2•4 - Freezer

826 70 2
                                    

4 - Freezer



"Putek, malamig naman sa labas, patayin na natin 'yong aircon! Mamamatay na 'ko sa lamig eh!"



"Pinagpapawisan nga si Sync eh."



"Tanginang 'yan, sa snow kasi lumaki."



"People who grew up in cold climates tend to have less active sweat glands than people who grew up in warm climates."



"Sorry, Tate. Nagpi-freeze na rin ang utak ko. Wala akong na-gets sa mga pinagsasabi mo."



"Masarap nito may bulalo eh."



"Nanginginig ka na't lahat, Trina, pagkain pa rin ang nasa isip mo!"



"Bakit ba?!"



"Okay ka lang, Euna? May dalang kumot si Fleur."



"Bakit ka may baong kumot sa school?"



"Siyempre, girl scout yata 'to!"



Natuyo na ang puting pullover at jeans na suot ko, pero ang pisngi ko hindi pa rin.



We've all been crying for I don't know how long. All of us girls, even the guys. None of us could believe what just happened.



We were invited for a reunion. Five years after the day that that cruise ship sank. Five years after more than half of our class died. Five years after we all last saw each other.



We're together again after five years. And not even a day has passed, one of us dies? What the hell?



"W-Where are we?" tanong ni Fleur habang humihikbi pa rin. Tinapik tapik ni Dahlia ang likod niya dahil halatang nahihirapan na siya sa paghinga.



"Mrs. Lagdameo's house," sabi ni Niall.



"Scarper House," pagtatama ko. Napalingon sila sa'kin. "That guy called this Scarper House."



"The name doesn't matter. We still have to look for Tate," sabi naman ni Sync.



Sandaling bumaba ang bigat na nararamdaman ko. Parang nablangko ang utak ko. Oo nga. Nawawala si Tate. Sa sobrang pagkagimbal namin dahil sa bangkay ni Trina na basta na lang inanod palapit sa'min, nawala na sa isip kong may isa pang nawawala.



"I hope he's okay," I whispered with a sigh.



"Hindi naman siya babalik sa'tin ng... ng tulad ni Trina, 'di ba?" Napakurap-kurap ako dahil sa tanong ni Fleur. Tinignan ko ang iba pa naming mga kasama pero lahat sila, nakaiwas lang ng tingin.



Humugot ako ng isang malalim na hininga saka pinilit na ngumiti. "Let's find him."



I forced myself to stand up. Hindi pa ako nakakahakbang nang pare-pareho kaming napayuko. It felt like my ears would fall out because of the loud blaring noise.



"Good evening, Class 12-A."



Unti-unti kong natanggal ang mga kamay sa tainga ko. Napatingin ako sa mga kasama ko na halatang nalilito at kinakabahan din habang lumilingon sa paligid, hinahanap kung saan nanggagaling ang boses na naririnig namin.



"Kumusta?"



"What?" Vito was the first to react. He looked so annoyed by the speaker's joyful tone. "Who the fuck are you?"



Scarper Houseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें