088 - This Is Goodbye

Start from the beginning
                                    

      "Hindi ko naramdamang ginawa mo akong panakip-butas, Shellany."

      "But I did. Dahil kahit na nasasaktan pa rin ako... kahit na nalulungkot pa rin ako dahil sa nangyari sa amin ni Knight, ay hinayaan kitang pasukin ang mundo ko. And I used you to be able to get away from my loneliness. I used you to forget about the pain. And you did help me get through them. Nang hindi ko namamalayan... nagiging panakip-butas na pala kita. At ayaw kong patuloy na gawin iyon kaya mas mabuting dito na matapos ang namamagitan sa ating dalawa. I'm sorry, but I can't... see you anymore."

           In a way, she had a point. Ano pa nga ba ang tawag sa taong dumaranas ng labis na pangungulila at hinayaan ang ibang tulungan itong makalimot sa pangungulilang iyon? In a way, Shellany did make him a rebound. At kung hindi pa iyon sinabi sa kaniya ni Shellany ngayon ay hindi rin sana niya mapapagtanto.

        Damn it; nagiging mapurol na ang utak niya. He felt like he lived in a bubble for quite sometime at nawalan na siya ng paki sa paligid niya.

        Wala siyang kamalay-malay na nahuhulog na siya, at kung hindi pa sinabi ng kapatid niya'y hindi niya mauunawaan kung ano ang nararamdaman niya. Wala rin siyang kamalay-malay na ginawa siyang panakit-butas lang.

        But in his case, he willingly went into her world. He willingly offered himself to be in that situation!

        Ah, sh*t. Ano pa ang silbi?

        Mukhang nakapag-desisyon na si Shellany. At mukhang wala na siyang sasabihin na makapagbabago sa isip nito.

        Fu.ck it. This is the worst.

        He cleared his throat and said, "Desidido ka nang balikan siya?"

        Bahagya itong yumuko. "Sayang ang... mahigit isang taon naming relasyon noon kung hindi ko siya bibigyan ng isa pang pagkakataon."

       "Okay..." aniya bago humugot nang malalim na paghinga. Sinulyapan niya ang trunk ng kotse kung saan naroon ang bagahe nito. Hinahanap pa niya ang lakas ng loob na humakbang patungo roon upang ilabas ang mga gamit ni Shellany.

       "Cerlance..."

       "It's all good, Shellany." Ibinalik niya ang tingin dito, at kahit mahirap ay pilit siyang nagpakawala ng ngiti. "I hope he makes you happy this time."

       "Are you... disappointed?"

       Hindi siya sumagot. Kapag ginawa niya'y baka kung ano pa ang masabi niya, at ayaw niyang maghiwalay sila ng landas nang may samaan ng loob. Kahit papaano ay naging maganda ang huling anim na araw na magkasama sila.

       "Sinabi mo noong nasa Danao pa lang tayo, na kung babalikan ko si Knight ay madidismaya ka sa akin. So, I'm asking you. Are you disappointed in me?"

       Sandali niya itong tinitigan bago siya lumapit at masuyo itong hinawakan sa mukha. He gave her a light smile. "Sinabi mo sa akin noon na binilinan ka ng inay mo na sundin ang puso mo. And you just did what your mother had told you. And they say mothers know best. Just... follow your heart, Shellany. If this is what your heart wanted, go for it. Okay lang ako."

       Sh*t. Saan man nanggaling ang mga salitang iyon ay nagpapasalamat siya. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nagmumukhang tanga ngayon sa harap ni Shellany at sa lalaking nakatayo sa pinto ng malaking bahay.

       He would regret it and would be disappointed more in himself if he acted like a loser. He would rather be this calm and composed than cry and beg her to come with him.

      "Ibababa ko lang ang mga gamit mo. I'll leave right after to catch the next trip to Cebu. I'll head back to Manila immediately."

       "Cerlance..."

       Binalewala niya ang garalgal nitong tinig. Ibinaba niya ang kamay at tumalikod upang pumunta sa driver's side at buksan ang trunk. Kinailangan niyang tumalikod kaagad bago pa makita ni Shellany ang pagkabigo sa kaniyang mga mata na hindi na niya kayang ikubli pa.

       And as he walked to the trunk of his car to take Shellany's suitcase out, he was also carrying his heavy heart in his chest. Kay bigat ng bawat paghakbang niya...

       This booking gave him nothing but a broken heart and ego.

       Sh*ts got real, indeed.

       He had fallen in love with her in a span of six days.

       He had fallen in love with her without him realizing it until Caprionne put sense into his brain.

       He had fallen in love with her to the point where he was willing to give her back to her true love. If Knight was really her true love.

       Matapos niyang ibaba ang suitcase ni Shellany at isara ang trunk ay nakita niya ang paglapit ni Knight. Hinila niya ang luggage patungo kay Shellany na ang anyo ay tila maiiyak. He refused to look her in the eye. For their own good.

        Itinabi niya ang luggage nito at muling ngumiti. The most bittersweet smile he had ever given to someone.

       At bago pa man makalapit nang tuluyan si Knight ay nagpaalam na siya.

       "Have a wonderful life, Shell. I wish you all the happiness in the world."

        Shell opened her mouth to say something, but closed it up again when no words came out.

       A bitter smile broke his lips. And just like that, he turned his back on her and walked to his car.

       This trip may have been heartbreaking, but it sure did teach him a lesson.

       He would never play games with any of his clients anymore.

       This was gonna be the first and the last.

        And he was traumatized.





TO BE CONTINUED...

TO BE CONTINUED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now