Kabanata 1: Accident

Start from the beginning
                                    

"Napaka buti mong bata, siguradong natutuwa ang mga magulang mo kung san man sila ngayon" sya. Wait pano nya nam-siguro mali lang yung pag interpret ko. Sa sinabi nya. Di ko nalang pinansin at bumaling ulit sa kanya.

Napansin kong may kinukuha ito sa bulsa nya at nakayukom ang kamay nito sakin na parang may ibibigay. Di naman siguro si lola yung tipong magpaprank tapos gagamba pala yung ibibigay, kaya tinanggap ko nalang ito para di sumama loob nya.

Medyo nagulat pa ako na isa itong kwentas, kulay silver ito na may pendant na parang kidlat at napalibotan ng bilog. Its actually fancy at mukang high quality pa.

Nag ooverthink tuloy ako kung ninakaw nya bato or napulot. Nag insist ako na di ko tatanggapin pero nalungkot lang sya parang piniga tuloy ang puso ko habang may nakikitang matanda sa ganitong sutwasyon.
Kaya kinuha ko to sa kanya at binulsa.

"Mag iingat ka iha sa pag uwi." sabi nya, nagpasalamat ulit ako at nag paalam na kasi madilim na talaga.

Nang marating ko yung mall ay tinungo ko agad yung parke, kinapa ko sa bag yung susi at pinidot yung button para mahanap yung lokasyon ng kotse ko nang matuntun ay pumasok na agad ako sa loob.

Kinuha ko sa bulsa yung kwentas na binigay nung matanda at tinignan itong mabuti. I dont know why, pero sa di malaman na dahilan, for me It feels really nice by just looking at it. ang gaan gaan sa puso, parang konektado ito sa pagkatao ko.

pero siguro magaan lang yung puso ko dahil sa pagtulong ko kanina sa matanda.

Sinubukan ko itong sinout at tinignan ko ang sarili sa salamin. muntikan pa akong mapatili nung napansin kung bumagay sakin. infairness.

nang maka move-on na ako...

Tiningnan ko muna yung mga dala ko sa back seat at inayos ng mabuti. Sinama ko narin yung supot para sa mga alaga ko sa bahay at linapag ko nalng din yung bag ko sa shotgun seat. At sinimulan kuna mag drive.

An hour drive pa yung kailangan ko para marating yung bahay ko sa Abuyog, leyte. Kaya naisip ko na mag patugtug lang kaya muna.

Maingat kong Inabot yung bag ko habang ang isang kamay ay nasa handle lang. Kinapa ko yung phone ko para maka pag sounds ako thru Bluetooth.

Dahil eko konek ko sya sa speaker ng kotse.

Nang makuha ay nag scroll na agad ako ng mga magandang tugtug at linapag ulit sa upuan nung okay na.

Maya maya lang sa byahe and finally naka lagpas naring tacloban city, Matatagalan talaga kahit sinong lalabas.

Habang binabaybay ko yung sunod na bayan ay bigla nalang bumagsak ang malakas na ulan.

"Tsk! Parang wala naman to sa balita kaninang umaga ah!" medyo naiinis na sabi ko habang sinisilip ang langit.

Nag dahan dahan lang ako sa pag da drive kasi alam kong madulas na ang daan, ramdam ko yung lakas ng ulan dahil sa lakas na kalampag nito sa bobong ng kotse ko. May konting kulog at kidlat pa sa paligid.

Parang may hinde tama, and i don't feel good about this.

Nang narating kuna yung grand crossing lane biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ang ang nakakasilaw na liwanag na galing siguro sa malaking sasakyan sa kanan ko. Tila ba wala itong nakikitang tumatawid na sasakyan sa Real lane ng ruta. Nagsimula na akong magpanic pero...

huli na nung napagtanto kong tumilapon ang sasakyan ko at nagka untog untog na ako sa loob nito.

Tumama ang sasakyan sa malaking poste, pataob itong bumagasak at pansin talaga ang pagkalat ng dugo sa paligid.

Nang hihina akong gumapang palabas ngunit di ko mabuhat ang katawan ko, naghihina akong napatingin sa paligid. Pinagsamang pawis, Dugo at luha ang makikita sa kabuuhan ko ng mukha ko..

Di ko akalain na magagaya ako sa magulang ko

MA, Pa. gusto nyu na poba ako makita? Gusto kopa mabuhay, maiiwan si bunso, lord please.

di ko alam kung magpapasalamat ba ako na gumana parin ang enflater sa loob kaya medyo may concious parin ako kahit alam kong anytime ay mawawalan na ako ng malay.

Pinilit ko lang talaga ang sarili ko na manatiling gising gising.

"G-us-to ko m-abu-hay! ARGHH!" nanghihinang sigaw ko habang napa ubo ng dugo, umaasa na may makarinig man lang saakin.

May pangarap pa ako. Gusto kopa mabuhay! kailangan pa ako ng kapatid ko. pagsusumamo ko sa isip ko.

Nag simula nang kumulog ang kalangitan medyo na bingi pa ako nung may mas malakas na kulog at kasunod nito ang pag ilaw ng kalangitan

Bigla nalang ako napaliyad nung parang may bumagsak sakin na malakas na boltahe ng kurytente na nanggaling sa mataas na lugar na tuluyan pumatay sa sitwasyon ko ngayon.

Huli na nung mapagtanto kong tumama sa akin ang kidlat!

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now