Simula nung nagmeet and greet ang hito at tilapya halos ayaw ng lumayo ni Gaston sa akin. Kahit nasa trabaho ako. Ilang beses itong sumama sa akin sa clinic, daig pa ang kambal kung makakapit sa akin. 

"Wala." sagot ko sa kanya at bahagyang nilayo ang katawan. Pinapamulahan ako sa tingin ng kambal sa akin. "Si Cleo at Cairo pinagtripan lang si Caleb at yung isa naman sobrang pikon." 

Mahinang natawa si Gaston sa sagot ko. "Serves him right. Thank you, Kambal. At dahil dyan may bonus kayong dalawa sa akin."

"Bonus Kuya? Talaga?" the two asked, feeling excited. Gaston nodded smiling. 

"Yes. I will give you a roundtrip ticket outside the country of your choice."

"Seryoso, Kuya?!" kumapit pa si Cleo sa braso ng kapatid niya at pati si Cairo ay lumapit din. Muling tumango si Gaston sa kanila. " Yehey! Iba talaga pag may super rich kang big brother. Thank you Kuya Pierre! Labyu." malambing na sabi ni Cooper. Humalik pa ito sa pisngi ng Kuya niya. 

"Yes! May ticket na kami! Hindi mababawasan ang ipon namin." si Cairo naman ang nagsalita. Nakipag-apir pa ito kay Cleopatra. "Tayo nalang ang manlilibre kay Lexus Bal, kawawa naman."

"Why? Where the three of you going?" tanong ni Gaston. Sabay silang dalawang tumingin sa akin.

No! Hindi pwedeng malaman ni Gaston na pupunta akong New York para kitain ang abugado ko. 

"Kambal?"tanong ni Gaston.  Umiling ako sa dalawa at sasagot na sana pero naunahan ako ni Cleopatra.

" Sasama kami sa New york kay Camilla, Kuya."Sinubukan pang takpan ni Cairo ang bibig ni Cleopatra pero huli na. Narinig na ni Gaston ang sinabi niya.

Bumaling ang mukha nito sa akin.Kunot ang noo at halos mag-isang linya na ang kilay niya. Nakaigting ang mga panga at nakapirmi ang mga labi. 

"You're going to New York, Star?" tanong niya sa mababang boses. Hindi ako nakasagot agad. "Without telling me?" dama ko ang tampo sa boses niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung magsisisnungaling ba ako o hindi.

 Hindi ko talaga sinabi sa kanya dahil paano ko sasabihin na pupunta akong New York pagkatapos ng operation niya para kausapin ko si Atty. Torrecelli.

"New York Cubao, Kuya. Hehe."  salo ni Cairo sa akin. Pilit pa itong tumawa pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gaston. 

"Let's go...It's okay, Baby."  Hinalikan niya ako sa ulo para ipadama sa aking okay lang pero dama ko naman na hindi. "Tara na, naghihintay na si Papá at Mamá sa bahay. Cleo, Cairo, please call my secretary to arrange your tickets. Tanungin niyo na lang din si Thunder at Hunter kung gusto ba nilang sumama sa inyo."

I feel guilty. Ako naman ngayon ang hindi okay.

Nakaakbay pa rin sa akin si Gaston at nakahawak naman ako sa bewang habang naglalakad kami palabas ng hospital. Pero hindi na ito nagsasalita. Binati pa siya ni Kuya Rene pero tango lang ang naging sagot niya dito. 

Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha ni Kuya Rene pero tipid lang akong ngumiti sa kaniya. Magkaibigan na sila simula nung tumira si Gaston sa bahay. Madalas na rin silang nag-uusap at nagtatawanan. Halos lahat naman ng mga tao sa bahay namin madaling nahulog ang loob sa kanya. 

Dati paman palakaibigan na talaga si Gaston. Kahit sa hacienda nila pati mga tauhan malapit sa kaniya. 

"Are you tired?" Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Tipid lang itong tumango sa akin. 

Nanatili itong tahimik kahit kaming dalawa na lang sa loob ng sasakyan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na pupunta ako para kausapin ang abugado ko.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now