***

The streets.

Inayos ko ang aking sarili, hindi ako p'wedeng magambala ng problema ko sa buhay. I have to earn money for my brother.

Mapanuri kong ginala ang tingin sa paligid at nagmanman. It took me several hours to spot something extraordinary. I lit a cigarette to ease my tension. Kanina pang nakaantabay ang aking mata sa isang lalaking bumaba ng magarang sasakyan.

Pinatay ko ang sindi ng sigarilyo at inayos ang suot kong cap. Sinundan ko ang lalaking may hawak na itim na duffle bag.

From the looks of it, he is out in the vicinity for a transaction and the bag contains big amount of money. I knew damn well it was an illegal transaction. Alam ko ang ganitong klaseng senaryo. I have been into situations like this in the past.

I was planning to steal the money before it was transferred to another. Binilisan ko ang paglalakad papalapit sa lalaki. Kinuha ko sa bulsa ang isang pocket knife na madalas kong dala, sadya kong binunggo ang lalaki.

He stumbled. Nabitiwan niya ang hawak na bag at tumilapon sa sahig. Bago pa niya magawang bumuklos sa pagkakatumba sa sahig, mabilis kong hinablot ang bag at tumakbo sa kabilang direksyon.

"Tangina!" The man cursed. "Stop! This is the police!"

Oh, fuck.

Hindi ako lumingon, narinig ko ang serena ng mobile. I heard gunshots everywhere. It wasn't just a police, I disrupted an operation between syndicates and the cops. It must be big.

Kinagat ko ang aking labi, hindi ako tumigil hangga't hindi nakakawala sa kanilang paningin. Nang masiguro kong walang nakasunod sa akin. Hinubad ko ang suot kong hoodie sa masikip na eskinita.

I stuffed the bag into my belly to make myself look like a pregnant woman.

Sinuklay ko rin ang aking buhok at naglagay ng kolorete sa mukha. I made it possible in a short period of time.

Naglakad ako ng marahan palabas ng eskinita at nakihalubilo sa mga tao. I kept caressing my tummy. Dumaan din ako sa palengke upang mamili ng ilang pangangailangan namin ni Russle.

"Itaas mo ang kamay mo," I heard someone say.

Marahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. It was the cop earlier. Siya ang lalaking dala ang duffle bag na itinakbo ko.

Hindi ako nagpakita ng emosyon sa lalaki kung hindi pagtataka. Sinipat niya ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. His eyes were glued to my belly. Napagtanto nito ang malaki kong sinapupunan.

He sighed. "Pasensya na, ma'am. Nakamali ako ng akala." Ibinaba niya ang baril.

My eyes started to water, I was sure he felt guilty making accusations with a pregnant woman. Mas ginalingan ko pa ang pagluha.

"Hindi ko po sinasadya..." Nasulyapan niya ang hawak kong mga gulay na dapat ay babayaran ko na kung hindi lang ito um-epal. "Bilang paghingi ng paumanhin, hayaan niyong ako na po ang magbayad."

"Ito po ang bayad," saad niya sa tindera. Iniabot niya ang isang libong salapi. "'Wag niyo na pong suklian."

Bumaling siya sa akin. "Pasensya na po talaga, ma'am." He said before he left.

I stood there. Pinanood kong makalayo ang pulis sa tayo ko.

"Nako, ma'am. Nadamay pa ho kayo, kita namang buntis..." komento ng tindera.

Pinahid ko naman ang aking luha at kinuha ang mga gulay na pinamili ko. Pinigilan ko ang pagngisi.

I got away that easy with a bonus of items needed at home.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now