Chapter 42

13K 570 489
                                    

"Ngaa magpule na kamo Kuya? San-o lang man kamo nag-abot di tapos mapule na dayon?Diri lang tana ta kila Lolo kag Lola. Mahampang ta lang di ah, damo di hampangan."

[Bakit uuwi na kayo Kuya? Kelan lang kayo dumating dito tapos uuwi na agad? Dito lang tayo kina Lolo at Lola. Maglalaro pa tayo, madaming laruan dito.]

We have to cut our visit because Kuya Falcon is dead worried for our safety. Kaya heto ngayon si Wyatt umiiyak na nakikiusap sa mga pinsan niyang  lalaki na wag munang umuwi. Ang sabi ni Caleb sabik sa kalaro ang anak niya dahil ngayon lang ito nakahanap ng kalaro. Lalo na mga batang lalaki.

Pati ang mga pinsan nilang babae ay umiiyak din. Si Hera na siyang pinaka lider nila ay kanina pa umiiyak dahil ayaw pauwiin si Castor at Pollux. Hindi ko naman pwedeng iiwan ang kambal dito .

Tapos na ang dalawang araw na extension ni Kuya para sa stay namin. After nung tawag ng demonyo nung nakaraang araw pinapauwi niya na agad kami pero nakiusap akong magstay muna kami kahit dalawang araw lang. 

Pumayag siyang magstay kami sa mansion ng mga Sandoval ng dalawang araw pa. Pero hindi kami pwedeng lumabas ng hacienda nila.  Hindi na rin kami nakabalik sa bahay ni Gaston dahil delikado ang magbyahe. Hindi pa nahuhuli si Jayson pero hinahanap na siya ngayon ng mga pulis pati ng mga tauhan ni Kuya. 

"Kailangan kasi naming umuwi ng Maynila Wyatt kasi may-school pa kami. Pero babalik kami dito pagkatapos ng school kaya wag ka nang mag-cry." It was Castor consoling him. Maingat nitong pinunasan ang pisngi ng kanyang pinsan puno ng luha. Hindi ko alam paano niya naiintindihan ang pinsan niyang kanina pa nakikipag-usap sa kanya sa wikang nakasanayan nito. 

 "Gusto mo sumama sa amin sa Maynila? Meron pa kaming pinsan doon, si Kuya Hawk. You can play with him too. We have lots of toys also. We also have swimming pool, arcade and gym, but we don't have horses."

Nakita ko ang pagsulyap nito sa tatay niya, nagmamakaawa ang mga mata. "Daddy, pwede ko mag-upod kila Kuya Castor kag Kuya Pollux?" sabi nito sa maliit na boses. Pinantay ni Caleb ang katawan niya sa anak pagkatapos maingat niyang pinunasan ang luha nito saka kinarga. 

"I'm sorry son, but we can't come with your cousins this time. Indi ka na maghibi, ari man ko di, ara man imo mga pakaisa. Kamo lang anay maghampang ah, magbalik din man na sila Kuya Cas kag Kuya Pol."

[I'm sorry son, but we can't come with your cousins this time. Wag ka ng umiyak, andito naman ako, andyan din mga pinsan mo. Kayo nalang muna ang maglaro, babalik din naman si Kuya Cas at Kuya Pol.]

"Don't cry Wyatt, we are here. We can play with you. If Kuya Cas and Kuya Pol won't come back this weekend then we will go to their house. It's fine with you, Tita Maddie, right?" That's Ameeya, I smiled at her. Sa kanilang apat ito ang unang naka-recover. 

Nilibot ko ang tingin sa mga tao sa paligid. Nakangiti ang mga ito pero alam kong sa likod ng mga ngiting yun ay ang kalungkutan dahil uuwi na kami ng mga bata. Sa maikling panahon na nandito kami sa mansion ng mga Sandoval alam kong napasaya namin sila. Lalo na si Senyora at si Papá Gideon na halos ayaw ng umalis sa tabi ng mga bata. 

Malaki din ang pinagbago ng kalusugan ni Papá. Naging maaliwalas ang mukha nito at palaging nakangiti. Si Senyora, hindi man kami masyadong nag-uusap kahit papano, magaan na rin ang pakiramdam ko sa kanya. Unti-unti ko na ring binubuksan ang puso ko para sa kanya at masasabi kong masaya ako. Masaya akong unti-unting nawawala ang bigat na dala-dala ko sa loob ng mahabang panahon. 

Nakikita ko rin naman ang malaking pagbabago kay senyora. Ito ang palaging gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya. Kung ano yung mga ginagawa ko sa kanya dati, yun ang ginagawa niya sa akin ngayon. Naalala ko pang ginawan niya ako ng turon, katulad ng turon na niluto ko sa kanya noon na hindi niya kinain dahil bigla siyang nagka-allergy.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now