Ayoko namang palagi na lang pagselosan ng bebe ni Captain!



"Hala ka Valencia!" bulalas ni Shey nang mapansin ang crying emoticons sa comment sections. "Nagpapaiyak ka ng viewers!"


"I'm sorry. You can still support us guys, I'm just telling you the truth. Ayokong paasahin kayo sa isang bagay na alam ko namang hindi mangyayari. You know how important you are to me. Kaya gusto ko lang magpakatotoo sa inyo. Don't take it badly." I stated. "Are you single? Secret. Si Elie? Just ask her." I grinned. Patay ako nito!


"ShAve? What's that?"


"Hoy! Hindi ko naman sinabing i-ship niyo ako kay Shey!" maktol ko ng magets ang ibig sabihin ng barkong nasa comment section.


"Makareact Valencia? Lugi ka pa niyan?" sita sa akin ni Shey. "Gandang ganda sa sarili yern?"


"Ayokong maging battered girlfriend." I stated kaya nakatanggap agad ako ng hampas mula kay Shey. "See guys?"


"Napaka mo Valencia. Sinisira mo ang image ko. Last guesting mo na ito!" nakasimangot pang wika ni Shey.


"Rinig niyo iyon guys, last na daw po ito. Agree ba kayo? Press 2, kung hindi po."



Napangisi naman ako ng halos nagpress 2 lahat ng viewers, kasabay ng magkakasunod na pagbagsak ng virtual gifts.



"Ginayuma talaga kayo ni Valencia." iiling-iling na komento ni Shey. "Thank you." pabebeng saad nito kay Calista na inabutan siya ng tubig. "Tama na Marites guys, multo talaga iyong nag abot nito."


"Cali, may honey-lemon cake sa ref. I baked it for you. Tikman mo dali!" mahinang turan ko kay Calista na malawak ang ngiti namang sumunod. "Oh? How did you know Calista?" I asked nang mapansin ang comments, medyo nahagip kasi siya ng camera noong dumaan ito sa likod namin papuntang kusina. "Badminton player ka, Cali?" muli kong baling kay Calista nang makabalik ito sa dating pwesto.


"Uh-uh." tugon nito habang ngumunguya. "This is good. Can I get the recipe?"



Nag-thumbs up lang ako dito at malawak na ngumiti, pero agad ding napawi ng mapansin ang masamang tingin ng katabi nito.



"B-bakit di ko alam na sikat pala si Calista?" baling ko kay Shey saka muling nagpapak ng buffalo wings. Iniiwasang magawi ang paningin sa babaeng iyon!


"Wala ka naman talagang alam Valencia." masungit na tugon nito. Selosa! "Shippers again." bulong pa nito.


"Luh guys, stop shipping us. Tropa lang po kami ni Calista, she's my baking buddies. Off limits na po siya, may nakabakod na."



Pasimple akong kinurot ni Shey, pero tinawanan ko lang. Brutal!



"Anong reaction mo Shey, ikaw na ang shini-ship kay Calista?" Inirapan lang ako ng gaga! Kinikilig naman iyan for sure. "Sinong Xiera, guys?" Puro kasi akyat Xiera ang laman ng comments aside sa nabubuong shippers nina Cali at Shey. "Open ka nga isang slot, Shey. Kilala mo iyong Xiera?"


"Yeah." nakangising tugon nito. "Are you sure gusto mo siyang umakyat?"



I just shrugged at saglit na binaba ang kinakain. Saglit pang sumulyap si Shey sa kinaroroonan ng dalawa bago ni-unlock ang slot sa ibaba ko.



"Hi Xiera, good to see you here." bati ni Shey sa babae. "Salamat sa pagdaan sa stream ko."


"Oh my gas!" react naman ng babae. "It's really Averill Iris!" bulalas pa nito sabay takip sa bibig. Napangiti naman ako. Cute! "Hala, hoy wag kang ngumiti, hindi pa ako ready. My gas!"


"Valencia, meet Xiara De Ocampo, one of the most in demand streamers here in Kumu. She's your fan actually." singit ni Shey.


"Hi Xiara, nice to meet you." magiliw kong turan. "Thank you for being a fan."


"Nice to meet you too, Averill Iris!" masiglang tugon ni Xiara. "Kung alam ko lang na mamemeet kita tonight sana pala nagpasalon muna ako!"


"You look great actually, no need to go to the salon."


"Ane be! Bakit naman ang swabe mong magpakilig!"



Ngumiti lang ako na nauwi din sa ngiwi dahil nasa harap ko na pala si Pres. Madilim ang awra nito at matalim ang tingin sa akin!



"Averill Iris!"


"H-huh?"


"I'm asking you if you're single, since pinalubog mo na naman ang barkong AveLie, beke nemen.."



Nilingon ko si Shey to ask for help pero ang walang hiya, nginisian lang ako at tinaasan ng kilay. Sa comments section naman ay nagsisimula na silang mag imbento ng kani-kanilang ship names!



"Ah actually.." panimula ko. "Basketball is life po muna tayo."


"So, you're single nga?" pangungulit pa ni Xiara.


"I warned you." bulong ni Shey. "Bet ka niyan, Valencia. Good luck." pahabol pa nito bago binalingan ang mga nagbabagsak na viewers. "Thank you for the gifts, guys. Magbagsak pa po kayo habang nag aabang sa sagot ni Valencia." natatawang pahayag pa nito. "AveXia, Xiaris, AXia, ValDe, XiAv at AX. Daming shippers agad guys. Abangers yern?"


"Thank you guys, pero wag nating ipressure si Averill Iris. Chill lang us. Magla-live din po ako mamaya, sana makadaan kayo." saad ni Xiara. "No need to answer Averill Iris, I'm sorry if masyado akong pushy."



Tumango naman ako dito at tipid na ngumiti. Muli kong ibinaling ang tingin kay Pres at nakangiwing inabot ang nakakuyom nitong kamay, I intertwined it with mine saka ipinakita sa screen.



"I hope this will answer your question." 

TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now