Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili bago lumabas ng silid niya. Nang pumasok siya sa kusina para mag-agahan, naroon na ang mga magulang niya.

"Good Morning," bati niya sa mga magulang saka humalik siya sa pisngi ng mga ito.

"Good morning din sayo, anak," balik bati sa kaniya ng ina niya.

"Morning too, Any," balik na bati naman sa kaniya ng ama niya.

Umupo siya sa bakanteng upuan saka sinaluhan ang mga magulang. Habang nag-aagahan, biglang si Dark ang naging topic nila.

"Any, Dark is handsome, yes?" Ani ng kaniyang ina na may nanunudyong ngiti sa mga labi.

Nagbaba siya sa tingin sa plato niya. "Oho, gwapo siya."

"Hmm." His father turned his head at her. "Wala ka bang gusto sa kanya?"

"Dad naman, e!" Namula siya dahil naalala niya ang sinabi niya kagabi kay Dark bago sila natulog. Those three words.

His father clicked his tongue. "I saw how he looked at you, Any. That's how I look at your mother."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?" Nag-angat siya ng tingin sa kanyang ama. "Anong ibig mong sabihin, daddy?"

"Any, iba siya tumingin sayo. I saw it. Hindi naman ako bulag." Sumimsim ng kape ang daddy niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "At saka, halata naman na may gusto sayo yung binata. Binili niya ang lupa para hindi ka umiyak? Kahit mabait na tao, hindi iyon gagawin. Maliban nalang kung may gusto siya sayo."

Umawang ang mga labi niya. "H-Hindi 'yan totoo."

Her mother snorted. "Yeah. And pigs can fly."

"Ma! Huwag kayong gumawa ng issue," naiinis na sabi niya. "Wala siyang gusto sakin."

"Deny it, Any. Deny. Deny. Sige lang. Magigising ka nalang isang araw na siya na ang buhay mo," anang ama niya.

Napasimangot siya. "Dad naman, e! Wala nga, e. Saka hindi darating ang araw na 'yon, okay?"

So, ano ang ibig sabihin nang nangyayari sayo ngayon? Anang munting tinig sa isip niya. Nakikipag-sex ka pero wala kang maramdaman? Ano 'yon? Init lang ng katawan?

Init lang ba 'yon ng katawan? Parang hindi naman. She felt something ... something she couldn't or didn't want to name.

Nauna na siyang tumayo sa hapag-kainan at lumabas ng bahay. Ayaw niyang hintayin matapos ang mga magulang niya sa mesa dahil baka saan na naman mapunta ang usapan nila.

Akmang maglalakad siya patungo sa kotse niya ng may marinig siyang busina sa labas ng bahay nila. Binuksan niya ang gate ng bahay at nagulat siya ng makita roon si Dark na nakasakay sa Ducati nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong saka bumaba ang mata niya sa relong pambisig saka ibinalik ang tingin sa binata. "It's just six in the morning."

"Sinusundo ka," anito at umalis sa pagkakasakay sa Ducati nito. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "Nasaan ang mga magulang mo? Ipagpapaalam kita."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Ano ba ang sinasabi mo?"

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya pabalik sa bahay nila.

"Dark, ano ba? Bitiwan mo nga ako! And why the heck are you looking for my parents? Ano ba ang gagawin mo?" Sunod-sunod niyang tanong habang hila-hila siya nito.

"I'm trying to be a gentleman, Anniza," sagot nito. "And I'm trying to be a good man for you."

"What?" Naguguluhan siya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

POSSESSIVE 6: Dark MonteroWhere stories live. Discover now