Napakurap-kurap siya at natauhan. Pero bago pa niya mabawi ang sinabi, iginiya na siya nito patungo sa kung saang bahagi ng Mall.

After a couple of minutes, they we're already busy buying clothes for her.

"Heto bagay ito sa'yo," sabi ni Dark sabay abot sa kanya ng napili nitong damit. "And this, and this, and this and that."

Natatawa na nailing na pumasok siya sa fitting room at isinukat ang mga napili nitong damit. It was an above the knee tube top dress, color dark blue with a belt just below the breast. Mabuti nalang at nasa loob siya ng fitting room. Nakakahiyang lumabas na ganito ang suot niya. Makikita ang malalaman niyang braso.

Speaking of fitting room...

Ilang fitting room na ba ang napasukan niya? Naaawa na siya sa driver nito na kasama nila kasi ang dami na nitong dalang shopping bags. Ang ibang pinamili nila ay ibinaba na nito sa sasakyan nila. Hindi na siya magtataka kung mapuno nila ang back compartment ng sasakyan.

Napatigil siya sa pag-iisip saka napa-igtad ng may kumatok sa pinto ng fitting room.

"Open up. Let me see it, ómorfos."

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng fitting room at lumabas.

"Bagay ba?" Kagat-labing tanong niya.

Nang makita siya nito, biglang nawala ang ngiti nito. Bigla siyang kinabahan. Oh hell!

"Pangit ba? Hindi ba bagay sakin?" She was hyperventilating. "S-Sige, magbibihis na ako."

Dark's lips parted as he looked at her. "Damn, Anniza. You look beautiful."

Namula ang pisngi niya. "Binobola mo yata ako, e."

Mabilis na umiling si Dark. "No. Ang ganda mo. Natatakot na tuloy ako."

Kumunot ang nuo niya. "Natatakot na?"

"Natatakot na magiging marami ang kaagaw ko sayo."

Inirapan niya ang binata. "You have a very flowery tongue, Dark. I don't believe you."

Dark raked a hot and hungry stare over her body. "Maganda ka sa suot mong 'yan, pero mas maganda ka kapag walang damit." He wiggled his eyebrows at her.

She rolled her eyes and closed the door of the fitting room.

"I'll try the other one," sabi niya habang nasa loob at hinubad ang damit na suot at iba naman ang sinukat.

At 'yon ang ginawa niya sa loob ng tatlong oras. Trying new clothes, designer shoes and accessories. Ayaw na niyang bumili kasi nakakahiya na pero hindi naman nagpapapigil si Dark.

"Dark, masakit na ang paa ko," nakasimangot na reklamo niya. "Ayoko na. Umuwi na tayo."

Nginitian siya ni Dark. "One last store. Deal?"

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Fine. Deal."

Nakasimangot siya habang papasok sa Reaveros Jewelry Store. Ang alam niya, isang Filipino ang may-ari ng jewelry store na ito. Ang pangalan nito ay Ream Oliveros. Nalaman niya iyon dahil na-feature na ang binata sa Bachelor's Magazine. He was a billionaire at the age of thirty. Walang girlfriend at puro flings lang.

Men and their animalistic attitude.

"Here. Bagay 'to sayo," boses iyon ni Dark na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay na hawak ni Dark. She saw a very beautiful watch. Halatang mamahalin ang desinyo at talagang napakaganda niyon. May maliliit na brilyante sa gilid ng orasan at pati na rin sa loob. It had one-and-a-half-inch wide strap. Bagay iyon sa kanya.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroWhere stories live. Discover now