"Stay here, don't go anywhere" ma awtoridad Niyang wika kaya napatango ako bago siya umalis para harapin ang nasa likod.

Puro baril lang ang tanging naririnig ko. Sana walang masamang mangyari sa kanya.

Nang makita kong wala na ang mga kalaban ay doon na ako lumabas para puntahan si zavier.

Hindi pa man ako nakakarating sa kanya nang mapansin ko ang isang lalaking nakatutok ng baril sa kanya kaya patakbo akong nagpunta sa kanyang gawi.

"F*ck Doctor I said don't go out" hindi ko siya pinakinggan at hinila ko lang siya dahil pinaputukan na ang aming pwesto.

"Zavier umalis na tayo dito" nagaalalang wika ko bago niya ako hinila.

Nararamdaman ko ang mabibigat kong paghinga pero isiniwalang bahala ko nalang iyon.

Pagkarating namin sa kotse ay nagulat ako nang bigla nalang niya akong niyakap patalikod.

Muli kong naramdaman ang kanyang hininga sa aking leeg at nagulat ako dahil bigla nalang siyang natumba.

Huli kong nakita ang lalaking bumaril sa kanya na ngayon ay nagmamadaling umalis dahil may mga sasakyan nang dumating.

bumagsak ang aking luha nang makitang nakahandusay na si zavier sa sahig at puno nang dugo ang kanyang katawan.

"Zavier! gumising ka" umiiyak kong wika at inalalayan ko siyang makahiga sa aking hita.

Napaubo pa siya ng dugo at tumingin sa akin bago niya itinaas ang kanyang kamay para abutin ang aking mukha.

"Zavier please lumaban ka dadalhin kita sa hospital" natatarantang wika ko dahil pinipilit parin niyang huwag pumikit.

Mas lalo akong napahagulgol dahil bigla nalang niyang naibaba ang kanyang kamay.

"Zavier gumising ka " umiiyak kong wika pero tanging ang huling salita nalang niya ang aking narinig.

"I love you wife" huling wika niya bago ipinikit ang kanyang mata kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Zavier please huwag mo akong iwan. Makakaligtas ka pa zavier!!" sigaw ko at napansin ko ang paglapit nila dracey bago binuhat si zavier.

"Zavier I'm begging you don't leave me ,please lumaban ka"

Kaagad nalang akong napabangon nang may maramdaman akong yumuyogyog sa akin at doon ko napansin na umiiyak na pala ako.

Panaginip lang ang lahat ng iyon pero bakit nagmumukhang totoo.

" Wife are you okay? , masama ba ang panaginip mo?, what do you feel?" sunod sunod na wika ni zavier habang hawak ang aking mukha.

Muli akong napahikbi nang maisip na walang masamang nangyari sa kanya at tanging panaginip lang lahat ng iyon.

"Why are you crying wife?" malambing niyang tanong at bakas sa mukha niya ang pagaalala

Kaaagad ko siyang niyakap nang napakahigpit dahil pakiramdam ko ayokong mawala siya sa aking tabi.

Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod habang pinapatahan ako.

"Please zavier don't leave me" malungkot kong wika kaya pinaharap niya ako kaagad.

"I've never do that to you, you just have a bad dream and don't mind it, I'm here please stop crying, you still have a fever" mahinahon niyang wika at hinalikan ako nito sa aking batok bago muling niyakap.

Kumalma muna ako saglit bago pinunasan ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim tsaka siya hinarap.

"Zavier mangako ka kahit wala ako sa tabi mo palagi mong ingatan ang sarili mo" malungkot kong wika na kaagad naman niyang sinangayunan.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now