Chapter 36

12K 645 308
                                    

"Y-you're...y-you're home, Star. " he breakdown, pained.

"You're home, wife..." dama ko ang sakit sa boses niya. "Oh God my wife is home, my baby is home. Finally my star is home. " basag ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang yun. Dama ko ang sakit at pangungulila niya. Ni walang salitang lumabas mula sa akin pero nakilala niya ako. Isang dampi lang ng balat ko sa kanya nalaman niya agad na ako ang nasa harapan niya. 

Gaston is crying hard, napuno ang silid niya ng mga hinagpis niya. The longingness, the pain, the sadness, I can hear it. I can feel it from his cries, from his sobs. Kahit sa paraan ng pagyakap niya sa akin, dama ko ang pangungulila niya. Mahigpit na tila ba takot itong mawala ako sa kanya pero andun ang pag-iingat na baka masaktan niya ako. 

Hinayaan ko siyang umiyak. At sa bawat hagulhol niya ay parang nabibiyak ang puso ko. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari sa muling pagkikita namin. Oo galit ako sa kanya noon but I didn't wish for this to happen to him. 

This is too much of a punishment. Too much of pain, too much of sufferings. He may have done something bad to me but he doesn't deserve this. Gaston doesn't  deserve this, he's a good man. May mga kamalian man siyang nagawa sa akin but I still believe he is a good man. 

"I'm sorry, Cam, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya, patawarin mo ako, Baby." nanginginig at basag ang boses. Walang tigil sa pag-iyak. "Hindi ko sinasadya...hindi ko sinasadya..."

Hindi ko narin mapigilan ang mga luha ko. Lumalakas na rin ang mga iyak ko. Sobrang sakit na makitang ganito ang kinahinatnan ni Gaston. Ang sakit, sobrang sakit. 

Isa-isa niyang hinawakan ang bawat parte ng aking mukha. Marahan niyang hinaplos ang kilay ko, pababa sa aking mga mata,  ilong, hanggang sa aking bibig. Tila ba sa paraang yun nakikita niya ako.

Kasabay ng bawat haplos niya ay ang kumakawalang hikbi mula sa kanya.  Pumikit ako, hinayaan siyang damhin ang bawat parte ng aking mukha. Hanggang sa naramdaman ko ang masuyong pagdampi ng mga labi niya sa bawat parteng yun. Masuyo at puno ng pag-iingat.

Lalo akong naiyak ng muling humagulhol si Gaston. 

"Oh God..." he is now weeping. I can feel his agony. His body is shaking. "My Camilla is finally here." he whispered painfully.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang bigla, nablangko ang utak ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatingin sa kanya. 

"Camilla, Star..." he breathes. He gently pulled his body away from me then, slowly, I saw him bending down. I tried to stop him but he's already kneeling in front of me. 

"N-no, please, don't..." I said almost in a whisper. Halos hindi ko na siya makita sa dami ng luha ko. I tried helping him up but he's just shaking his head, crying even more. Doon na ako tuluyang humagulhol. 

This is not what I want. Hindi ako ito. Oh God. Hindi ako ito. Hindi ko kayang tingnan si Gaston na nakaluhod sa harapan ko. 

"Please tell me what to do?" he uttered painfully. 

Sinubukan ko paring patayuin siya pero ayaw niya. Sa halip mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at dinala ito sa kanyang pisngi. He cried more, feeling the back of my palm. 

"I know my sorry won't bring the past back. Hindi na nito maiwasto ang mga pagkakamali ko at hindi na maibabalik ang mga nawala. Alam ko na kahit anong gawin ko hindi ko na mababago ang mga nangyari. Hindi na mababagong nasaktan kita, nasaktan ko ang babaeng mahal ko. "

Pinigilan ko ang sariling humagulhol. Muli kong naramdaman ang sakit dahil pinaalala niya sa akin. I've been praying for the pain to hurt no more but I couldn't do so. The pain is still there. But I swear, ayoko na nito. I want to forget this pain. This pain will do no good to me.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now