CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date

Start from the beginning
                                    

Nandito pa kaya si Ate Veronica?

"Hi! Welcome"!

Lumapit kami sa may counter na patuloy pa rin ang paglilingid ng paningin ko sa paligid. Walang pinagbago.

"Can we speak to your manager, please"?

"My name is Veronica. I'm the manager of this shop. How can I help you both"?

Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan namin. Matamis ang ngiti nitong nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Drik.

"Buti buhay ka pa, Ate Veronica"? Tanog ko nang makaupo kaming tatlo sa isa sa mga dining table dito sa restaurant

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Buti buhay ka pa, Ate Veronica"? Tanog ko nang makaupo kaming tatlo sa isa sa mga dining table dito sa restaurant.

"Parang gusto mo na yata akong mamatay"? She laughed.

Nahihiya naman akong natawa rin at nailagay ang ilang strands ng buhok ko sa likuran ng tainga ko. "Ahm. Hindi naman. I mean, wala pa ring pinagbago ang mukha mo".

Flinip nito ang mahaba't kulay chesnut brown niyang buhok. "Gano'n talaga kapag fan ka ng kdrama". Sabay tawa niya.

Si Ate Veronica, ay sampong taon ang tanda sa amin. Pero kahit gano'n, gusto niya pa ring ituring namin siyang malapit lang sa edad namin Siya ang may-ari ng restuarant na ito. Kung anong walang pinagbago ng restuarant niya, ay gano'n din na walang pinagbago ang physical niyang aniyo

"So, how's going on"? Tanong niya. "It's been a years since the last time I saw the two of you".

"Thank you". Nginitian namin ang waiter na naglapag ng mga orders namin.

"We're fine... I guess". Sagot ng Drik pagkatapos nitong sumimsim sa kapeng inumin niya. Hindi ko na lang pinansin ang huling binulong nito.

Hindi kaya mapurga siya sa kape?

"Ilang taon na rin. Hindi ko akalain na nandito ka pa rin pati ang restaurant mo". Maanghang saad ko

"Umm. Importante ang lugar na 'to sa akin. Alam niyo naman iyon"

"Umm". Pagsang-ayon namin ni Drik

"Eh kamusta na yung company niyo"? Tanong ko pagkatapos sumimsim sa kape kong order.

Ngumiti ito, pero may halong lungkot. "Matagal nang na bankrupt. I don't know what exactly happened. Nalaman ko na lang na gano'n".

Napatango na lang kami ni Drik. "Si Tita pala? How is she"? Tanong ko.

"She passed away years ago".

Napatango na lang ako at hindi na muling nagtanong. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pakiramdam ko, kada tanong ko, nakakasakit.

She cleared her throat. "Kailan ka pa nakauwi Lars? Huling balita ko sa'yo, pumunta kayo ng ibang bansa".

"Ilang taon na rin po".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now