083 - The Real Her

441 11 0
                                    





GOT A CALL FROM KNIGHT. Pababa na sila ng bundok. Give it until 4PM, siguradong nasa bahay-bakasyonan na siya sa ganoong oras.

Huminga nang malalim si Shellany matapos mabasa ang mensaheng pinadala ni Kelvin sa numero ni Cerlance nang umagang iyon. Hawak-hawak niya ang cellphone nito dahil sadya niyang in-antabayanan ang pagdating ng mensahe ni Kelvin, at hindi nga siya nagkamali. She was gonna see Knight that day, and she couldn't wait.

Hind sa paraang may kaakibat na excitement, kung hindi dahil sa wakas ay matatapos na rin itong misyon niya at makauusad na siya.

She just really need his explanation and apology. Yep, iyon na lang ang habol niya ngayon. Hindi na siya umaasang maaayos pa nila ang lahat dahil wala na siyang pakealam. She was ready to move on from him and with her life... kasama si Cerlance. Na bagaman wala ring kasiguraduhan kung gaano sila magtatagal ay sigurado siya sa kaniyang sarili na hindi niya pagsisisihang tinanggap niya ito upang maging parte ng buhay niya.

Napangiti siya sa itinatakbo ng isip. And with a smile on her face, she lifted her head and searched for Cerlance.

Kasalukuyan silang naroon sa Tagum Sports Complex and Stadium dahil maaga pang nagyaya si Cerlance na mag-jog. He said he wanted to do it while he could; dahil kapag naging abala na naman daw ito sa susunod na linggo ay mawawalan na naman ito ng pagkakataong mag-exercise. To her surprise, Cerlance had running shoes and pants in his trunk. Kompleto ito sa mga gamit na alam nitong kakailanganin sa trip nito. Ang paliwanag nito ay kapag tapos na ang booking ng mga kliyente, kadalasan ay mag-isa itong bumabalik sa Maynila. At kapag ganoon ay naghahanap ito ng magandang lokasyon para tumakbo.

At dahil hindi pa siya komportable sanhi ng kagagaling pa lang na sugat sa talampakan ay hindi siya sumama. Naupo na lang siya roon sa bleachers at pinanood ito habang hawak-hawak niya ang cellphone nito.

Mula sa kinatatayuan ay nakita niya si Cerlance na tumatakbo sa malawak na track. Kung hindi siya nagkakamali ay pang-tatlong lapse na nito iyon. Ang suot nitong puting cotton shirt ay basa na ng pawis at humulma na sa katawan nito, ang itim nitong running pants ay halos yumakap na sa matitipuno nitong mga binti.

Nangalumbaba siya sa tuhod at nangangarap na sinundan ito ng tingin. She had a soft smile on her lips as she watched him ran like an athlete. Oh well, papasa ang katawan nito bilang athlete.

A very handsome and sexy athlete...

Bwisit. Kinikilig siya.

At kung dati ay hindi niya gusto ang nararamdaman, ngayon ay para siyang kinikiliti sa bituka.

Wala sa loob na inabot niya ang plastic cup na may lamang pineapple juice sa kaniyang tabi habang ang tingin ay hindi humihiwalay kay Cerlance. Bago sila nagtungo roon ay dumaan muna sila sa isang fastfood restaurant at um-order ng pagkain niya.

Yep. Just for her. Dahil hindi naman nag-aalmusal si Cerlance. She bought a large cheeseburger, large fries, and large pineapple juice in Cerlance's amusement. Saan daw niya ipapasok ang mga iyon.

Dinala niya sa bibig ang cup at sumipsip sa straw habang ang tingin ay na kay Cerlance pa rin na napatingin sa direksyon niya at kumaway. Muntik na siyang mabilaukan. She cleared her throat and waved back.

Sa sumunod na sampung minuto ay nanatili siya roon, kumakain habang si Cerlance ay umikot pa sa buong field. Nang mapagod ay bumalik ito sa kinaroroonan niya, pawisan mula ulo hanggang sa suot nitong itim na running shoes. Hinihingal itong nahinto sa kaniyang harapan.

"God, that was great," he uttered, wiping off his sweat using his arm.

Napatingala siya rito; at dahil mataas na ang sikat ng araw sa oras na iyon ay halos anino na lang ng mukha ni Cerlance ang nakikita niya. "How often do you exercise?"

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Onde histórias criam vida. Descubra agora