Pick A New Direction

15 6 0
                                    

FIND A MAP, PICK A DIRECTION, AND JUST RUN

They say in life we make new moments every second, and every moment we create memories, and as we make memories, we create the soon-to-be past. Time goes by. Bukod sa pagbabago, isa pa ito sa patuloy na nangyayari. At kasabay ng patuloy na paktakbo nito, may mga bagay tayong naiiwan.

And in life, they say, 'Just run and don't look back'.

Run and don't look back. Forget and move forward. Just keep running. Your past doesn't need you; your future does.

It all sounds so simple. But for many, it is not. I've been living in this world for like 29 years, and after living for almost three decades now, I don't know if I can still manage to fully achieve 30 years of living. Paano ko nga ba nagawa pang umabot ng 29 years old kahit araw-araw akong pinapatay ng mga ala-ala niya?

Naming dalawa.

Bakit kailangan niya pang mawala?

"Ma'am, pass ko lang po tong output namin." Napatigil ako sa pagtitipa sa aking cell phone nang magsalita ang estudyanteng may hawak ng mga papeles ng buong klase sa aking harapan.

Masayado siguro akong lutang kaya hindi ko namalayang pumasok na pala ito.

"Sige, 'nak, thank you." Nakangiting wika ko na kinuha ang mga papel saka ito nirecord.

Nang matapos ko na ang lahat ay saka ko napansin na hindi pa pala ako tapos sa pagtitipa.

I got a message from Graschel.

Bestiee<3

ano pupunta ka ba mi?

promise, iiyak talaga ko 'pag wala ka sa kasal ko

hindi kita papasinin ng buong taon

Me typing...

Bestiee<3

Busy nga ako, mi.

Sent!

Bestiee<3

F.O.?

Napangisi ako ng mabasa ko ang reply niya. But it feels illegal since her wedding can only happen once and it's a shame if I won't be there. Sa totoo lang, ayaw ko rin talaga hindi pumunta.

I have a lot of school work to do at kahit gustohin ko man hindi ko alam kung saan o kanino ko ipapasa. And as much as I wanted to, I don't feel like I'm ready to attend a wedding.

I mean, I want and would want to be there for my best friend but, hell, it hurts that the concept of a church wedding reminds me of him.

Of what we planned together.

Bestiee<3

sabi ko naman kasi patulan mo na si Charles, ang bait bait naman nong tao at pogi din

halos walong taon na rin siyang naghihintay sayo shalene

why don't you give him a chance to prove his love for you?

maybe you could love him back mi

alam kong hindi natuturuan magmahal ang puso, but you don't actually need to teach it, maybe?

do you still even know what "love" is? it's been seven years

and as much as I love you, I want you to not live with that grief

Me typing...

...

...

Bestiee<3

Threads of TapestryWhere stories live. Discover now