Kabanata 12: Pagsusulit.

Start from the beginning
                                    

"Ayos kalang ba binibini? May problema ba?"  gusto kong maiyak dahil seryoso talaga sya. Gusto kong tanungin kung kinakain ba talaga yun, wag nalang baka sabihin nya rin na naka kain narin ako nun, dahil wala naman akong kaaalam alam sa mga hayop na kinakain ko. Kaya gusto ko nalang ng gulay e huhu.

"Nawalan ako ng gana, matutulog na ako." Malungkot na sabi ko rito at nahiga sa kama.

LENA POV.

Nakapagtataka ang kinilos ng binibini. Tinanong nya ako kung mahilig ba ako sa perro, dahil mukhang nasasarapan sya dito. Sinagot ko lang naman sya ng totoo. Dapat bang sinabi ko nalang na paborito korin iyon? Naku ang gulo!

Di naman kasi masarap ang perro, pero depende parin naman sa pagkakaluto. Bukas nalang ako hihingi ng kapatawaran sa kanya.

Linigpit kuna ang mga plato at linabas na sa silid. Pagbalik ko ay nadatnan kong Nakatulog na ang binibini kaya inayos ko nalang ang telang naka takip sa kanya at tuloyan ng lumabas.

KINABUKASAN ay dali dali akong pumasok sa silid ng binibini kasi alas Nuebe ng umaga ang pagsusulit nito sa kasaysayan at monarkiya, nagising ako alas otso ng umaga, dali dali akong naligo at nagbihis. Nadatnan ko itong naka bihis na. Nakasoot ito ng bistidang hapit na kulay puti. Na may gintong palamuti na nakapalibot dito. Di ko maiwasan na mamangha sa aking alaga.

Tinulungunan ko syang ayusin ang pagkatali sa likod nito at tinali narin ang buhok. Agad na kaming bumaba at gumayak. May ilang kawal  kaming kasama. Todo bantay talaga ang Duke na ama ni binibini, kahit ako man ay pinapahalagahan ko rin ang binibini.

Gaganapin ang pagsusulit sa isang silid dito sa magnostadt na syang gusto pasukan ng binibini.

Di maalis ang paghanga ng binibini sa paligid palinga linga pa nga ito sa daan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Di maalis ang paghanga ng binibini sa paligid palinga linga pa nga ito sa daan. At ako naman ay hila hila sya dahil baka mahuli na sya. Ang magnostadt kasi ang paaralan ng mga nagsasanay upang maging holy knight, at di ko parin lubos na maunawaan kung bakit gusto nya maging isa sa mga ito, na dati ay hindi naman nya gustong nasasaktan. Nagbago talaga ang binibini, pero wala akong karapatan para kwestunin sya sa mga biglaang plano nito sa buhay. Sa dalawang taon ay maraming nagbago. Ang dating mahinang bata ay ngayon ay naging matapang at puno ng pangarap. Hinaplos nga ang puso ko nung makitang  lumuhod ito sa harap ng kanyang ama at lolo, dahil gusto nya rin daw mag lingkod sa bayan gaya nila.

Nag simula na ang pagsusulit at nanatili lamang kaming mga katulong sa labas. Ang totoo nyan ay kinakabahan ako para sa binibini di panaman sya nag aral kagabe sana pumasa sya!

"Ano ang pangalan ng iyong alaga Conocido(Kakilala) ngayon ko palang ata sya nakita sa bayan na ito." Tanong sakin ng isang kakilala kong katulong. Binigyan ko naman sya nang nagyayabang na tingin.

"Ang pangalan ng alaga ko ay Binibining Clara Aysel Grosvenor, sya ang gitnang anak at unica iha ng Duke Grosvenor ng emperyo." Masyang pagpapakilala ko sa alaga ko dito. Nagulat at  maya maya lamang ay napalitan naman agad ito ng pagkamangha.

"Napakaganda nyang dalaga, bagay sya saaking alaga na anak ng EARL" Masayang suhestyon nito pero nginiwian ko nalang sya. Wala saakin ang desisyon na iyan pero sana naman sa isang prinsepe magka gusto si binibini. Gaya nalang nung nakaraan, kinilig talaga ako dun sa paghatid sa kanya ng ni prinsipe damian. Di ako maka paniwala na mag ka kilala sila.

Nag hintay pa kami mahigit isang oras at naglabasan narin ang mga alaga namin. Naka laad sa paskil ay humigit kumulang ay nasa Tatlong libo ang ang kumuha ng pagsusulit at mula pa ito sa ibat ibang kaharian. Sana man lang ay makapasa ang aking binibini.

Kunaway ako sa kanya nung matanaw kuna sya. Lumaoit naman ito saakin na parang nanghihina. Inabutan ko sya ng tubig.

"Mahirap ba ang pagsuuslit binibini?" Tanong ko rito. Uminom muna ito bago sumagot.

"Ano pa ngaba." nang hihina talagang wika nito. Naiintindihan ko ang nararamdaman nya kasi ako man ay naranasan ang katulad ng naranasan nya. Dapat kasi nag aral sya kagabi. Di bali na kang yan. May sunod na taon panaman.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now