CHAPTER 3: His feelings for her

Start from the beginning
                                    

''Ouch!''

''You!? Anong ginagawa mo rito?''

''Can we talk?'' malamig ang boses na pagkakasabi niya. Lasing ba siya?

Teka! How did he know that I was living here? Does that mean he knows I'm Tita Joyce's niece?

Tahimik kami pareho ng makapasok siya dito sa kuwarto ko. Umupo siya sa silyang katapat kinauupuan ko at tanging ang maliit na lamesa lamang ang pagitan namin. Kinakabahan man ay nagpanggap akong kalmado.

''Aivan gabi na. Ano bang pag-uusapan natin? Pwede namang bukas nalang. Sa office mo---''

''Tungkol sayo.'' Natigilan ako sa sinabi niya. Tungkol sakin?

''Sa---sakin? Bakit? Pangako hindi na ako mangengealam sa mga gusto mo. Magtatrabaho na ako ng mas maayos.''

''Sino ka ba talaga Macy? Bakit nakikita ko siya sayo?'' seryosong wika nito. Hindi ko alam kung galit o pagsisisi ang sinisimbolo ng kislap sa kaniyang mga mata.

''Yan lang ba ang tatanuningin----''

''Damn it! Why are you here? Why are you messing with me? Why are you bringing her back?'' napaigtad ako dahil sa sunod-sunod na sigaw nito kaya napatayo ako mula sa pagkaka-upo.

Bigla niyang itinumba ang lamesa kaya mas lalo akong natakot. ''Lasing ka ba? What are you saying? Hindi kita maintindihan!''

Umatras ako dahil unti-unti siyang lumalapit sakin. Is he going to kill me?

Patuloy ako sa pag-atras hanggang sa naramdaman ko ang pader sa aking likuran.

''I will not stop chasing you until I discover who you are.'' Bulong niya sa tenga ko. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. Then I felt a cold object on my neck. A dagger knife.

Napaluha na lamang ako dahil sa takot na baka gilitan niya ako sa leeg ngunit hindi niya iyon ginawa.

⸙⸙

Kinaumagahan, nagdalawang isip pa ako kung papasok ba o hindi na. Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga magulang ko tungkol sa nangyari kagabi dahil alam kong mag-aalala lamang sila.

I was about to tie my hair up when I accidentally touch something on my neck. A wound. Ganon na ba talaga ang galit sakin ni Aivan na gusto na niya akong patayin? Dahil ba sa pangingialam ko sa manuscript niya?

Kailangan kong pumasok dahil baka magtaka si Tita Joyce. What am I going to wear then? I don't have turtle neck top.

''Ilulugay ko nalang ang buhok ko. Wala naman sigurong makakapansin.''

Nang makapasok ako sa kompanya ay sinalubong ako ni Mae hawak-hawak ang mga manuscript na iche-check niya.

''Mabuti ka pa mukhang magbabaksyon agad.'' Aniya.

''Vacation? What are you talking about?'' nagtatakang tanong ko.

''Hinihintay ka ng CEO sa office niya.'' Sabi ni Mae bago tumalikod at umalis.

Bakasyon? Pinatanggal ba ko ni Aivan bilang temporary manager niya?

Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa office ni Tita Joyce at nadatnan ko siya habang kausap si Aivan. Inayos ko ang buhok ko upang matakpan ang marka ng dagger knife kagabi.

''Pinapatawag niyo daw po ako?'' tanong ko rito.

''Oh Macy finally nandito kana. Aivan filed a vacation leave so you are.'' aniya habang nakatayo sa harap ni Aivan.

Hindi ba dapat ako ang una niyang sinasabihan?Anong silbi ko bilang Manager niya? Sarkastiko akong napabuga ng hangin. Bakit hindi nalang niya sabihing ayaw niya sakin para hindi ako nahihirapan ng ganito?

''Vacation leave?'' napatingin ako sa kaniya pero hindi siya nag-abalang sumagot.

''Yes Macy para naman ma refresh ang isipan niya...wait, is that a wound on your neck?'' nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita.

Agad kong tinakpan ang marka gamit ang buhok ko ngunit hinawi ito ni Tita para siguraduhin ang nakita niya.

''Don't worry Maám I'm okay.'' paninigurado ko.

''No you are not okay, It's swollen for pete's sake!'' inilabas ni Tita ang cellphone niya, ''tatawagan ko ang clinic.''

''I'll go with her!'' bigla nalang akong hinila ng isang kamay palabas ng office na siyang ikinagulat ko. It was Aivan.

He just kept pulling me until we reached the company's infirmary.

''Hi. May problema?'' pabebeng tanong ng nurse. Hindi siya pinansin ni Aivan at dinala ako sa isang kama, sa pinakagilid.

''Sit!" sumunod naman ako na parang aso.

Kinuha niya mula sa cabinet ang isang emergency kit at inilabas ang betadine at bulak.

''Wala ka bang pantali ng buhok? Tsk!'' masungit na tanong niya.

''W—wala.'' Kabadong sagot ko.

Mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ay inilabas niya ang isang panyong kulay pula at siya na mismo ang nagtali nito sa buhok ko. Nailang ako dahil sa lapit ng mukha niya sakin.

Pagkatapos niyang itali ang buhok ko ay ginamot niya ang sugat sa leeg ko. Mas lalo pa akong kinabahan at nailang dahil sa pwesto namin. It seems like he's hugging me right now. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa kama sa right side ng aking hita at ang isang kamay niya naman ang gumagamot sa leeg ko. Halos hindi na ako huminga at gumalaw dahil sa lapit ng mukha at katawan niya sakin. I can feel his warm breath near my neck and the smell of his perfume was seducing.

''Sorry for what I did last night.'' He apologized and seated beside me.

Nanatili lamang akong tahimik.

''I really love Monicka. We've been together for how many years. At ganun nalang siya kadaling nawala sakin,'' may lungkot sa boses na sabi nito, ''nakikita ko siya sayo, nakikita namin siya sayo.'' Napangiti siya ng mapait.

Hindi ako nagsalita.

''I missed her and I really loved her. I wan't her to be back so that I could kiss and hug her tight. But she's gone.'' Pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at hindi ko namalayan ang aking sarili. Tila may sariling isipan ang kamay kong pinunasan ang luha niya gamit ang mga daliri ko.

''So please stop messing with my heart.'' He said before leaving me dumpfounded.

Aivan looks cold but only one girl can make his heart melt. And it was her. His feelings for her is something that Cupid can never stop even if she's dead. 

His Innocent GirlWhere stories live. Discover now