Chapter 11: Full Name

10.7K 477 92
                                    

Sky's POV

I'm practicing a choreo for a new dance na iuupload ko ulit sa channel ko. This is my hobby at the same time my bread and butter. Dito ko kinukuha ibang allowance ko aside sa binibigay ni mommy.

Gusto ko ngang maghanap ng part time job para makapagsave for Thea's future. Hindi pwedeng panay bonding lang ako sa kanya, kailangan ko ring magbigay ng part sa gastusin. Kahit walang binabanggit si Carol tungkol do'n e alam ko naman ang responsibility ko.

Pinatugtog ko ang City Girls and started dancing with it. The choreo is easy, matagal ko na ring kinakabisa 'to and I think I'm ready for a new video.

Nagbihis lang ako sandali. I wore a binder, a hooded jacket, gray pants, cap, and facemask. Tho my channel is kinda popular, walang nakakakilala ng identity ko rito. I wanna remain anonymous.

Sinet up ko na ang lights sa practice room ko saka nagsimulang magvideo. After taking the video. Pinanood ko sandali and edited it to make the video more appealing then uploaded it.

Magkikita nga pala kami ni Carol bukas kaya naman naligo lang ako saka natulog nang maaga. Bumili ako nung nakaraan ng mga gifts for Thea. May toys, clothes, school supplies, lahat ng pwede kong ibigay sa kanya ay pinamili ko. Pambawi lang. May binili rin ako for Carol. Syempre for ano.. for appreciation. Deserve n'ya naman 'yon.

The next day, maaga akong bumangon. Nag exercise lang ako nang kaunti saka nagluto ng breakfast ko at kumain. 9AM kami magkikita, sa isang coffee shop nalang daw kasi 'yon ang malapit sa school nila.

Nagspray lang ako ng pabango. Not the usual amount, dinagdagan ko ng kaunti para mas mabango ako. Nang sa tingin kong ayos na ay lumabas na ako ng kwarto. Dito ako ngayon natulog sa bahay. Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy na may kausap sa videocall. Hmm, lalaki?

Wala namang masama. Tatay ko nga sumakabilang bahay na e. So kung magkaroon man ng boyfriend si mama, I'll just support her. Basta 'wag lang s'yang sasaktan.

"My, sino 'yan ha?" Tanong ko agad. Pumunta ako sa likod n'ya to kiss her cheeks kaya nakita ko ang mukha ng isang lalake na mukhang kaedad lang n'ya. Sabay pa silang nagulat.

"Sky!" Sigaw ni mama. Sa gulat n'ya ay bigla n'ya pang napatay ang tawag. "Nakakagulat ka." Dagdag pa ni mommy.

"Sorry, my. Kaaga mo naman kasi may kavideocall." Pang-asar ko kay mommy. "Sino ba kasi 'yon? Ikaw mommy ha."

"Business partner ko lang 'yon, bata ka." Dipensa naman agad ni mommy. Sus. "Aalis ka? Bakit ganyan pabango mo, Sky? Ang sakit sa ilong." Reklamo n'ya pa.

"Huh?" Inamoy ko ang sarili ko. Napangiwi ako. Oo nga, nasobrahan ko yata sa pabango pero ayos lang 'yan. Babyahe pa naman ako so mababawasan na rin. "Opo, alis na ako, my. Tawagan mo na ulit ka-videocall mo. Babye!"

Nagmamadali na akong umalis ng bahay. Nagdrive lang ako papunta sa coffee shop na sinasabi ni Carol. Pinark ko lang saglit ang kotse ko. Pero bago ako lumabas, I checked myself on the mirror. I winked to myself. Ganda ko.

Bitbit ang mga paperbags na ibibigay ko kay Thea ay pumasok na ako sa coffee shop. Nilibot ko ang tingin ko and I spotted Carol na nakaupo sa isang silya with with two coffee on the table.

Her eyes landed on me so I gave her a sweet smile. Naglakad ako palapit sa kanya. "Hi," nakangiting bati ko, she smiled back. I placed the paperbags on the chair. "Ito pala yung mga ibibigay ko.. those are for Thea." Wika ko, biglang nawala ang ngiti n'ya but it just a split second and she regained her smile. Weird.

"Hmm, thank you. Upo ka, I ordered you a coffee." She said sabay tulak ng kape palapit sa pwesto ko.

"Thanks pero 'di ako umiinom ng kape e." Nakangiting saad ko naman. "Ay mayro'n din pala akong binili para sa'yo. Tignan mo nalang mamaya," biglang naalala ko.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Where stories live. Discover now