"Si Vivian, hinatid ko siya kasi girlfriend ko siya."

My mouth parted before realizing that this boy was already a teenager. A growing guy. His mind wasn't just all about games now, he was attracted too. Medyo sinuntok ako ng gulat dahil... unang beses niya pa lang magsabi sa akin na may girlfriend na siya. Ni crush nga, hindi niya pinaaalam, e.

"Kaklase mo?" tanong ko, "Oo..."

Hindi na ako nagtanong pa, nagbigay lang ng paalala. "Alam mo na ang tama sa mali, nagtitiwala akong 'yang relasyon niyo ay hindi magiging sagabal sa pag-aaral mo. 'Wag mo ring kalilimutan na naghihintay si Cathrina rito kapag uwian." Tumango siya.

"Alam ko 'yon, Ate. Sa susunod, mas maaga akong uuwi. Na-late lang ngayon kayo may practice siya, hinintay ko pa."

Nung nag-aaral na ako ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ko sa kapatid. Hindi niya naman resposibilidad na alagaan si Cathrina, dapat magulang ang gumagawa no'n. Tulad ng hindi ko responsibilidad ang pag-kita dahil dapat magulang din ang gumagawa no'n. Pero hindi namin ni Chino maiiwasan ang pagtulong kay Mama dahil wala kaming ibang choice. Gusto kong hayaan si Chino na mag-enjoy kasama ang mga kaibigan, at kahit kasama ang girlfriend niya. Pero hindi ko kayang umuwi ng maaga dahil matagal ang biyahe araw-araw.

Bumalik ako sa binabasa at inunawa iyon.

Contemplation.

Iyan ang nakasulat sa artikulo ni Aristotle patungkol sa The Nature of the Good. Kailangan daw ng isang tao ng isang buong buhay para makamit ang tunay na kaligayahan, ang tunay na good na magdadala ng walang hanggang saya. Sabi rito, contemplating itself is already a happy activity. It already brings you enlightenment. And the good is supposed to give you contentment. What other way to feel contenment than true ecstacy?

This lesson paved the way for my mind to think about the world. Everyone craves something. Money. Power. Fame. Supernatural abilities. But everything they crave was always for the sake of something else. Money, to buy what they desire. Power, to control someone. Fame, to gain special attention. But happiness is a goal that didn't further make you want something. It just was. You want to be happy not because of any ulterior motive. It was just there. Waiting to be found and have-d.

Ang mundo ay hindi ganito mag-isip. Sa tingin ng bawat tao, kahit ako, na ang pera o ibang bagay ang magdadala ng kasiyahan. Pero mali. Dahil may hinahanp pa rin naman tayo tuwing makukuha ang gusto natin, e. Walang katapusan ang paghahanap sa mga maling bagay, ayon sa nahinuha ko sa reading tungkol kay Aristotle. Pero ang kasiyahan ay ang katapusan ng lahat ng paghahanap. Ito raw dapat ang inaasam natin, ang kakaibang saya na hindi matatagpuan sa material o makamundong bagay. It seemed divine. Out of this time.

Bilang isang taong hindi hinahangad ang kasiyahang matatamo mula sa pag-iisip, hindi ko masasabing kaya kong isabuhay ito. In fact, short term goals lang ang mayroon ako. Makapagtapos, mapag-aral ang mga kapatid ko, at siguro'y makabili ng mas maayos na bahay para sa amin. Iyon lamang. Hindi kasama ang pagiging masaya dahil sa contemplation.

Ito siguro ang kulang sa sangkatauhan, ang paghangad ng the good na tinutukoy ni Aristotle. Kapag naman daw kasi mayroon ka na no'n, paniguradong mabait na tao ka na kasi pipiliin mo na laging gawin ang tama o mabuti. Tila isang santo sa lupa ng mga demonyo.

Pasensya na Aristotle, masyadong mahirap ang gusto mong mangyari para sa bawat tao. Hindi ko hinahangad na maging isang kahanga-hangang tao dahil sa kabutihan ko. Gusto ko lang maging sapat sa pamilya ko.

Maybe it would be enough as a person who would never get to gain fulfilled dreams.

Ilang linggo makalipas ng pagkikita namin ni Chance sa carinderia, biglang sinabi sa akin ni aling Rose na next week niya pa mabibigay ang aking sweldo.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now