"Oh, Abi, ang aga mo, ah?" ani Mrs. Luy nung binuksan niya ang pinto matapos kong pindutin ang doorbell. "Nagdala po ako ng pagkain, nag-lunch na po ba kayo?"

She looked at my huge paper bag and let me in the house. "Wow, what's the occasion?" umiling ako. "Wala naman po, gusto ko lang magpasalamat kasi pinakain niyo po ako noon dito ng ilang beses." Paliwanag ko.

"Those were nothing! Ano ka ba? Baka mamaya you need to use your money for something else, ha?" binaba ko ang paper bag sa hapag-kainan. "Hindi naman po,"

"Then, this is sakto! Uuwi si Kenneth dito ngayon, and he was asking me what we were going to have for lunch." Maliit na ngiti ang pinakita ko.

"Achi!" napalingon ako sa likod ko at nakita si Wesley na papalapit. "Mama, I smell Jollibee, did you buy?" umiling si Mrs. Luy. "No, Abi bought us Jollibee."

Wesley turned to me and smiled widely. Gusto niya pala ng Jollibee. "Wow, Achi! Thanks!" lumapit siya at tumingin sa binili kong pagkain.

"Call your Ahia muna, Wesley, before we eat." Sumunod ang bata at umakyat sa ikalawang palapag.

"Is that your food?" biglang tanong ni Mrs. Luy nang mapansin niyang may isa pa akong hawak na paper bag—mas maliit nga lang. "Hindi po,"

Kumain na ako bago pumunta rito...

"Then?" nagtatanong na ang boses ni Mrs. Luy. "Kay Chance po," tumaas ang isang kilay niya at mas lalong nadepina ang kasingkitan ng kanyang mga mata.

"Calisse, you're early." Nang marinig ko ang boses ni Chance ay tumingin ako sa gawi niya. Inangat ko ang binili ko para sa kanya. Napatingin doon si Chance. "Sa 'yo 'yan," pagsagot ko sa tanong niya na hindi sinabi.

"You bought me Jollibee?" tumango ako, at lumaki ang mga mata niya. "Oh, sh... sorry, I forgot to reply! I was really busy..." tumango ako. Naunawaan ko naman 'yon, sa dami ba naman ng oras na kailangan igugol sa med school, sino bang hindi magiging busy at pagod?

"Nagpabili ka ba sa kanya, Chance?" pagkuwestiyon ni Mrs. Luy sa anak. "No, Mama." Unti-unti kong nilingon si Mrs. Luy at mayroong pagtatanong sa mukha niya.

"Binilhan ko po siya kasi... ilang beses niya na po akong nilibre," palusot ko. Sa itsura kasi ni Mrs. Luy... parang may iniisip na siya tungkol sa amin... Nakakatakot amining binilhan ko si Chance dahil... gusto ko siya at gusto ko mapagaan ang loob niya.

"Oh... Okay,"

Nagsimula nang kumain ang pamilya, pinilit pa rin nila akong kumain kahit na sinabi ko nang bago dumating ay busog na ako. Palingon-lingon sa akin si Chance, kaya tumaas ang dalawa kong kilay sa kanya. Umiling siya at nagpakita ang ngiti sa kanyang labi bago nagpatuloy sa pag-kain.

"Thanks for the food," after my session with Wesley, sinamahan ako ni Chance na magyosi sa garahe nila. "Kumusta?" wika ko.

Nagbuga siya bago sumagot. "I'm not fine," hindi ko siya tinignan at hinayaan lang na maglabas siya ng saloobin. "I failed my midterm on one subject,"

Tinapon ko ang yosi ko. "My block mates passed, I was the only one who failed." Ramdam na ramdam ko ang pighati sa tono at salita ni Chance. As a student, I know how much what he was experiencing hurts.

Kaya naman pinakawalan ko ang aking sarili para sa kanya.

Lumapit ako at niyakap siyang pagilid. Hindi tumigil si Chance sa pagkukwento. Natapos na rin siyang magyosi.

"I forgot what this was called, there's like a term for this, you know. 'Yung feeling mo, hindi ka belong." Pinagmasdan ko siya. "It feels extra awful because... it's my last year in med school, saka pa bumagsak,"

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now