2•9 - Like Daughter, Like Mother

766 57 5
                                    

9 - Like Daughter, Like Mother



"I'm so excited!"



"Ako rin! First time kong makakasakay sa barko!"



"Phone, wallet, charger, toothbrush, ano pa ba?"



"Para kang nanay, Euna. Kumalma ka nga. Na-triple check na namin ang mga dala namin."



"May mga dala akong extra, just in case."



"The best ka talaga!



"Wala pa tayo do'n, pero nasusuka na ako kaagad."



"Uminom ka ba ng Bonamine?"



"Ano 'ko, bata?"



"Sayang naman 'yong cruise kung magsusuka ka lang o matutulog sa cabin."



"Okay nang magsuka kayong lahat, matuloy lang ang surprise."



"Vito!"



"Oh, Sync, bakit kinakabahan ka. Surprise ni Niall kay Dahlia ang tinutukoy ko."



"Yiee! Niall, may surprise ka pala kay Dahlia ah!"



"May surprise ako?!"



"Nasurprise siya na may surprise pala siya."



Nakatitig pa rin ako sa bangkay ni Brix at sa matandang para bang nag-eenjoy sa pagkain nang bigla akong hinila ni Sync. Hindi pa ako nakakaangal nang biglang bumagsak ang isang makapal na kahoy sa harapan namin—para bang isang pader na biglang pinaghiwalay ang kinaroroonan namin at ni Brix.




Ano 'yon? Iniligtas ba kami mula sa matandang 'yon? O kailangan lang talaga na sa ibang paraan kami mamatay? Sa mas karumal-dumal. Sa mas masakit.



The loud noise filled every corner of the area we're in, and this time, I heard it. I didn't bother to cover my ears though. It didn't hurt anyway. Or maybe, I'm just already numb from all the pain.



"The last three," the voice said. "Wait, we're already down to only three? That was fast." I really hate how they sound so casual. "The reunion's about to end already."



Naramdaman kong hinawakan ulit ni Sync ang kanang kamay ko. Awtomatikong kinapitan ko si Dahlia sa kabila.



"But what's a reunion without some throwback videos, right?"



The wall beside us suddenly lit up like a glass screen. I prepared myself. I thought we're really up for some videos taken from five years ago. But, it turned out to be something more terrifying.



The glass on the wall was actually just a clear glass. Through it, we could see the room on the other side of the wall, half filled with water... with Mrs. Lagdameo standing in the middle.



Natigilan ulit ako nang makita ang mukha niyang kaparehong-kapareho ng sa anak niya. Ramdam kong gano'n din sina Sync at Dahlia. Matapos naming malaman kung bakit talaga kami nandito, alam kong pare-pareho na ang pumapasok sa utak namin kapag nakikita ang mukha ni Lana.



"No!" sigaw ni Dahlia nang biglang bumuhos ang tubig mula sa kisame ng kabilang silid. Kitang-kita namin kung paanong mabilis na tumaas ang tubig, at hindi man lang gumalaw si Mrs. Lagdameo.



"She'll pay for everything with her life."



"No!" Mabilis na tumulo ang mga luha ko at napabitaw ako kina Sync at Dahlia. Napatakbo ako papalapit sa salamin at pilit 'yong kinalampag, umaasang mabubuksan 'yon at may magagawa ako para iligtas si Mrs. Lagdameo.



Gusto kong may magawa naman ako sa pagkakataong 'to.



"Please no! Please! Open this, please!"



The water level reached her neck and that's when she wasn't able to hide it anymore. Fear covered her eyes. She tried to swim up, trying to keep her head above water.



"Please..." Napatigil na ang mga kamay ko sa pagkalampag sa salamin. Para akong nawalan ng lakas nang diretso siyang tumingin sa mga mata ko. Para bang humihingi siya ng tulong.



Naulit lang. Tulad ng pagmamakaawa ni Lana at ng iba pa naming mga kaklase na balikan namin sila. Tulad ng pagkakita ko sa kanila pero wala akong nagawa.



Naulit nanaman.



"No!" Sa unang pagkakataon sa nakalipas na limang taon, nailabas ko ang lahat ng kinikimkim ko sa sigaw na 'yon. Lumubog na si Mrs. Lagdameo sa tubig pero pinipilit niya pa ring umahon. Para bang nagising ako at gamit ang natitirang lakas ko, sinuntok ko ang salamin—pero wala pa ring nangyari. "I'm sorry! I'm really really sorry! I regret not coming back! I regret not helping them! Please! Please, I'm sorry!"



"Euna..." Sync called my name, obviously affected by what I said. I looked at him.



"Sync, ayoko na! Kasalanan ko kung bakit wala na sila! Kasalanan ko kasi hindi ako bumalik! Kasalanan ko kung bakit gabi-gabi kong naririnig ang mga boses nila! Kasalanan ko kung bakit nandito tayo ngayon! Kasalanan ko kung bakit namatay sina Trina, Fleur, Tate, Niall, Vito, Samuel, at Brix! Kasalanan ko kung bakit nauulit lang ang lahat!"



"Euna, no." Umiling si Sync. "It's not your fault. Yes, you were there but you have your own life to save. You can't swim while pulling everyone. You can't take them all to the shore. No one can."



"But why do I hear them everynight..." Saglit akong napapikit kasabay ng pagkabasag ng boses ko. "Sync, do you still not get it? Sa ating lahat na nabuhay, ako lang ang hindi marunong lumangoy." Para akong baliw na tumawa habang umiiyak. "Sync, hindi ko rin kayang iligtas ang sarili ko. Pero nandito ako."



"Euna..."



"Sana hindi mo na lang ako iniligtas. Sana... sana..." Napapikit ako ulit. "Sana hindi na lang ako nabuhay kung araw-araw din naman akong pinapatay ng kunsensya ko."



"Euna." Napamulat ako hindi dahil narinig ko ang boses ni Dahlia, kung 'di dahil naramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sakin mula sa likuran. Ramdam ko rin na isinubsob niya ang mukha niya sa likod ko. "Did you really blame yourself for the past five years?"



Nag-unahan ulit sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ako nakasagot.



"Is that why you have been avoiding us? Do you really think you don't deserve to live?"



"Sinisingil na ako, Dahli," I copied her words. "Sinisingil na ako sa limang taon na hindi dapat akin."



Just after I said those words, the loud noise blared again. I felt Dahlia's hug tightened. I looked at Sync and his eyes are already on me. We all waited for the announcement.



"Leonora Lagdameo has paid Scarper House."



;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon