3•2 - Start

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakapatiwarik siya pero nakaharang pa rin ang mga buhok niya sa mukha niya. At hindi ko alam kung bakit, pero sigurado pa rin akong nakatingin siya sa 'kin.



Napayuko ako at napaiyak.



Kung panaginip 'to, gusto ko nang magising.



Pero mukhang hindi 'yon mangyayari.



Mukhang hindi 'to panaginip, dahil ramdam na ramdam ko ang mga hibla ng buhok niyang unti-unting bumabagsak at tumatama sa 'kin.



I looked up again and just froze on the floor when I saw her bloodied face. She extended her arms, as if trying to reach me, before letting herself fall right on where I was.



"Tyler!" naisigaw ko. Tunog nagmamakaawa, alam ko. Pero desperado na ako. Kailangan ko ng tulong.



Natatakot na ako.



I closed my eyes and felt the tight grip on my arms, dragging me on the floor. I thought my life was going to end at that point, but I heard something crashing in front of me.



Nagtaasan ang mga balahibo ko nang makita ang babae sa sahig, sa harapan ko mismo, at para bang nagkandabali-bali ang mga buto niya dahil sa pagbagsak niya mula sa kisame. Nahigit ko ang paghinga ko hanggang sa may humawak sa pisngi ko at inalis ang tingin ko sa kaniya.



"Kali."



"Tyler!" Lalo akong napaiyak nang makita ang mukha niya. Mabilis akong yumakap sa kaniya. Mahigpit.



"Kali, kaya mo bang tumayo?"



"H-Huh—"



Tumutulo pa ang mga luha ko nang lumingon kami sa babaeng bumagsak mula sa kisame. Parang huminto ang oras habang pinapanood namin siyang ikut-ikutin ang mga bahagi ng katawan niya, ibinabalik sa ayos ang mga nabaling buto na para bang wala lang.



Napaawang ang mga labi ko noong makatayo nang ayos ang katawan ng babae na nakaharap sa 'min ni Tyler, habang ang ulo niya, nakatalikod pa.



"T-Ty..."



Hindi na namin hinintay na tuluyang pumihit ang ulo ng babae. Binuhat ako ni Tyler at tumakbo siya palayo roon.



"Tyler, tatakbo na lang ako, nabibigatan ka lang. Baka maabutan niya tayo—"



"'Wag kang lumingon."



Napatigil ako sa pagsasalita na kasabay dapat ng pagsilip ko sa humahabol sa 'min. Nag-angat ako ng tingin sa mukha ni Tyler at seryosong-seryoso siya. Malayo sa Tyler na palaging nakangiti kapag nakikita ako. Kapareho ng Tyler na iniilagan ng karamihan.



"Ty—"



Nagulat ako nang makarinig ng malakas na tunog ng pagsarado ng pinto. Pagtingin ko sa likod namin, wala na 'yong babae. Nasa loob na kami ng isang kwarto at maliwanag na ang paligid dahil sa nakabukas na ilaw.



"Kali?!" Nilapitan kaagad ako ni Gia noong ibinaba ako ni Tyler. Sinapo niya ang noo ko. "Shit, nilalagnat ka pa rin! Bakit nagpunta ka pa?"



Bahagyang napakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kaniya. Nilingon ko rin ang iba bago ako sumagot. "M-May lalaking sumundo sa 'kin—"



"At sumama ka?!" Natahimik kaming lahat noong biglang sumigaw si Tyler. Hindi ako kaagad nakahinga dahil 'yon ang unang beses na nagalit siya sa 'kin. "Ganitong oras, Kali?!"



Nilapitan siya kaagad nina Jero at Maco dahil mukha talaga siyang mananakit. "Pre—"



"Hindi ako kusang sumama..." paliwanag ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapaiyak habang nilalabanan ang masamang tingin na ibinibigay niya sa 'kin. Hindi ko siya maintindihan. "Ano ba'ng akala mo sa 'kin? Siyempre, naisip kong delikado—"



"Eh, bakit nandito ka? May hindi mo kilalang lalaki na bigla kang sinundo sa madaling araw, Kali! Sana tumawag ka man lang ng pulis!"



Napakurap-kurap ako.



Hindi ka iiyak, Kali.



"Oo nga. Bakit nga ba ikaw ang tinawagan ko kanina?"



I didn't wait for him to say another word and just turned my back. Lumapit ako sa sofa sa gilid ng kwarto na 'yon. Kailangan kong umupo matapos ang lahat ng nangyari.



"Kali," rinig kong tawag sa 'kin ni Gia pero hindi na ako lumingon pa. Umupo lang ako at pumikit.



"Oh, isuot mo muna." Napamulat ako nang maramdaman ang telang tumatama sa braso ko. Nakita ko si Jero na nakatayo sa harapan ko, kasama sina Jing at Wynn, at iniaabot sa 'kin 'yong jacket na suot niya kanina. "Sige na, malamig eh."



Tahimik na kinuha ko ang jacket at ipinatong sa suot kong tshirt.



"'Pag nahanap natin 'yong bag ko, Ate Kali, may gamot ako ro'n kasi akala ko kanina kasama ka talaga naming maglilinis eh," sabi ni Jing na medyo nakapagpatigil sa 'kin.



Nginitian ko siya. "Thank you, Jing."



"A-Ate Kali, nakita mo rin ba?" biglang tanong naman ni Wynn na nakapagpakunot ulit sa noo ko.



"Ang alin?"



"Si..." Tumingin pa muna siya kay Jing na para bang humihingi ng tulong para masabi ang sunod niyang sasabihin. "S-Si Sadako?"



Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Huh?"



"'Yong white lady na nakaharang 'yong buhok sa mukha—"



"Hindi naniniwala si Kali sa mga multo kaya hindi rin siya nanonood ng horror movies." Napalingon kami kay Gia na lumapit din sa sofa. Umupo siya sa tabi ko.



"P-Pero hinabol nga ako no'ng sinabi n'yong babae."



Napalipat sa 'kin ang tingin nila.



"Nakita mo?" tanong ni Gia.



"Oo?" Nalilito kong sagot dahil sa paraan ng pagtatanong niya. "Siya 'yong sumalubong sa 'kin kanina. 'Yong humahabol sa 'min ni Tyler, 'di n'yo ba nakita?"



They all looked at each other, and their eyes made me more confused... and a little scared.



"Kali, walang humahabol sa inyo."



Huh?



;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon