KABANATA 10

41 11 2
                                    

Bati na kami ni Raven at sa katunayan magkasama kami ngayon dito sa dog park. Iginagala niya si Argie ang alaga niyang husky. Regalo ni Ren noo'ng graduation daw. Sadly hindi ako nakadalo at hindi din ako nakapanuod ng sayaw ni Aira. The only event na madadalohan ko na lang is ang soccer game ni Reigmor.

“Pasensya ka na Selena sa mga masasakit na salitang nasabi ko sayo.” Hawak hawak niya ang leash ni Argie habang nakatingin sa'kin. Nakatingin naman ako sa aso niya. Sobrang cute niya! Kahit iba ang tinititigan ko nakikinig parin ako kay Raven.

“Ano ka ba okay lang yun!syempre alam kong ayaw mo lang masaktan mga kapatid mo. Sorry din sa mga katangahan ko.”

Mahangin sa park. Masarap ang simoy ng hangin at medyo malayo sa polusyon ng mga sasakyan. Marami ding mga trained dogs sa lugar na ito. Hindi ako mahilig sa pet pero nako-cutan din ako sa mga ito. Maaliwalas din ang sikat ng araw.

Speaking of maaliwalas,mas lalong gumanda na naman si Raven. Nag bloom siya. Yung dating kulot at dry na buhok niya ay naka straight na. Nagpa rebond siguro. Kakaibang transformation na hindi ko nasaksihan kung paano ginawa sa kanya.

“Umiiba yata awra natin Raven ah!ngayon ko lang na notice ang rebonded hair mo.” haplos ko ang ulo niya habang sinusuri ang buhok niya. Kulay golden brown na ito. Hindi ito ipinagbabawal sa school namin since may mga kaklase kaming mistisa at blonde ang mga buhok.

“For the change ang ferson HAHAHHA.” nagtawanan kaming dalawa hanggang sa biglang kumulo ang dugo ko. Sa Hindi inaasahang pagkakataon nagkita kami ni Shalani.

“Akala ko aso lang ang gumagala dito bakit may Tasmanian Devil dito?” Si Raven na hindi ko inaakalang ayaw din kay Shalani. Hindi ko pa nababanggit ang tungkol kay Shalani but I think magkakilala na sila.

“Hindi naman pala sinisekreto ng kuya mo ang girlfriend niya no?” Napalingon sa akin ng gulat na gulat si Raven. Hinarap pa ako at nagsmirk siya.

“Ay girlfriend na pala yan ni Kuya. Sinong kuya ang tinutukoy mo?lahat ng kuya ko inahas ng bruhang yan.”

Pasimple lang kaming pinagmamasdan ang kilos niya habang siya naman ay iginagala ang Chihuahua niyang aso. Sa hindi inaasahan kumaway siya at nagpakita ng ngiting anghel samin.

“Plastik.” sabay na pagkakasabi namin ni Raven. Pinagmamasdan namin siyang papalapit habang may nakakasuyang tingin.

“Hi guys!” nagbeso pa samin at ang maarte kong kaibigan pinagpag ang damit na parang may alikabok na dumikit.

“I'm sorry for that attitude ah allergic kase ako sa mga aso ay este sa perfume mo kumakati ilong ko.” Suddenly she acted na nababahing then kumuha ng panyo sa kanyang bag. Grabe best actress ang isang to.

“Hi Shalani.” nginiti-an ko si Shalani gaya ng ginawa niya. Hindi ko pinakita ang nakakasuyang awra ko hindi niya naman ako tinarayan.

“Oh close pala kayo ni Raven. Pasensyahan mo na si Raven ganyan talaga kumilos yan Bata pa kase. Diba mas matanda ka sa kanya?As I check your background.” Sabi niya at agad na humarap kay Raven at pinat ulo niya. Inalis ni Raven ang kamay ni Shalani sa ulo niya at ibinagsak ito ng malakas.

“Come on, Raven. Don't be so rude hindi gusto ng kuya mo yan.” nagmamalinis na naman.

“Ano ba Shalani!una sa lahat hindi tayo close. I don't wanna be close to a cheap girl. Second, seriously paano ka nakabili ng Chihuahua?siguro bili na naman ng kuya ko isa sa mga hiningi mong luho at third akala ko ba clean and green park to ba't may plastik na pakalat kalat dito?” Naging masama bigla ang ichura ni Shalani. Naka cross arm na itong humarap samin.

“Oh, poor Raven. Naagaw ko ba ang attention ng mga kuya mo na para sayo. Sad naman. Insecure na naman ang batang ito.”

Naka sneakers at dress na white siya then si Raven naman ay naka jogger and crop top samantalang ako ay naka shorts with fitted t-shirt and naka shoes din.

“Ew why would I be insecure to you?ampanget ng taste mo.” Nagtaasan ang dalawa ng kilay. Parang kilay nila ang nag aaway. “ Paki alis ng Chihuahua mo at baka malapa yan ng husky ko.”

Tinatahulan ni Argie si Bruno. The name of her dog is Bruno kase nakalagay sa belt ng aso niya.

“Go ahead Raven kung gusto mong magalit sayo si Rohan. Binili niya ang aso na to kase he thought magkakaayos tayo dahil may aso ka din. Yun pala ipapalapa mo lang aso ko sa aso mo. How rude sister.” mas nangunot ang noo ni Raven sa hindi ko malaman na dahilan.

“What the f?higad ka pagkatapos mo kay kuya Ren si kuya Rohan naman. Hindi ka pala nanalo kay Reigmor no?pasensyahan kase ang babaeng nasa gilid ko ang gusto niya mula bata pa lang kami.” confident na pagkakasabi ni Raven and umakbay siya sa'kin.

Tumawa ng malakas si Shalani at iup down look ako kaya napasama ang tingin ko din sa kanya.
“Ang babaeng dumurog kay Reigmor. Your poor brother told me about her. So see sa'kin nagpa comfort ang gwapo mong kuya. Ang pinaka matino mong kuya.” Sumama lalo ang tingin ni Raven kay Shalani. Akmang susugurin niya si Shalani pero Hinawakan ko siya.

“Walang hiya ka!Gold digger!” nagwawala si Raven at pinipigilan ko siya.

“Oh no kid hindi ako gold digger sila lang talaga ang kusang bumibigay.” gustong gusto na talaga ni Raven na sugudin ang babaeng to.

“Bitawan mo ko Selena. Makakatikim sa'kin ang babaeng to.” Hindi malakas ang pwersa ni Raven kaya kayang kaya kong pigilin.

“Itigil mo yan Raven madaming naka tingin. Pinagtitinginan na tayo.” may mga humihinto para maki usyoso sa usapan namin at sa pagtatalo nilang dalawa.

“Hawakan mo ng maigi yan Selena baka maka kagat yan. Mahal ang anti rabies ngayon.” tumawa ito ng malakas.

“mahal ang anti rabies pero meron kaming perang pambili.”

“Perang napupunta sa'kin at sa mga kagustuhan ko Raven. Tsk hahaha handang sumugal ang mga kuya mo para sakin.” Akma na namang susugod si Raven kaya hinawakan ko ulit.

“I don't wanna waste time so bye!see you on Monday. I'll cheer for Reigmor kase he asked me to watch his game.” papaalis na ito at walang humpay parin ang pagmumura ni Raven.

“Hayop na babaeng Yun! Gustong gusto ko na talaga sabunutan eh kung hindi lang ako papagalitan ng mga kuya ko baka nasakal ko na ang babaeng yan.” medyo kumakalma na ito at mas lalong nagulat ako ng harapin niya ang mga usisera.

“Walang dog show dito anong tintingin tingin mo Jan! Chismosa!” pang aaway niya sa taong andun.

“Tama na Raven nakakahiya baka makarating to sa mommy mo. Mapapagalitan ka panigurado.”

“What now?gusto ko patulan ang babaeng yun and sisirain natin ang pakulo niya bukas. Magpapasabog tayo.” nagulat ako sa sinabi niya at hinarap ko siya.

“What!? Are you out of your mind?edi nakulong tayo!” I said na nagpasama ng timpla niya. Nakakatakot tong babaeng to pag nagagalit. Nagiging bomb terrorist.

“Not a bomb but an attire. umayos ka Selena.” she said at inayos ang mga gamit namin. Inihatid niya muna ako sa bahay gamit ang sasakyan ni Reigmor at umuwi na rin. Nakasalubong ko si kuya na babad na naman sa social media.

“Naka balik na pala si Shalani.” saad niya kaya napaharap ako sa kanya.

“what?kilala mo siya?” gulat na gulat ako ng marinig ko kay kuya iyon. Kaya nagtaka ako kase bakit niya alam na parang sikat na sikat si Shalani though hindi niya na naabutan.

“Lahat ng college boys sa engineering field kilala siya. She's the queen of Lazarus University. Heart throb dati sa campus niyo pero umalis siya and now bumalik ulit. Marami na ang nababaliw sa kanya dati. How much more ngayon na dalagang dalaga na siya.” gulat na gulat ako sa natuklasan ko kaya natulog akong iyon parin ang iniisip.

Queen of Lazarus University: Shalani Lopez Bandillon.



++VOTE++COMMENT++SHARE++
THANK YOU FOR READING!ENJOY!🧡🍊_L4vbe2winus

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusWhere stories live. Discover now