Kabanata 19: Kaguluhan

Start from the beginning
                                    

Agad na kumilos ang mga kawal at sabay na umatake saakin. Tunalon ako ng mataas at nagpakawala ng bayolenteng kuryente, sa lakas nito ay nasira ang binagsakang sahig at napaatras rin ang ibang kawal sa gulat. Swabe akong bumaba at mabilis na inagaw ang espada na hawak ng isang walang malay na kawal. Tinutok ko ito sa kanila at sinimulang pumorma.

Tila nagdadalawang isip pa ang mga kawal na lumapit, kaya ako na ang lumapit dito. Binalot ko ng kuryente ang espada ko at mabilis na hiniwa nang magkasunod sunod ang limang lalake sa harapan ko. Agad itong natumba at di na nakagalaw.

Naglakakad ako ngayon sa huling sampung lalake sa kaliwa ko hawak hawak ang espada ngunit agad din naman akong napatigil ng may maramdaman akong paparating na matulis na bagay na gawa sa hangin. Mabikis ko itong inilagan at nag iwan ng malalim na marka na parang hiwa ng sandata sa dingding.

'Mukhang may bihasang gumamit ng mahika dito ah!'

Agad akong tumakbo sa kabilang direksyon at nagpalabas ng puting liwanag na bumuo ng isang mahabang sibat. Binabalutan ito ng kuryente. Na ispire kasi ako sa palaso ng prinseping nakasalamuha ko sa gubat dati kaya gumawa ako ng sariling bersyon. Habang tumatakbo ay minabuti kong asintahin sila ng maayos.

Tumalon na ako at malakas na tinapon ang sibat sa deriksyon nila, nagawa ko pang magiwan ng tunog sa hangin dahil sa lakas ng tapon ko dito. Experimento lamang ito at hindi ko pa lubos maintindihan ang epekto nito sa tao.

Napa daing ang sunod sunod na kawal na natamaan ng singbilis ng kidlat na  sibat at bumagsak sa lupa. Di naman nabutas ang katawan nila ngunit ang sigurado ay di na sila makakagalaw sa loob ng isang araw. Bumulusok ang sibat sa kabilang kwarto dahil nagawa nitong sirain ang dingding nito.

Di ko pa ito lubos naiintindihan ngunit sa napapansin ko ay iba ang epekto nito sa buhay na nilalang at sa hindi.

Isa nalang ang natira at nanginginig na itong napaluhod. Lumapit ako dito at mahinang tinadyak sa paa. Nagulat pa itong makita ako na ngayon ay nakalapit na aa kanya.

"Pagod na pagod na ako galing na nga ako sa bugbugan kanina,at may balak pa kayong bugbugin ako, wag na wag mong gipitin ang pasensya ko at ilabas nyuna si aling rita!" Sigaw ko dito at mabilis naman itong napatayo sa pagkatanranta.

Gulat akong nagangat ng tingin ng biglang yumakap sa binti ko si lena.

" Binibini, patawarin mo dahil dinala kita sa ganitong sitwasyon, nararapat lamang akong gitilan ng leeg sa aking kalapastangan at hinayaan kitang sumama sakin sa pansariling dahilan, ngunit hayaan nyu po sanang mabuhay ang aking ina" Umiiyak na talagang sabi nito, madungis narin ang mukha nya at namumula parin ang ilong.

"Ganyan naba ang bagong uri ng pasasalamat? ALAM mo lena, naiintindihan ko ang pag aalala mo sayong sariling ina. Ayokong isipin mo na ginamit moko para sayong sariling dahilan dahil isa yung malaking kabastusan para saakin, na NAGIISIP rin na gaya mo." mahinanong pagpapaintindi ko sa kanya habang may diin sa bawat salita.

" Binibini.. " Bigla akong napatingin sa likuran ko at natanaw ko ang magandang babae na may edad na, puno ito ng pasa at sugat ngunit nagawa nitong ngumiti saamin, lumapit na ito at mahigpit kaming niyakap. Tila nakaramsam naman ako ng kaginhawaan dahil nararamdaman ko sa kanya ang yakap ng isang ina. Hinayaan ko nalang sya at dinama ang yakap nito.

Tumagal din ito ng ilang segundo at sya na ang bumitaw. Nagkumustahan muna silang mag ina habng ako ay paikot ikot na naglalakd sa silid. Bigla kasing nawala ang margo jones na yun. At sa ilalim ng mesa ay nakita ko syang naginginig na nakayuko.

Kunot noo ko itong nilapitan, alam kong alam nyang nakikita nya ako kaya nagsalita nalang ako.

"Naway, pagsisihan mo ang nagawa mo sa tamang processo na ipupukol sayo ng monarkiya." mahinanong saad ko dito ngunit nagulat akp ng sumigaw ito.

"Hindi, Hindi! Paniguradong papaburan ako ng monarkiya dahil isa akong ariatokrata! At walang karapatan ang katulad mong mababang uri para pagsalitaan ako!" napaamang naman ako sa katigas nya ng ulo. Akmang magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nagsioasukan ang madaming pamilyar na kawal.

Lumampas ito saakin at hinuli ang lalaking nasa ilalim ng mesa, nagulat pa ito ng hawakan sya sa magka bilang balikat at mabilis na kinaladkad sa labas, kinaladkad din ang ilang walang malay na lalaki palabas ng mansyon. Kaya wala sa sariling naglakad rin ako palabas na agad namang sinundan ng mag ina.

At dun ko naubutan si Lolo kasama ang madaming bilang ng kawal na napalibot sa mansyon. Gulat pa itong makita ako sa ganitong kalagayan. May datingan rin kalesa at bumaba dito ang aking ama na ngayon ay seryosong naglalakad palapit kay lolo. Nag siyukuan rin ang mga kawal ng makita ito, bilang pagbigay galang.

Katulad ng reaksyon ng lolo ay nagulat rin ito nang makita ako, sinilip pa nito ang mukha ko at nagtatakang napatingin saakin at sa lalaking ngayon ay nakayuko sa harapan nila....

Di ko alam ngunit nakaramdam ako ng matinding kaba sa aking puso.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now