Ngayong unang beses ko narinig na nagreklamo si Chance tungkol sa med school, naisip kong hindi nga talaga biro ang dagdag apat na taon na pag-aaral matapos ang kolehiyo.

"Mababawi mo 'yan, siguro sa ibang paraan lang." Subok ko na pagpapagaan ng bigat ng puso niya. "Masipag ka, e. Sigurado akong, kakayod ka ulit after nito. Sinabi mo 'yon sa 'kin, kahit mahirap, nagpapatuloy. Kahit masakit, sumusubok ulit."

Inubos ko ang ice cream cone ko at tumayo na. Si Chance rin ay tumayo at handa nang umalis.

"Ingat ka," patiuna ko bago maglakad palayo.

"Sabay na tayo," nilingon ko siya at pumasok na naman sa isipan ko ang bayad sa dorm niya.

"Parang ang dalas mong umuwi sa isang linggo, 'no?" Wika ko. "I'm close with Shoti, so when I'm down or need someone to distract me, I'd see him."

"Nakatutuwa kasi talaga siya, mabait at cute." Natawa si Chance sa sinabi ko. "He is,"

Pumara kami ng jeep at salungat na umupo. At dahil kitang-kita ko siya, napapansin ko ang pawis niya.

"Noo mo," puna ko. "What?"

"May pawis," napakainit naman kasi. Gabi na pero 'yung araw parang nasa langit pa rin.

"Wala akong pamunas," saglit ko siyang pinagmasdan bago kapain at kunin ang panyo ko mula sa pantalon.

Inabot ko 'yon sa kanya at tinignan ang dinadaanan ng jeep, baka mamaya ay lumagpas kami.

"Thanks, I'll wash this before giving back to you." Hinarap ko muli si Chance. "Huwag na, akin na." Nilahad ko ang kamay ko.

"It's wet from my sweat,"

"Ilalagay ko rin naman sa pocket ko, ayos lang 'yan."

Kakaunti lang kasi ang panyo namin... Plano ko sanang gamitin 'to bukas ulit kasi hindi ko naman nalabas. Lalabhan ko na lang 'to agad pag-uwi.

"I'll just wash it, bigay ko agad sa 'yo tomorrow."

Hindi na ako sumagot. I let him do what he wanted, persistent.

Nang makababa kami sa simbahan ng Quiapo, hinablot ko ang kamay niya at binulungan.

"Kung gusto mong may makinig, tawag ka lang mamaya."

Then, I let his hand go before walking into the middle of the crowd.

Parang nagulat siya sa aking ginawa. Kaya medyo napalayo ang agwat namin sa paglalakad. Nakahabol naman siya at tinabihan ako habang nag-aabang ng jeep. May ilang mga babaeng napapalingon sa kanya dahil may katangkaran siya at, siyempre, matipuno.

"Parang artista," inakala kong ako lang ang nakarinig no'n, pero sumabat bigla si Chance. "Sinong artista?"

"Wala," tinignan ko ang kalangitan at napansin ang pagbubuklod ng mga ulap. "Who? You saw an artista?"

"Hindi, wala 'yon." Tumaas ang isang kilay ni Chance, ngunit hindi niya na ako tinanong muli.

Binagabag ako dahil sa pighati ng itsura ni Chance nung maghiwalay na kami. Alam kong lahat tayo ay may dinadala sa buhay, subalit mas matinding awa ang naramdaman ko para kay Chance. Sa isang normal na araw naman, hindi ako emosyonal kapag nagkukwento ang mga kaibigan ko sa akin. Parang ito ang isa sa mga bihirang beses na higit pa sa simpatya ang naramdaman ko.

Affirmative. Crush ko nga si Chance. Espesyal na ang pagtingin ko sa kanya, pati ang pagreklamo niya kanina ay nakaapekto sa akin, e. Siguro dahil guwapo siya. Siguro dahil malapit siya sa mga kapatid tulad ko. Siguro dahil mabait. O siguro dahil sa lahat ng nabanggit ko. Hindi iisang dahilan. Halu-halong rason ang pagkakahumaling ko.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now