"W-Well..."

      "When I first did that to you, you almost screamed at the top of your lungs. You even begged me not to stop, because you wanted it so bad. I could do it again, all night if you want, provided that you eat a spoonful of this fruit."

      Napanguso siya. "Ano ba ang mapapala mo kung titikman ko 'yan?"

      "Nothing. I just really want you to taste it because it's really good. This is my favorite fruit, and I love it for the right reason. Pero... kung ayaw mo talaga, then fine." Nagkibit-balikat ito, talaga sinusubukan siya.

      Lalong nanulis ang nguso niya. "Nakakainis ka!"

      Lumapad ang ngisi ni Cerlance. He knew right there and then that he won.

      "Fine!" Ahhh! Gaga ka talaga, Shellany! "Give me some of that!"

      Humarap si Cerlance, at gamit ang isang kamay na nakabalot ng plastic bag ay kumuha ito ng laman at dinala sa bibig niya.

      "Open your fu.cking, lovely mouth..." he ordered sensually... teasingly... with a grin on his stupid face.

      She pinned her nose with her thumb and index finger, then opened her mouth to take in the fruit. At habang inilalapit ni Cerlance ang kamay sa bibig niya'y yumuko din ito at binulungan siyang muli,

      "You will be rewarded for this, I promise." Then, he grinned and instead of shoving the fruit into her mouth, he took it into his. Sa sarili nito inisubo ang durian na ikina-awang ng bibig niya.

       Mangha siyang napatitig sa nakangising loko.

        Cerlance chewed the fruit with gusto, at nang malunok iyon ay muli itong magsalita. "Sorry, I was just teasing you. Hindi kita kailanman pipiliting gawin ang ayaw mo." Then, he grinned sheepishly again. "And don't worry, I would still give you what you wanted. A promise is a promise."

        Lalo siyang walang nasabi.

        Hayop na 'to, pinatitibok ang puso ko...


*

*

*


      PASADO ALAS ONCE NA NG GABI NANG UMALIS SINA SHELLANY AT CERLANCE sa isang maliit na restaurant upang pasyalan ang sikat na New City Hall. Sa mga oras na iyon ay wala nang gaanong tao roon maliban sa ilang mga kabataang naroon upang magliwaliw at mag-practice ng sayaw, at mga magsing-irog na doon nagkikita at namamasyal.

    Tulad nila.

    Hindi magsing-irog, pero naroon upang mamasyal.

      May ilang poste ng ilaw doon sa harapan ng hall, pero may parteng madilim at doon sila naglakad-lakad. They felt peace despite the darkness, and Shellany was holding onto Cerlance's arm for support. Suportang hindi naman niya kailangan dahil kaya nang maglakad nang tuwid at wala nang sakit na iniinda sa katawan.

    Sa harapan ng malaking building ay ang fountain kung saan naroon ang mga pares na nagde-date, at sa malawak na empty space sa harapan niyon ang mga teenagers na nagpa-practice ng choreograph.

      Sa gilid ng malawak na city hall ay may mga nakatindig na malalaking mga rebulto. Medyo madilim sa bahaging iyon dahil ang ilaw sa pinakamalapit na poste ay patay-sindi. Habang naglalakad sa kabilang direksyon ay isa-isang sinuri ni Cerlance ang mga rebulto, habang siya naman ay nilingon ang mga kabataang nagtatawanan habang inaayos ang steps ng sayaw.

    "May mga tao pa rin pala rito kahit ganitong oras," aniya bago ibinalik ang pansin sa harapan. Tiningala niya si Cerlance na ang tingin ay nanatili sa mga rebulto. His hands were pushed into his pocket, nasa kaliwang panig siya nito at naka-kunyapit sa braso nito. "Nakapunta ka na ba rito?"

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now