029 - Start Of The Fire

600 14 1
                                    




UMIWAS SIYA NG TINGIN SAKA NAGPAKAWALA NG MALALIM NA PAGHINGA bago banayad na binawi ang kamay mula kay Shellany saka tumayo.

        "H'wag mo munang tanggalin ang ice pack, keep it there for another 10mins. Ikukuha lang kita ng pagkain." Humakbang siya palayo rito bago pa man siya tuluyang mawala sa sariling katinuan.

        Hindi niya alam kung saan nanggaling ang damdaming naramdaman niya kani-kanina lang. It was something he didn't expect to feel toward Shellany.

        Bago pa man siya tuluyang makalayo ay narinig na niya ang pagsagot ni Shellany. "Bakit ka biglang nailang?"

        Ako? Nailang? Who do you think you are? He so wanted to say that, but he didn't want her to think that he was being defensive.

        Nilingon niya ito at tinapunang ng blangkong tingin. Shellany was lying there in the bed with her blanket slid down just below her shoulders. Kaunti pang paglihis at tatambad na ang dibdib nito sa harapan niya. Ang ice pack ay inalis na nito sa panga, ang mga siko ay nakatukod sa kama at ang mga mata'y tila nang-aakit.

        Shit. Shellany was always teasing... always flirting with him.

        Hindi ito ang unang beses na tinitigan siya nito nang ganoon.

        But why was his body reacting now?

        Bakit nagtayuan ang munting mga balahibo sa batok niya?

        And why were his insides stirring as if there was a huge tornado just below his stomach?

        Fvck.

        Just one touch and he's acting like a maniac. Parang hinagod lang siya nito sa likod ng palad tapos ngayon ay nag-iba na ang pakiramdam niya?

        He cleared his throat and look away.

        I'm probably ill.

        "Hindi ako nailang. Hindi ko lang nagustuhan ang ginawa mo kanina." Muli niya itong tinalikuran at ini-tuloy ang paghakbang patungo sa round table kung saan naghihintay ang hapunan nila.

        "Ang ginawa ko?" ulit ni Shellany. "Ano ba ang ginawa ko?"

        "Stop playing, Shellany. Ayaw ko ng ganito." Shit—I want it, but I wouldn't dare mess around with her. Kahit sino na, h'wag lang siya. Otherwise.... kakainin ko ang sinabi ko kanina lang.

        "I don't even know what you mean..."

        Muli siyang nahinto at hinarap ito upang pagsabihan na ihinto na ang pang-aakit sa kaniya nang matigilan siya. Shellany was not looking at him this time. She was busy rolling the ice pack and placing it back onto her chin.

        Wait... he thought. Hindi talaga niya alam kung ano ang ginawa niya? Ibig sabihin ay... hindi niya sinadya iyon upang akitin ako?

        Natigil siya sa pag-iisip nang muling ibalik ni Shellany ang tingin sa kaniya. Ang mga kilay nito'y nagsalubong. "What?" anito. "Ano ba'ng mga pinagsasasabi mo?"

        "Stop playing."

        "I'm not playing. Bigla ka na lang umiwas ng tingin kanina na parang naiilang. Iyon ang unang beses na nailang ka sa akin kaya ko ni-tanong." Inipit nito ang icepack sa pagitan ng panga at balikat saka inayos ang pagkakabuhol ng kumot sa hubad na dibdib. Then, as she did that, Shellay just suddenly paused. "Wait a minute..." Umangat ang tingin nito sa kaniya, at nang may maisip ay napangisi. "Don't tell me na nailang ka dahil nakita mo nang malapitan ang dibdib ko?" Her mouth formed an O, pretending to be shocked. "Oh, you sneaky little thing..."

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now