Nawala ang iritasyon sa mukha ni Dark. "Sige. Tutulungan kita. Pero labag ito sa kalooban ko. Mas gusto ko ang Anniza ngayon na yakap ko. Mas gusto ko ang Anniza na nag-i-enjoy kumain ng masasarap na pagkain na dala ko. Pero dahil iyan ang gusto mo, sige, susuportahan kita."

Matamis niyang nginitian ang binata. "Yes! Salamat." Niyakap niya ito ng mahigpit at isiniksik pa lalo ang katawa sa katawan nito. "Weirdo ka pero mabait ka naman," nakangiting sabi niya. "Sobrang bait mo at—"

"Hindi ako mabait." Biglang nawala ang emosyon sa boses nito. "Masama akong tao, Anniza."

Napatitig siya kay Dark. Naguguluhan siya sa pinagsasabi nito. Ito na yata ang pinakamabait na tao na nakilala niya pero weirdo naman. He helped her a lot. He boosted her confidence at tanggap siya nito kung anong size niya. Para sa kanya mabait ito.

"Paano ka naman naging masama?" Nagtatakang tanong niya kapagkuwan.

Hinintay niya ang sagot nito pero nagulat nalang siya ng bigla nalang itong ngumiti na parang wala itong sinabing kakaiba.

"You're weird, alam mo ba yon?"

Nakangiting umiling ito. "Nope. All I know is I'm hot, handsome, and I'm gorgeous as fuck."

Napailing siya sa kahanginan nito. "You are weird, alright." Itinanday niya ang binti sa hita nito at naramdaman niyang tumutusok ang kahabaan nito sa bukana ng pagkababae niya pero hindi niya iyon pinansin. "Sa sobra mong pagka-weird, ang sarap mong kurutin." Pinanggigilan niya ang binata sa tagiliran saka kinurot ito doon.

"Bayolente ka talaga no?" Nakangiwi si Dark dahil sa sakit ng pagkurot niya. "Tama nga si Paul, bagay tayong dalawa."

Sumama ang mukha niya. "Banggitin mo pa ang pangalan ng hinayupak na 'yon at tatamaan ka sakin."

"E, di tamaan mo." Nginisihan siya nito. "Basta tandaan mo na one violent move, one kiss."

She stuck out her tongue at him. "Ewan ko sayo. Hindi tayo bati!" Tinalikuran niya ito sa pagkakahiga at pinikit na niya ang mga mata.

NANGINGITI si Dark habang yakap si Anniza mula sa likuran. Hindi raw sila bati kaya tinalikuran siya nito. So cute.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya ng maalala ang tulong na hinihingi ni Anniza sa kanya. Gusto nitong magpa-sexy. Anniza was already sexy! Damn it! Nunkang tutulungan niya ito sa gusto! Ayos na sa kanya si Anniza ngayon. Gusto niya na malaman si Anniza.

He didn't want Anniza to be skinny. Hindi siya papayag.

Tutulungan niya itong mag gym pero may plano siya para hindi mabawasan ang timbang nito. He wouldn't let her change just to be accepted. For him, Anniza was already perfect. And she didn't need to change for anyone. Dapat ang ginagawa nito ay pag-aralan kung paano tatanggapin ang sarili nito at hindi na magbabago ito para matanggap ng iba.

"Dark?"

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Anniza. Akala niya tulog na ito. "Hmm?"

"I like you."

Natigilan siya at parang nakalimutan niyang huminga sa narinig. At nang makabawi sa pagkabigla, mas humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga saka bumulong, "I like you too, Anniza."

They cuddled until they fell asleep. It was the best damn night of his life; to sleep beside the woman that could make his heart beat like crazy.


NANG magising si Anniza kinaumagahan, wala na si Dark sa tabi niya. Mabilis siyang tumingin sa bintana. Nakasara iyon pero hindi naka-lock. Nakangiti na napailing-iling siya. Mukhang sa bintana na naman ito dumaan.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroWhere stories live. Discover now