Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory

Start from the beginning
                                    


Dumako naman ang tingin namin kay Alex na nakapamewang na pero hindi nawawala ang mga nakakatakot na titig niya. She gave out a sarcastic laugh. "Says by the man who kissed a slut named Alyssa Horwaide in the middle of the night." and that's it. Sinarado na ni king ang librong hawak niya kanina pa at inilapag ito sa lamesa. Bumuntong hininga muna ito bago tuluyang tumitig kay Alex.


Hindi ko na talaga gusto 'to. I'm serious. Mamaya baka magpatayan na ang dalawang 'to. Teka, ano ulit 'yung sinabi ni Alex? Spade kissed that whore?!


"Pare, hinalikan 'yun ni king? Shit, hindi ko alam 'yun ah." bulong sa akin ni Jonathan mula kanan ko.


"Collen, ngayon lang may taong may lakas ng loob para hamunin sa isang debate si Spade. Kanino ka? Kay Alex ako, oh." at akma pang aabutan ako ng limang libo nitong si Alexis. Mga siraulo talaga.


I know Alexis is right. This is the first time that there is a person who has such considerable courage to fight with Spade using her own words and beliefs. Kahit kami, never kaming tumutol pagdating sa padedesisyon ng leader namin. Kasi you know, lagi kaming nag-eend up sa conclusion na he's always right.


That Alyssa, plano lang naman niya talaga nagpanggap na naniniwala siyang si Kirsten 'yun para alamin kung may iba pang kasama ito o kung may hidden agenda ba ito. But I don't know why it ends up with Spade kissing that girl.


"Mga baliw! Gumawa na nga lang kayo ng paraan para mapatahimik 'yang dalawang 'yan. Kung hindi, damay damay tayo." sitsit ko naman sa kanila.


"I kissed her for the sake of my plan, Cromello. I'm not like someone out there who attends a party tapos mahuhuli naman pala ng kalaban." sagot naman ni Vantress. Palala ng palala at mas humahaba na 'yung pinaghuhugutan ng mga banat nila. Pati mga nakaraang nangyari, nauungkat pa. Guys, past is past!


"Ah-e-eh, k-king tama na 'yan. Baka marinig k-kayo ng mga m-maids. W-we sh-should make a h-heavenly atmosphere, right Nathan?" pag-aawat ko sa kanila. Pinanlakihan ko naman ng mata ang mga katabi ko para sumang-ayos sa sinabi ko.


Tumayo mula sa kanyang kaninang kinauupuan si Spade at tinignan kami ng mariin. Pilit kaming nagpainosenteng ngiti dahil nanlilisik na ang mga mata niya. "I can send you three to heaven anytime and anywhere." that shut us up.


"Kung ganoon naman pala ba't hindi mo na lang pala ako pinabayaan na gamitin ni Juno noon? Ba't ka pa nag-abala na iligtas ako, ha?!" akala ko pa naman ayos na dahil napatigil namin sila kahit kaunting sandali. Sana dumating na ang mga kasamahan namin. Hindi namin kaya ang dalawang halimaw na ito.


Napalakas yata ang boses ni Alex kung kaya't bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dash na nag-aalala. "Is there a problem, young miss?" tanong niya.


Napausog naman kami ng mga upuan namin nang makita naming dumukot ng baril si Spade at itunutok sa direksyon ng pintuan. "Go out and shut that door." his words have sent chills down to our spines. No wonder siya ang pinakakinatatakutan sa aming sampu.


Napalunok naman si Dash at chineck muna kung maayos ang kalagayan ng master niya o kung may sasabihin ito bago pumaatras at lumabas ng silid. Again, natahimik na naman ang buong lugar.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now