KABANATA 5

52 12 0
                                    

DEAL

Nagising ako sa call ni Reigmar. Linggo ngayon at wala daw siyang gagawin kaya gusto niya makipagkita sa'kin. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil sa nangyari nung isang araw pero I know wala naman siyang ka alam alam o pakealam kung tungkol sa'min ni Reigmor.

He texted me to wait sa isa sa mga pagmamay ari nilang Cafeteria. I wonder anong pag uusapan namin baka kase tungkol na naman sa panliligaw niya wala na talaga ako sa mood.

Sobrang tagal niya kaya napagdesisyunan kong uuwi na lang. Hindi kalayu an sa pinto ng company building nahagilap ng mata ko ang malanding si Reigmar. Kung hindi ako nagkakamali si Aira ang kasama niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong huminto at bumaba ng taxi na sinasakyan ko.

"Manong dito na lang." nagmamadaling bayad ko sa mamang taxi driver.

"Hija yung sukli mo!" sigaw ng driver habang ako naman ay patakbong papunta sa kinaroroonan nina Reigmar and Aira. Puro mga taksil. Hindi ko akalaing makakaya gawin ni Aira to kay kuya Shello.

Kaway na lamang ang tanging naisagot ko sa driver kaya umalis na lang Ito.

Malanding Reigmar nakahawak sa bewang ni Aira at itong si Aira naman ay dikit ng dikit sa kanya. Mga higad! Akala ko pa naman mapag kakatiwalaan si Aira yun pala hindi.

"Fuck you,Reigmar!" sigaw ko habang papalapit sa kanilang dalawa. Kita ko ang pagkagitla ni Aira samantalang si Reigmar naman ay ngumisi lamang. Bumulong pa sa tenga ni Aira. Halatang kabado kanina si Aira na ngayon ay kalmado na.

"Wag ka magskandalo dito Selena. There's a place for your rants. Mali ang pagkakaintindi mo." mahinahong pagpapaliwanag ni Reigmar. Naka pamewang siya habang hawak sa kabilang kamay ang kanyang cellphone mukhang may tinetext din. Hindi pa nakuntento sa isa may ka textmate pa.

"Mali man ang pagkakaintindi ko pero hindi ang nakikita ko, Reigmar. Tama si Reigmor Hindi ka nga mapagkakatiwalaan." ramdam ko ang galit sa buot ulo ko habang sa dulo ng kuko ko. Parang gusto ko silang tirisin pareho.

Bahagyang kumoyom ang kamay niya at ibinulsa ang kanyang cellphone. Matalim na ang kanyang titig ngayon sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit or may nasabi akong hindi maganda sa kanyang pandinig.

Inimwestra niya ang limahang mesa sa gilid ng kumpanya kaya umupo ako dun. Sumunod naman si siya at si Aira.

"Selena,Mali ang pagkakaintindi mo. Ang totoo kase magkikita kami ngayon ng kuya mo pero naka salubong ko siya. At isa pa parang kuya ko na rin si Reigmar. Alam mo naman yun." Sa sobrang inosente at disente ni Aira hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya. Parang oo na parang hindi.

Sasagot pa sana ako ng biglang tumawag si kuya kay ate Aira.

"Hello,Shello. Nandito ako sa labas ng company niyo." unang bungad niya sa call ni kuya.

"Yeah I'll wait. Nga pala kasama ko si Reigmar at Selena." agad siyang tumingin samin. Sobrang inosente niya. Parang hindi naman siya nagsisinungaling.

"okey bye." agad niyang binaba ang cellphone niya at luminga linga sa paligid. Tumingin siya ng medyo may katagalan kay Reigmar na parang naiiyak. Hindi ko alam kung maaawa ako or magagalit dahil feeling ko nagsisinungaling talaga sila. Nagdududa parin ako sakanilang dalawa. Una I've heard issues na in a secret relationship sila pero itinanggi nila iyon then pangalawa madami na rin nagsabing may nakahuli sa kanila na nagkikita ng palihim.

"Trust me Selena mapagkakatiwalaan mo si Reigmar. H-he loved you. Hindi ka niya papabayaan." nakangiting paninigurado niya sakin. " He's also asking favor na sana tulungan ko siyang mapasagot ka and I think this is my help." tumayo siya at ngumiti samin ni Reigmar. Hinawakan ni Reigmar ang braso niya pero ikinalas niya ito sa pagkakahawak.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusWhere stories live. Discover now