"Lima pong monay," inabot ko ang singkuwenta sa nagtitinda.

Ang nagtitinda'y pumili mula sa bagong lutong monay at inilagay iyon sa isang plastik. Kinuha ko ang plastik at bumalik na sa bahay. Nag-init ako ng tubig at nagtimpla ng Milo para sa kapatid. At, dahil nagising si Chino, gusto niya rin daw. Tinawag ko sila para kumain at sumabay na rin ako sa agahan nila.

Wala na si Mama, pero wala na rin 'yong pagkain kagabi. Mukhang halos wala na naman siyang tulog.

"Aalis ka, 'di ba, Ate?" tumango ako kay Chino.

"Longganisa ang ulam mamaya, ha. Iluluto ko na bago umalis pati 'yong kanin para kakain na lang kayo," deklara ko sa kaniya.

"Saan ka ba pupunta, Ate?" abala sa kahihigop si Cathrina ng Milo nang tanungin ako ni Chino.

"Magtyu-tutor," sagot ko.

"Sino ityu-tutor mo?"

"Isang batang tinuruan ko na rin dati."

"E, 'di ba, tumigil ka na riya'n kasi nauubos oras mo, sabi mo? Ba't ka bumalik?"

"Dahil kinailangan ko ng pera para sa enrollment mo at school supplies, Chino."

"Ahh..." natahimik siya at sumama na lang kay Cathrina sa panonood ng cartoons pagkatapos ubusin ang inumin.

🎀🖇️📓

Nang pumatak ang 11 o'clock, nakasuot na ako ng pantalon at puting polo shirt. Nagsuklay ako at tumingin sa salamin. I had a growing pimple on my cheek, delayed kasi ako. Saglit kong pinatuyo ang buhok ko sa electric fan at lumabas na. Chino and Cathrina were already eating lunch.

"Aalis ka na, Ate?" tumango ako kay Cathrina.

"Ba-bye!" ani Chino.

"'Wag kang magpapapasok, ha?" tumango si Chino bago ko paalalahanan ng mga dapat at hindi dapat gawin.

"Okay na, Ate, 'lam ko na 'yan." Kinamot niya ang ulo niya.

"Chino, ikaw ang matanda rito, ha. Tandaan mo 'yan, act like a mature kuya," tumango siya.

"Okay, okay, Ate. Sige na, bye!" sinara niya ang pinto at nagsimula na akong maglakabay papuntang sakayan. Kahit weekend, ang dami pa rin taong nag-aabang ng dyip.

Pumara ako at sumakay sa harap ng dyip, katabi ng drayber. Nagbayad ako at tumagal ng bente minutos ang jeep ride pa lang. I walked quickly because I had less than 30 minutes to get to the house. Ilang tawid ang ginawa ko bago nakarating sa village ng tuturuan. Pinakita ko ang gate pass na ibinigay no'ng nanay ng tuturuan ko sa guard. Nakapasok ako at sandaling tumayo para ayusin ang paghinga. Hingal na kasi ako.

I held my shirt and pulled it repeatedly to let the air come in my body. Tapos, nang malingon ako sa daan na nasa harap ko, nakita kong napadaan ang isang puting kotse. Nagkatinginan pa kami no'ng driver dahil bumagal ang patakbo niya. May bump kasi sa road.

Umawang ang labi ko nang mapagtantong 'yong Isko 'yong nagda-drive.

Siya 'yong nakita ko no'ng Lunes...

Natigil ako sa ginagawa at napababa ang kamay. He moved his eyes back to where he was driving before my eyes followed his car's direction.

Dito nakatira si Isko?

Ang liit ng mundo talaga...

Naglakad na ako muli at nakarating sa bahay ng tuturuan ko.

"Good noon po, Ma'am." I greeted the mother as I entered her home. I smelled a familiar scent. Ganito rin 'yong amoy no'ng bahay noon. Air freshener ang pinanggagalingan ng amoy, pero hindi siya tulad ng ibang air freshener na masakit sa ilong.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now