Chapter 20

10 5 0
                                    

Experience

"Are you feeling better, Ell. I can postpone your presentation with your team. Just tell me."

"Yes, Kuya. I'm okay now. And it could be better if you'll not postpone our presentation. Para hindi mahirapan sa pag release ng bagong mga packaging products next month. Alam mo naman need din ng madaming supplies ng product dahil in demand ito at nagkaka-ubusan sa mga market. Mas maganda na matuloy para makapili na ng packaging at makapag produce na rin."

Kuya Joaquin nodded at me. I just smiled at him to assure that I'm really okay now. Tatlong araw na rin naman ang nagdaan ng lagnatin ako. At bukas ay Thursday na need ko na ngang mag prepare for our presentation tomorrow.

Nasa opisina na 'ko ngayon at dumalaw naman itong kapatid ko. Noong lunes lang sila ng gabi naka-uwi dahil sa naging bagyo. Ako naman ay kahapon lang pumasok dahil nag-aalala ang mga ito na baka daw mabinat ako at kagagaling ko lang sa sakit.

JD never left me at my condo since Monday. Pero dahil busy at need na rin siya sa kompaniya niya ay napilitan itong umalis sa condo. Okay lang naman talaga sa akin na iwan niya 'ko sa condo dahil kaya ko naman ang sarili ko. Ginawa niya na lang naman kasi ang request ni Kuya Javier na bantayan ako. I'm not child anymore but still JD's a big help for me when I was sick.

"Okay, I'll go ahead. It's lunch you should eat now, Ell. And take your vitamins that your doctor prescribe to you. I have a lunch meeting."

Tumango naman ako sa kaniya at hindi naman nito kalimutan na halikan ako sa noo na palagi nilang ginagawa sa amin ni Therese.

Sa cafeteria na lang ako kumain at mag-isa lang. I didn't disturb Buena to buy me a lunch. Marami rin kasi ang pinapagawa ko sa kaniya. And as usual marami pa ring empleyadong nakatingin sa akin. They're smiling and greetings me.

Nakakalahati ko na ang kinakain ko ng tumunog ang cellphone ko at si Algeda iyon. Ngayon na lang ito tumawag sa akin at kahit nga kay Gavy wala na rin akong balita. Pero alam kong nasa kulungan pa rin ito. Malaki ang damages na ginawa niya at kahit gusto ko mang ibasura na lang ang case na ipapataw sa kaniya ay ayaw naman nina Kuya lalo na si Papa.

"Hello, Ellaina."

"Yes, Algeda," I answered him while still eating.

Nagmamadali akong kumain dahil may mga gagawin pa 'ko sa opisina. Monday at Tuesday ba naman akong wala. At may panibago na namang pinapagawa ang marketing department at damay kami roon.

"How are you. I have good news for you. The release of the magazine will be this week. I think this friday. Wait I'll check it again on my calendar."

Narinig ko naman ang kalaskas sa kabilang linya may hinanap pa yata.

"Yes, this Friday na nga ang release. I'm so very excited to see you on magazine," he said with a girly tone.

Marahan naman akong natawa sa sinabi niya.

"It's not new to me, Algeda. Naka ilang magazines na ang na released na naroon ang mukha ko international and local. Ba't parang naninibago ka na naman."

"Yes, of course. But this magazine will be release globally and I'm still excited not because of you but because of your boyfriend appearance," kinikilig naman nitong sabi.

Napakunot naman ang noo ko. At alam ko na kung sino ang tinutukoy nitong boyfriend ko.

"JD isn't my boyfriend, Algeda. Mag hunos dili ka nga. What if someone will hear you."

Malakas lang siyang tumawa sa kabilang linya.

"Don't deny it, Ell. He's into you. Sino naman ang may kakayahan na halikan ka sa harap ng mga staffs. And I know there's something between you and him. Ayaw mo lang sabihin because you're still on denial stage."

Her Greatest Pain (GSS #4 ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon