Chapter 26

10.5K 528 395
                                    

"C-Camilla? Baby? Where are you? Star? Baby? Please...I'm here. Si Gaston to Cam...please Cam, I'm here, I'm sorry, I'm sorry, I'm so sorry. Please open the door for me wife. Ayusin natin to please...ayusin natin please, parang awa mo na buksan mo ang pinto."

I barely can't see anything, my eyes were full of tears. I am weeping in front of Lolo IG's house, calling for my white but she's not answering me. Kanina ko pa siya tinatawag pero ayaw niya akong buksan.

Hindi ako naniniwalang umalis siya. Alam kong nasa loob lang ang asawa ko. Galit lang siya sa akin kaya ayaw niya akong buksan. H-hindi, hindi niya ako iiwan. Mag-uusap pa kami, hihingi pa ako ng tawad sa kanya. Aayusin pa namin to. Alam ko andyan lang siya sa loob.

"Cam, please buksan mo ang pinto wife. Parang awa mo na. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Cam. I'm sorry, I'm so sorry baby, I'm so sorry...pleaae open the door for me...please Star."

I was crying like a lost kid. I don't care if I sounded so desperate.  Kasalanan ko kung bakit nagkaganito ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nagalit sa akin ang asawa ko. Hindi ko man lang siya pinakinggan. Nagalit na lang ako basta ng hindi ko man lang pinakinggang ang side niya. Napakalaking gago ko! Ang tanga-tanga ko!

Galit sa akin si Camilla, ayaw na sa akin ng asawa ko. Ayaw na akong makasama, ayaw niya akong makita. Hindi ko kaya, hindi ko kaya ang ganito. Hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko.

Oh God please help me...

"Cam, pleaseee, baby, parang awa mo na. Isang pagkakataon lang, isang pagkakataon lang Cam. Hayaan mo akong ituwid ang pagkakamali ko. Please Camilla, buksan mo ang pinto, maawa ka sa akin Cam. Please ayusin natin to, ayusin natin to, Star."

Maraming kapitbahay na ang nakatingin sa akin pero wala akong pakialam. Gusto kong makausap ang asawa ko. Alam kong nasa loob lang siya. Nangako kami sa isa't isa na hindi anumang mangyari walang iwanan kaya alam kong nandyan siya. 

"Camilla, please asawa ko. Parang awa mo na, Promise, Star. Ilalayo kita dito. Wala ng manankit sayo. I'm sorry kung nasaktan kita, I'm sorry kung hinyaan kong saktan ka nila. I'm sorry Cam, I'm so sorry."

"S-senyorito, ang sabi ng mga kapitbahay wala dawng tao dito. Hindi raw umuwi ang asawa mo. May nakakita dawng sumakay ito ng taxi palabas." sabi ng isa sa mga tauhan ko pero umiling ako.

No! Hindi ako naniniwala! Alam ko nasa loob si Camilla. Nasa loob lang ang asawa ko. Mahal niya ako, galit lang siya sa akin pero mahal niya ako. Hindi niya ako iiwan.

Si Aling Edna, siya na lang ang pag-asa ko. Alam kong malaki ang respeto ni Camilla sa kanya. Mahal niya si Aling Edna at hindi niya rin ito iiwan.

"Aling Edna, buksan niyo ang pintuan please, gusto kong makita ang asawa ko. Please Aling Edna maawa kayo sa akin, gusto kong makita si Camilla."

Nilakasan ko ang pagkatok pero wala pa ring sumasagot. Pati ba si Aling Edna galit na rin sa akin?

"Camilla, please Baby. I'm begging you.  I can't do this, Baby. I can't do this! Please parang awa mo na bumalik ka na sa akin!"

Wala na akong pakialam kung makita man ako ng mga taong umiiyak. Kahit pa lumuhod ako at magmakaawa dito sa labas ng bahay ni lolo pagbuksan lang ako ng pinto ng Camilla gagawin ko.

"Camilla, Baby, nagmamakaawa ako sayo. Please wife open the door. I know I made a mistake but please I'm begging you wife, please give me a chance. Let me fix everything. Isang pagkakataon lang Cam, isang pagkakataon lang."

"S-senyorito..."

It was Aling Edna, kasama niya ang kanyang anak na nakaalalay sa likod niya.Namamaga rin ang mata ng ginang. Mabilis akong tumayo at humarap sa kanya. Bigla akong nabuhayan ng loob. Thanks God, she's here. Alam kong hindi ako kayang tiisin ni Aling Edna gaya ni Lolo mahal din ako ni Aling Edna at alam kong maaawa siya sa akin.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora