Chapter 14

10.8K 448 159
                                    

"Malaki ang respeto ko sa inyo ng mga magulang mo Senyorito Gaston. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niyo at habang buhay ko itong pasasalamatan. Matanda na ako, hindi ko alam kong ilang taon nalang ang ilalagi ko dito sa mundo. Wala na akong ibang pamilya. Si Camilla na lang ang meron ako. Kaya kung hindi mo kayang protektahan ang apo ko, nakikiusap ako sayo. Ipaubaya mo nalang siya sa akin."

Nagising ako na may kausap si Lolo Ignacio. Narinig ko ang pagbanggit niya ng pangalan ni Senyorito Gaston. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero pinili kong magkunwaring natutulog pa dahil gusto kong marinig ang usapan nila.

"Madami ng masasakit na pinagdaanan ang apo ko senyorito pero hindi ko maaring sabihin sayo dahil wala ako sa posisyon. Alam kong nagkakamabutihan na kayo ng apo ko, wala akong tutol dun pero ayaw ko lang na madedehado siya. Hindi ko kayang makitang bumalik siya sa dati. Ayokong makita ulit na nasasaktan siya. Ngayong andito na siya sa akin, gagawin ko ang lahat ma-protektahan ko lang siya. Handa akong ibigay ang buhay ko para sa batang yan."

Parang natutunaw ang puso ko sa mga sinabi ni Lolo, maya-maya'y narinig ko ang pagkabasag ng boses niya at ang paghawak niya sa kamay ko. 

"Si Camilla, sa kanya ko naramdaman na may halaga pa ang buhay ko.  Simula nung mamatay ang asawa ko, ngayon lang ako ulit naramdaman na mayroon akong pamilya. Hindi ko man masabi sayo ang buong storya pero mahal ko ang batang yan, higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Handa akong gawin lahat para sa kanya. Handa kong talikuran ang lahat kahit pa ang ibig sabihin nun ay lalayo kami dito sa hacienda niyo maprotektahan ko lang siya.Hinding-hindi ko na hahayaang masaktan ulit ang apo ko, Senyorito."

Naramdaman kong may humawak sa kabilang kamay, maya-maya at ang mahinang pagpisil nito.

"Mahal ko po si Camilla, Lolo IG. Inaamin ko naging pilyo ako sa mga babae noon pero totoo lahat ng mga pinakita ko kay Camilla." Umangat ang kamay ko, sunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng mga labi ni senyorito sa likod ng palad ko. 

"Akala ko noon, hindi na ako makakahanap ng babaeng makakapagpatino sa akin, pero nung nakilala ko ang apo niyo nagbago ang lahat. Maniwala man kayo o hindi, sa kanya lang din ako nakadama ng ganito. Siguro masyadong maaga pa para sa inyo pero mahal ko po si Camilla, Lolo. Mahal ko po ang apo niya at pinapangako ko po na hindi ko siya sasaktan."

Narinig ko ang malakas ng buntong hininga ni Lolo, kasunod ang pagtayo nito. 

 "Yun lang ang gusto kong marinig mula sa 'yo senyorito. Umaasa akong mapanindigan mo ang mga sinabi mo." narinig kong sabi ni Lolo, saka ito nagpaalam na doon muna siya sa labas.

Mahabang katahimikan. Hindi ko muna dinilat ang mga mata ko pero kahit nakapikit ako naramdaman ko ang mga titig ni Senyorito Gaston sa akin. 

"Baby..." marahan niyang hinaplos ang mukha ko, pagkatapos naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Matagal niyang pinirmi ito doon.

Hindi ko alam pero parang natutunaw ang puso ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. Natatakot ako na baka kapag nalaman ni senyorito ang nakaraan ko, lalayuan niya ako. Pero hanggang kailan ko itatago ito sa kanya?

"Mahal kita Cam." halos pabulong niya ng sabi. "Hindi ko man alam ang mga pinagdaanan mo pero gusto kong malaman mong andito ako para sayo. Kung nahihirapan ka na sabihin mo sa akin. Handa akong makinig, hindi kita huhushagahan. Tutulungan kitang makalimutan ang mga masasakit na nangyari sa'yo."

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang kulay asul niyang mga mata. Malamlam ang mga titig niya sa akin.

"Thanks God, you're awake baby, I'm worried." Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Ayokong mabasa niya sa mga mata ko ang mga sekreto ko,hindi pa ako handa. Pero mabilis niyang nahawakan ang ilalim ng baba ko at marahan niya akong pinaharap sa kanya. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now