Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong ikulong sa bisig niya. And i didn't know that I'm sobbing because of the heavy rocks inside of my heart. Kanina ko pa pinipigilan na umiyak dahil sa pasong naramdaman sa kamay ko at sa panunumbat ng pinsan ni Gavy sa akin, pero bakit ngayong kaharap ko si JD bakit halo-halong emosiyon na naman ang nararamdaman ko. Bakit ngayon lang lumabas lahat ng luha sa mga mata ko.

Kasi hindi ko itatanggi, parang may nakabaon na pana ngayon sa puso ko na hindi ko maalis-alis. Ang hirap magpigil ng damdamin para hindi lang mahalata ng iba, pero bakit sa kaniya, bakit bigla na lang akong nagiging emotional?

He didn't say anything and just hugged me tightly that I can felt right now his cares for me.

Mas lalo akong naiyak at hindi na mapigilan na yakapin din siya. Sa oras na ito si JD lang ang karamay ko, dahil si JD lang ang narito para mag comfort sa akin. Tahimik akong umiiyak at sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa damit nito na para bang ayaw ko na siyang pakawalan pa.

Nagising ako dahil sa masamang panaginip. Napaginipan ko si Gavy habang pinapatay ito. Kahit sa pag-gising ay nanginginig agad ako.

Nakita ko sa orasan na pasado alas dose na rin ng tanghali. Mabuti na lang ay tumunog ang cellphone ko at nakita ko na si Algeda iyon. Mabilis ko iyong sinagot.

"Kumusta ka, Ellaina?" he suddenly asked me and I can felt on his voice that he's worried.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil kagigising ko lang at wala pa 'ko sa wisyo. At iniisip ko pa tuloy kung nakatulog ba 'ko dahil sa kakaiyak kagabi. Sa pagkaka-alam ko ay hindi ako iniwan ni JD at tahimik lang itong yakap-yakap ko.

"I'm now outside of your condo. And your body guards don't want me to let inside of your unit. Did I woke you up?" he asked.

Kinusot ko ang mata ko at bumangon na. Nakita ko ang suot ko at hindi pa pa pala ako nakapagpalit. Lumabas naman ako sa kwarto at wala akong nakita na ni anino ni JD. Baka umalis na ito kagabi pa lang. Pero bumungad naman si Paulina at nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Ms. Ell gising na pala kayo! Nakahanda na ang pagkain mo. Pinapunta ako rito ni Ma'am Teresita at dito na muna pansamantala para may katulong ka rito. Kanina pa po umalis ang boyfriend niyo. At may bakla pong kanina pa naghihintay...-"

"He's my manager. Please tell them to let him in."

Ginawa naman nito ang inutos ko, habang ako ay bumalik sa kwarto. Hindi na rin ako nag react pa sa sinabi ni Paulina na rito muna siya, dahil sa totoo ay kailangan ko na may kasama lalo na't mahirap igalaw ang kamay kong may paso. Pero hindi ko alam kung bakit disappointed ako ngayon, dahil hindi man lang ako kinamusta ni mama sa nangyari. Ellaina, alam mong matanda kana kaya huwag kang umasta na parang bata. Napa-iling na lang ako sa naiisip.

"Algeda, pasabi papasukin ka," pag-uusap ko naman sa kabilang linya at pinatay na ang tawag nito.

Pumasok muna ako sa kwarto para mag-ayos muna ng sarili. Nahirapan pa 'ko sa paghihilamos, pag totoothbrush at pagbihis dahil sa kamay ko. Masakit pa rin ito at kumikirot. Kinuha ko naman ang first aid at ang gamot na binigay sa akin, para malinisan ang paso.

"My gosh, what happened to your hand?!" Algeda asked worriedly. "Hindi puwedeng magkaroon ng peklat 'yan. Ilang months na lang ay pupunta pa tayo ng Paris para sa event..."

Napa-iling na lang tuloy ako sa sinabi niya. Trabaho pa rin talaga ang priority niya. Hindi ko na rin alam kung itutuloy ko pa ba iyon, dahil gusto ko na lang pumunta sa tahimik na lugar at hanapin pa lalo ang sarili ko.

Kita ang pamumugto ng mga mata nito at alam ko na rin naman ang dahilan. Dahil kahit ako ay ganoon din, kitang-kita ang pamumugto ng mata ko ngayon.

"Why are you here...? Susumbatan mo rin ba ako?" I asked him calmly while sitting on the couch.

Her Greatest Pain (GSS #4 ONGOING)Where stories live. Discover now