Chapter 1

70 5 0
                                    

Liyen POV

"Tama na!"

"Ate Yen gising, binabangungot ka nanaman."

Hingal na hingal akong napabalikwas sa kama ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni Kian. Pagkamulat ko ay wala siya sa kwarto ko. Hindi ko na lang pinansin at mabilis kong kinapa ang leeg ko at humagulgol ng iyak.
What was that? A nightmare? Again!.

Akala ko mamatay na ako! Akala ko totoo na! Akala ko katapusan ko na!

Panaginip! Isa nanamang masamang panaginip.

Sunod-sunod na pumatak yung mga luha ko kahit alam kong panaginip lang yon. Sobra akong takot na takot habang paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala yung sinabi nung babae, at kung paano niya ko muntik ng patayin. Ramdam na ramdam ko pa din hangang ngayon yung sakal niya na may halong galit at pagkamuhi, pati na ang boses niya na parang isang hibang.

Napasulyap ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. Napakurap pa ako ng ilang beses ng makitang 2am na pala ng umaga.The time when I usually dream, the dream that I couldn't understand. Pero bakit ganon? Bakit sobrang sama ng panaginip ko? Sino siya!?

It all started when I turn 15. I always dreaming something weird and I'll wake up around two in the morning. Consistent yon puro 2:30AM ang gising ko. And when I wake up, saglit na saglit lang nalilimutan ko agad lahat ng mga bangungot na yon.

Muli nanamang tumulo ang luha ko. Ayaw ko na matulog! I cried again.

"Natatakot na kong matulog!"

MATAMLAY akong nakatitig sa pisara na may nakasulat na equation sa Math. Iniisip ko pa rin yung panaginip ko. I let out a heavy sigh when I remember it.

"Hoy Liyen. Bakit anong nangyare sayo? Kanina ka pa nakasimangot" bumuntong hininga ulit ako at tinignan siya.

"Wala!" sagot ko at sinulat yung equation sa papel ko. Last period na namin ng hapon at maya-maya lang ay makakauwi na ako, kaya lang...

Nakakainis dahil kahit anong gawin ko, hindi ko magets yung lesson. Kung gaano ko kagusto yung math, ganun naman niya ako kaayaw. Kung pwede lang talaga ako bumalik sa past at patayin lahat ng makaka discover ng Math ay ginawa ko na.

Syempre joke lang yon.

Jusko bakit ba nila ginawang komplikado ang mga simpleng bagay? Yan tuloy maraming students ang nahihirapan dahil sa kanila. Sinulat ko na lang lahat ng equation at tinitigan ito.

Sana may himalang dumating at magkaroon ng sagot yung papel ko. Nangalumbaba akong tumingin sa pisara at sinubukang iintindihin ulit yung formula.

"Excuse sir, pinapatawag po kayo sa faculty. May meeting daw po kayo."
Parang isang blessing na biglang dumating, tumingin si sir sa wrist watch niya at sinabi ang magic word. Tinrace ko ng ilang ulit yung number eight sa papel ko at nangingiting sinabayan pa si sir.

Ok class, assignment na la-

"Ok class, please pass your paper."

Napangiwi ako at tumigin kay sir ng taliwas sa inaasahan kong sasabihin niya ang sinabi ni niya.

"Ay! Mali yung sinabi ni sir." Napakalupit niya. Wala pa akong sagot.

"Ano yon miss Suffriano? May sinasabi ka ba?"
Nagulat akong tumingin kay sir.

Huh? Ako ba tinatanong niya?

"Si-sir?"Hayst! Napalakas yung sabi ko sa utak ko.

"Ano yung sinabi mo? Nagrereklamo ka ba?" Nakagat ko yung ibabang labi ko ng maghagikhikan yung mga kaklase ko kasama sila Mhia na kaibigan ko.

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon