Pero hindi niya matatanggap 'yon. Napakarami na nang binigay nito sa kanya.

Umiling siya. "No, Dark. That's too much." Ibinalik niya ang orasang pambisig dito. "Ang dami mo nang pinamili sakin, e. Sobra-sobra na. Ayokong tanggapin 'yan."

Dark's lips thinned. "Ayaw mo sa bigay ko? Is that it?"

"No. Hindi sa ganoon," depensa niya ng makitang dumilim ang mukha nito. "Kaya lang, sobra na, e. Masyado nang malaking halaga ang ginastos mo sakin. Dark, may hiya naman ako. I don't want to come out as a gold digger."

"It's a gift," giit nito.

"Ayoko pa rin."

Gumihit ang iritasyon sa mukha nito. "Fine." Ibinalik nito sa sales lady ang relo at kinuha ang mga shopping bags na dala niya. "Ibababa ko lang 'to sa sasakyan. Hintayin mo ako rito. Kakain tayo bago bumalik sa Pilipinas."

Nakasunod ang mata niya kay Dark na naglalakad palabas ng Reaveros Jewelry Shop. She feels so bad while looking at his dark face. Pakiramdam niya ang sama-sama niya dahil tinanggihan niya ito.

"Mukhang nasaktan niyo ang kasintahan niyo, ma'am," anang sales lady na pinagbalikan ni Dark ng relo.

Gulat na binalingan niya ang sales lady. "Tagalog? Pilipino ka?"

Medyo may edad na ang babae.

"Yes po." Ngumiti ito.

"Wow. Nice to meet you. And no, hindi ko siya kasintahan," nakangiting sabi niya at bumaba ang tingin niya sa mga jewelry na nasa loob ng salamin. "Magkano 'to?" Tanong niya habang tinuturo ang isang panlalaking kuwentas na sigurado niyang bagay kay Dark.

"Hindi po 'yan kamahalan, ma'am. Mura lang po ito." Inilabas nito ang kuwentas at ibinigay sa kanya.

"It's a leather necklace for men with dog tag pendant. Ang pendant po ay gawa sa genuine silver at kung gusto niyong ipa-customize, free lang ho ang pagpa-engrave ng kahit na anong message na gusto niyo," sabi ng sales lady.

Hinawakan niya ang pendant at napakagat-labi. Bibilhin ba niya? Pero wala siyang dalang pera, e.

Mabigat sa dibdib na ibinalik niya ang necklace. "Wala akong dalang pera, e."

"Utangin mo nalang," anang baritonong boses sa likuran niya.

Mabilis siyang lumingon at bahagyang umawang ang labi niya ng makakita ng isang guwapong lalaki. He had deep brown eyes and blond and black hair. She knew this guy. Ito ang lalaki na nasa magazine. Ream Oliveros, the owner of Reaveros Jewelries, ang may-ari ng jewelry na 'to.

"Para ba kay Dark Montero iyang kuwentas?" Tanong nito habang nakapamulsa.

Tumango siya. "Kilala mo si Dark?"

"He's a good friend of mine." Kinuha nito ang kuwentas na ibinalik niya sa sales lady at ibinigay iyon sa kanya. "Here. Utangin mo nalang muna."

Tinanggap niya ang kuwentas. "Paano ko 'to babayaran?"

May ibinigay itong maliit na calling card sa kanya. "Contact me through that and I'll give you my bank account."

Hindi pa siya nakakapagsalita, tinalikuran na siya nito at nakakadalawang hakbang palang ito palayo sa kaniya ng bigla itong humarap sa kanya ulit.

"By the way—" Ream Oliveros smiled. His lips looked sexy. "You're pretty. Bagay kayo ni Dark."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Bago pa siya makapag-react, nakalayo na sa kanya ang binata. Napakurap-kurap nalang siya at tinikom ang bibig.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroWhere stories live. Discover now