"Bahala ka. Siguraduhin mong hindi siya ang makakapagpatuliro sa 'yo dahil first year ka pa lang, unahin mo ang pag-aaral mo."

Pumasok na siya sa silid niya at sinara ang pinto. Nawala ako sa mood dahil sa nangyari. Halatang hindi gusto ni Mama ang ideyang may boyfriend ako, lalo na kung kapatid ng tinuturuan ko ang magiging kasintahan ko.

Binalingan ko ang phone ko at nakita ang chat ni Chance. Hindi raw siya aabot dahil sobrang daming utos sa kanila ng mga doktor.

Nag-reply ako.


Me: Sige, ingat ka.


Nag-aral na ako para sa parating na linggo nung kinagabihan, tapos tumawag sa 'kin si Chance via video call.

"Tell Chino sorry, I'll just give him my gift next time."

"May regalo ka pa? Ano ka ba? Ba't ka pa bumili."

"I wanted to give him one, he's a nice brother and son—he deserves so many things."

"Alam ko, pero hindi mo naman kailangang bumili para sa kanya. Deserve nga no'n ng maraming bagay, mabait 'yon, sobra. Malambing din siya minsan, alam na alam kong marami siyang dapat nakukuha lalo na't mabuti siyang bata. Pero maunawain din 'yon."

"Like you,"

I stop talking and realize what he meant.

I felt like everything I had done since grade eight was validated because of two words, because of him pointing out my similarity with my brother. I never had a special life, in fact, my life was pretty mediocre. Hindi lang ako ang ganito may ganitong sitwasyon. Hindi lang ako ang anak na kinailangang magtrabaho habang nag-aaral. Pero dahil kay Chance, pakiramdam ko napaka-espesyal kumpara ko sa lahat ng tao. Bukod-tangi. It was because it was him that likes me. Siya. Walang ibang nilalang. Siya lang.

"Ikaw at saka si Wesley talaga ang nagbubuhat ng bigat ko."

His brow went up. "What can I say? We care for the same girl so much."

"Ako rin, I care for both of you."

Nakita ko ang pagpula ng tenga ni Chance. Kinikilig na naman.

"Hindi ba halata 'yon, Chance?"

"It's halata, it just feels more endearing when you verbalize it."

Natawa ako at napailing.

Ang conyo kong Isko, pinapangiti na naman ako.

Before, hindi ko alam na may salita pa lang 'conyo.' Iniisip ko lang dati, Inglisero o Inglisera ang mga taong pinaghahalo ang Filipino at English. Ang dami kong term na nalalaman dahil kay Paula at sa iba.

"Conyo mo talaga,"

Ngumuso siya. "I am."

Ngumiti ako at nagkwento tungkol sa nangyari sa araw ko. Maigi siyang nakinig sa akin habang kumakain ng hapunan. Dahil madalang akong magkwento ay inasar niya ako. Ako na raw ang madaldal sa aming dalawa.

"Bahala ka, hindi na nga ako magkukwento sa 'yo next time."

"Joke lang, Calisse. Tell me more. Don't deprive me of hearing your voice."

Maliit na ngiti ang ipinakita ko habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita. He was giving me reasons why I should talk more kahit na siya naman talaga ang masalita sa aming dalawa. Minsan lang ako magkwento. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, most of the time. Alam niya naman ang takbo ng araw ko, e. Gigising, magluluto, papasok, magtratrabaho, papasok ulit, magluluto, at mag-aaral. Paulit-ulit lang naman 'yon. Wala na talaga akong ibang makukwento kay Chance. Kaya gusto ko ring siya ang nagsasalita.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now