004 - Drunk Miss

838 19 0
                                    

 

Naka-ilang sulyap na si Cerlance sa relo niya pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin dumarating ang pasaherong mag-i-isang oras na niyang hinihintay.

Dumating siya nang mas maaga sa napag-usapan nilang pick up time, at nanatili siya sa loob ng kotse sa parking lot ng isang condominiumm sa business center ng Makati upang hintayin ang oras. Pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumababa ang hinihintay niya.

And he was getting pissed.

Ala-una ng madaling araw ang usapan nila. Pasado alas-dos na'y wala pa rin ito. Kailangan nilang habulin ang cargo vessel na magsasakay sa kotse niya patungong Mindoro. Alas sinco ng umaga ang alis ng cargo vessel mula sa port ng Batangas.

Mukhang kailangan niyang i-karera ang sasakyan niya mamaya upang maghabol ng oras...

Una nilang pupuntahan ang isang barangay sa Guimaras kung saan naroon daw ang isa sa mga bahay ng ex-fiance ng kliyente niya.

Napipikong hinablot niya ang cellphone sa ibabaw ng dashboard at ni-dial ang numero ni Shellany Marco—ang kliyente niya sa buong linggo. Kanina pa siya tawag nang tawag pero hindi ito sumasagot.

Gusto niyang isipin na canceled na ang booking at hindi na ito matutuloy, pero hindi niya magawang umalis na lang nang basta dahil nakapag-bayad na ito ng buo. She had already transferred the full payment to his account—he couldn't just leave her without speaking to her, could he?

Muli siyang nagmura nang walang sumagot sa kabilang linya. Inis niyang ni-tanggal ang seatbelt upang bumaba at magtanong na sa admin office ng condo subalit napa-igtad siya nang may bigla namang sumulpot sa bintana ng driver's side.

There was a guy with a fine beard and mustache peeking at the window.

Napailing siya. Kahit anong silip ang gawin nito'y wala itong makikita sa loob. His car windows were tinted.

He rolled down the window that shocked the man. Their eyes met, and he was about to ask what he needed when the man beat him off,

"Uhm, are you the transporter that Shellany had spoken to?"

Doon nagsalubong ang mga kilay niya. He remember that voice.

Ito ang lalaking nakausap niya nang tawagan niya sa unang pagkakataon ang kliyente. The gay-man.

Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking iyon. Lalaking-lalaki ang itsura nito. Not until he started talking, though...

The man had a twang in his voice, a twang so particular with gay men.

"Yes, ako nga. Nasaan ang kliyente?"

"What's your name?" anito, ang mga mata'y masusi siyang sinuri mula sa kaniyang mukha pababa sa suot niyang itim na poloshirt.

"Cerlance Zodiac."

"Can I see your ID?"

"Why do you need my ID?"

"For safety purposes."

"The guard at the parking entrance has checked and verified that I am not a criminal; isn't that enough?"

"I wanted to check it myself, too. Hand out your ID."

Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Sobrang haba na ng pasensya ang ginugol niya sa paghihintay. Magagahol na sila sa oras, hindi na nila maaabutan ang cargo vessel, at kakailanganin pa nilang maghintay ng tanghali bago dumating ang kasunod na vessel. Tapos ay magsasayang pa ng oras ang lalaking ito? Why wouldn't he just tell him where his client was? Too much time had been wasted; he's got no time running around the bush.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now