ganito, tatawagin niya ako then kakatok ako sabay pasok sa loob. Ngayon may katok na para naman kunyari mabait talaga ako.

"Idala mo nga ako sa garden." Malumanay na utos nito.

I was like WOAH! Malumanay? Nakakagulat.

"HOY! Ano ba?! Tutunganga ka na lang ba diyan?" Nakakunot noo niyang sabi.

Bumalik nanaman ang halimaw sa katawan niya.

"A-Opo!" Tarandang sagot ko.

Kaya itinulak ko ang wheelchair niya papuntang garden at nang akmang iiwanan ko na siya do'n bigla niyang hinawakan ang kamay ko. As in parang may tinampal sa kamay ko.

"D-dito ka lang." Mahinang sabi niya saka inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Umupo ako sa batong upuan saka pinagmasdan ang langit.

Haaaaay! Napakapeacefull naman pala dito. Ngayon lang kasi ako naka-stay dito ng ganito katagal. Kadalasan napapadaan lang ako dito.

"HOY!! GISING!! SINONG MAY SABING MATULOG KA?!!!"

Nagulat ako nang sigawan nanaman ako ng halimaw! 'diba nga? MAGBIRO KA NA SA LASING WAG LANG SA BAGONG GISING! Eh ginising niya ako kaya bagong gising ako ngayon! UGALI TALAGA NG MOKONG NA ITO!!!

"Kailangan talagang sumigaw? Bingi? Bingi ako?" Nasabi kong bigla kaya nagulat din siya.

'Di ako makapaniwalang after one month nasagot ko na ang halimaw 'di man lang ako natakot na baka mawalan ako ng trabaho. Ok lang wala namang nakakita at kung magsusumbong siya 'di naman siya pinaniniwalaan ng ama niya kasi kilala siyang halimaw. Bahala siya!

"A-aba!! Sinasagot mo na ako ah! Akala mo kung sino ka! Katulong ka lang naman dito ah!" Galit na sabi nito sa'kin.

At do'n ako nainis sa kanya!

"OO KATULONG LANG AKO! ALAM KO 'YUN! 'DI MO NA KAILANGAN PANG IPAMUKHA SA'KIN! AT ITONG KATULONG AY KAILANGAN DIN PO NG RESPETO!" Bahala na makita man kami ng ama niya o hindi. Nakakainis eh!

"RESPETO? AKO BA RENESPETO MO BILANG AMO? KUNG MAKAPAGSALITA KA AKALA MO KUNG SINO KA!"

Hingang malalim Mage. Patience!

"In the First place ni-respeto po kita pero ni minsan 'di niyo ako renespeto bilang tao o kahit bilang katulong man lang ng halimaw na katulad niyo po!" Malumanay na madiin na pagkakasabi ko.

"T*ng*n* Mage! Sineswelduhan ka naman dito! kaya 'wag kang nagrereklamo sa respetong pinagsasabi mo! D*mn *t!" Sabi niya ng kaunting pasigaw pero 'di gano'n kalakas.

At dahil minura na niya ako 'di ko na kayang tiisin ito. Bahala ng mawala ang tuition fee ko galing sa ama niya dahil sa nangyayari ngayon. Gagawa na lang ako ng paraan.

"OO NGA! SINESWELDUHAN ANG TRABAHO KO PERO HINDI 'YUNG BUONG PAGKATAO KO! MAHIYA KA NAMAN PO ANG TANDA MO NA GANYAN PARIN ANG UGALI MO! NI WALA KANG GINALANG! ALAM MO? KUNG HINDI DAHIL SA'YO WALA AKO DITO! SUBSTITUTE LANG DAPAT AKO NI MAMA EH, ANG KASO MAHINA NA ANG PUSO NIYA PARA ALAGAAN ANG HALIMAW NA KATULAD MO! NI HINDI NGA AKO MINUMURA NG SARILI KONG INA TAPOS MUMURAHIN MO LANG AKO? SINESWERTE KA NAMAN! WALA TALAGANG TATAGAL SA UGALI MONG 'YAN! NAPAKASELF CENTERED! STUBBORN! AT WALANG MODO!"

"What seems to be the problem in here? Mage? Gerson?"

Napalingon kami pareho nang may magsalita si Sir George pala. Lumapit ako sa kanya.

"Sir George. Sorry po. Hindi ko na po matagalan ang halimaw niyong anak. Trabaho lang po ang nababayaran hindi 'yung buong pagkatao ko. Salamat po sa pag papaaral niyo sa'kin tatanggapin ko po kung ititigil niyo na po ang pagpapaaral sa'kin dahil sa nangyari. Salamat po sa lahat ng tulong tinatanaw ko pong utang na loob lahat 'yon a--" Natigil ako sa pagsasalita ng tumawa siya.

Kunot noo kong pinagtatakahan si Sir George.

"Sinong may sabing dahil sa nangyaring 'to hindi na kita papag aralin iha? Ok lang. Gustong-gusto ko nga ang nakita ko kanina eh. That was a good show. Dahil ikaw lang ang nag iisang taong nakasigaw at nakapagsalita no'n sa kanya. Dahil kahit ako hindi ko 'yun magawa sa kanya. 'Wag mong sukuan ang batang 'yan a--"

"DAD! STOP THAT NONSENSE YOU'RE TALKING ABOUT! PALAYASIN NIYO NA LANG 'YAN SA HARAPAN KO!" Sigaw ng halimaw.

"No." Seryosong sabi ng ama nito saka tumalikod sa amin.

Na-shock ako sa mga sinabi niya sa'kin.

Totoo ba? Papag-aralin parin niya ako kahit sinagot-sagot ko na 'tong halimaw? Salamat sa Dios.

"A-anong nginingiti-ngiti mo d-diyan? M-may binabalak ka bang masama sa'kin?" Biglang tanong ng halimaw na nauutal-utal pa.

"Huh? pinagsasabi mo?" Inosenteng tanong ko saka naglakad palayo dito.

BAHALA SIYA DIYAN MAG ISA SA GARDEN NILA!

"H-hoy! Sa'n ka pupunta? IBALIK MO AKO SA KWARTO KO!" Galit na utos nito.

"Say PLEASE muna!" Natatawang sabi ko.

MY REVENGE!

"A-AYOKO!"

"EDI 'WAG! KAYA MO NA 'YAN. MATUTO KANG MAG ISA!" Sabi ko saka tumalikod muli dito.

"H-HOY!" Sigaw pa niya.

MANIGAS KA! Ginusto mo 'yan!

"GINUSTO MO YAN EH!" Sigaw ko pa nang makalayo na.

"OO NA!" napahinto ako at naglakad papalapit sa kanya pero hindi 'yung malapit talaga.

"Anong oo na?" Mataray na tanong ko.

Yumoko siya. Hinilamos niya ang kanan niyang kamay sa mukha niya na parang naiinis sa sarili.

"Please." Napakahinang sabi nito na halatang napilitan lang.

"Ano? 'Di ko marinig. Ngayon ka pa di sumigaw kung kailan kailangan kong marinig." Nakapamewang na sabi ko dito.

"Bingi ka lang eh! Palusot mo pang 'di mo narinig." Supladong sabi nito.

"Aba! sinong nangangailangan ng tulong?" Pagpapaalala ko.

"Oo na! Please." Sarcastic na sabi nito.

"Ulit 'yung maayos." Demand ko.

"Fine. Fine. Please. Ibalik mo na ako sa kwarto. Gusto ko ng magpahinga." Malumanay na sabi nito na kahit alam ko namang pilit parin ay ang mahalaga maayos niyang sinabi.

"Very good. Nakakapag salita naman pala ng maayos eh. Ok. Kung ganyan ka lagi magkakasundo tayo." 

'Yung mukha niya asar na asar ooh samantalang ako? Success! Mapapakanta kanta ka na lang talaga ng... Ako ang nagwagi! 🎤🎶

Nang nakwento ko ang nangyari kay mama tawa siya ng tawa sa bahay namin nang makauwi ako dahil day off. Usu din day off.

-

Substitute Personal Maid (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon