Chapter 24

12 5 0
                                    

Relax

"Ellaina, you surprised me!" Auntie Tanasha hugged me so tight.

"I miss you too, Auntie. How are you here?"

Pinatong ko naman ang bag sa couch at nilagay na lang muna sa tabi ang maleta na dala-dala ko.

Napabuntong hininga ako dahil sa 8 hours na byahe sa eroplano. Gusto ko nang matulog dahil sa jet lag, kaya lang alam kong marami itong tanong.

"I'm fine why are you here? Why you didn't tell me that you're going here. You really surprised me. Ilang buwan akong walang contact sa 'yo dahil busy ka. How's your mom and siblings? Ayos lang ba sila?"

Marami siyang tanong na sinagot ko naman iyon.

"I read some articles about you. Kaya ka ba narito?"

"Everything is fine, Auntie. I just need some air and peaceful life. I also stop my modeling career, si Algeda na ang bahala na bayaran ang natitirang taon na nasa contract ko."

Kita ulit ang gulat sa mukha nito.

"Is everything tiring for you these past few days? You should call me if you need someone to talk..."

Mahina akong tumawa at niyakap ulit siya. Siya naman ay yumakap din haplos-haplos ang buhok ko. Nakaka-miss ang ganitong feeling. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina sa anak niya. Dati pa lang pinangarap ko nang maging anak niya. Gustuhin niya man akong ampunin at palitan ang surname ko ay hindi pumayag si Papa at Lola. Maling-mali lalo na't baka sumama lalo ang loob ng totoo kong Mama.

I know the story between them. Kaya rito sina Auntie Tanasha at Lola tumira. May hindi pagkaka-unawaan dati at nang mamatay lang yata si Lola nagka-ayos ang lahat. Silang dalawa na lang ang magkapatid, kailangan nilang magbati para na rin sa magulang nila. Alam kong minsan pride pa rin ang nangunguna sa lahat, lalo na kapag galit ang isang tao.

"Biglaang flight lang ito. And I didn't even contact my family that I'm going to stay here for awhile."

Kumunot naman ang noo nito.

"What?"

"Auntie, I'm now at the right age. Dapat nga sa ganitong edad may asawa na 'ko. Later, I'll inform that I'm here. And about Uncle, where he is? May trabaho?" I asked her.

"Yes, I'm going to visit him sana, iaabot ko lang ang pagkain na niluto ko. You know your Uncle he really likes the food if I'm the one who cook. And what happened to your hand?" she suddenly change our topic.

Tiningnan ko naman ang kamay kong may paso. Naalala ko na naman ang nangyari kanina habang nag-iimpake ako ng mga importante kong gamit.

Nasa tabi ko lang si JD at tahimik niyang ginagamot ang paso ko sa kamay. Hindi mabigat ang kamay nito kaya hindi ko ramdam ang diin ng kamay niya habang pinapahid ang ointment.

Hindi na rin siya umalis at siya pa itong hinatid ako sa airport. Kaya lang sobrang tahimik nito na para bang hindi niya na gustong kausapin ako. Alam kong mabilis ang pangyayari, tungkol sa sinabi niyang boyfriend ko siya, no'ng una gulat na gulat ako. Pero no'ng malaman kung namatay si Gavy bigla na lang 'yong nawala at ako ang sinisisi ng pamilya. At ang mga media't reporter na walang awa para lang makuha ang panayam ko. Nasasakal ako na para bang hindi na 'ko makahinga pa.

"Ah, napaso ng soup. Someone accidentally poured the hot soup on my hand. Uhm, do you know some dermatologist, Auntie. Kailangan kong mapatingnan 'to. Hindi naman na makakapunta rito ang doctor ko rito."

"Gosh, your beautiful hand. Alam mo bang hindi kita pinag-huhugas at pinaglalaba dahil sa maganda mong kamay. Tapos ganito lang ang mangyayari," she said hysterically.

Her Greatest Pain (GSS #4 ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon