022 - Zip Line

541 17 1
                                    




                Nakapag-order na ng pagkain si Shellany at naghihintay na lang na mai-serve nang dumating si Cerlance. He ordered a glass of lemonade and nothing else. Naayos na ang kotse at naka-park na sa parking lot; mayroon pa silang ilang oras na bubunuin bago ang schedule ng alis ng ferry na sasakyan nila patungong Cebu, kaya walang rason upang magmadali sila.

             Shellany ate while Cerlance was busy checking emails on his phone. Abala ito sa pagtanggap ng mga bookings para sa susunod na mga linggo, at habang nakayuko ito sa device ay malayang sinuri ng dalaga ang kaharap.

             She was eating while looking at Cerlance handsomeness... na tila ba pangtanggal umay ito.

             She wondered what he was like if she wasn't a client.

  Papatulan ba siya nito? Kakagat ba ito sa panunukso niya? Tatratuhin ba siya nitong iba? Would he even care?

             She wasn't his type, so he probably wouldn't give a damn. Baka deadma-hin lang siya nito, daanan lang ng tingin.

             Patapos na siyang kumain nang ilapag ni Cerlance ang cellphone sa ibabaw ng mesa at inubos ang laman ng baso. Sinabi nitong mula sa kinaroroonan nila ay mayroon na lamang humigit-kumulang isang oras na biyahe. Kung bibiyahe raw sila kaagad pagkatapos niyang kumain ay naroon na sila bago mag-alas cuatro, which meant they had an hour more to wait for the ferry to arrive.

            "Do you want to stay here a little bit longer?" tanong nito; ang tingin ay bumaba sa papaubos na niyang chicken alfredo.

             "Walang problema; busog na busog ako at baka kabagan ako kung uupo ako kaagad sa kotse."

             "Paano kang hindi kakabagan kung magmula kanina ay puro kain ang ginawa mo?"

             "Aba, nagtulak ako ng kotse, nakalimutan mo?"

             "Again, it didn't take ten seconds of your time. Ni butil ng pawis ay walang lumabas sa pagtutulak mong iyon."

             "Kahit na. Napagod ako at ginutom sa ginawa ko, that's the point."

             Nagsalubong ang mga kilay ni Cerlance, and boy was he gorgeous. "Ganoon ka ka-bilis mapagod? Marunong ka bang magbanat ng buto?"

             "I had a job," taas-noo niyang sagot.

             "Had?"

             "I resigned after that messy wedding day."

             "You left your job just because you were heartbroken?"

             "Mahirap mag-focus sa trabaho kung walang laman ang isip ko kung hindi ang ex ko, okay? And stop asking kung hindi mo rin maiintindihan itong nararamdaman ko." Tinusok niya ang isang hiwa ng manok na natira sa kaniyang plato; ipinahid niya iyon sa creamy sauce na natira bago dinala sa bibig.

             "So, what was your job?"

             Nahinto siya sa pag-nguya at tinitigan si Cerlance. Totoo ba itong naririnig niya? Interesado si Cerlance na makilala pa siya nang husto? She cleared her throat, chewed her food, and answered;

             "I work as a multimedia artist."

             "Did that job require you to move around?"

             Umirap siya. "No. My job description was to edit videos and or photos. It is more on the art side. I'm an artist."

             Cerlance smirked, unimpressed. "So, that job required you to seat in front of your computer all day long, is that it?"

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now