The kids were crying with him too. For the first time ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito ang mga anak ko. Castor who is more showy and sweet halos ayaw nang bumitaw sa pagkakayakap sa tatay niya. Pollux who is silent and discreet remained quiet but he's a little bit relaxed. 

Nang medyo humupa na silang tatlo saka ko inalalayan si Gaston na tumayo. Pinaupo ko siya sa sofa na malapit sa glass wall kung saan siya nakatayo kanina. Sa magkabilang sides niya sina Castor at Pollux.  Nang maayos ko na ang pwesto nila saka ako lumayo sa kanila at piniling maupo sa bakanteng pang-isahang sofa.

"S-star, where are you?" hindi ako sumagot. " Cas, Pol, where's Nanay?" naramdaman ko ang pagka-panic sa boses niya ng hindi pa rin ako sumasagot. Napatingin sa akin ang mga bata, nagtatanong ang mga mata nila.  Kinapa ni Gaston ang pwesto sa magkabilang side ng mga bata dahil nanatili akong tahimik. "W-where's nanay, nak? C-Cam? Wife,  please stay...where are you, Baby? Nak si Nanay,0s-saan si Nanay? Saglit lang nak, puntahan ko lang si Nanay..." tatayo pa sana ito kaya nagsalita na ako.

"I'm here." tipid kong sagot. Saka pa ito pumirme pagkarinig niya sa boses ko. Dinig ko ang malakas niyang buntong hininga bago niya hinapit ang mga bata palapit sa kanya. 

"I want to know how my twins look like." he whispered gently. 

Maya-maya napansin ko ang maingat niyang pagkapa sa mukha ng mga bata. Inuna niya si Castor na nauang tumayo sa harapan niya. Nangnining ang mga mata ni Castor at may di matawarang ngiti sa kanyang mga labi. 

"Oh..." May gumuhit na ngiti sa mga labi niya ng mahawakan niya ang buhok ni Castor. "You have a long hair, champ? Guess you have the same hair color with Nanay?" Castor nodded. 

"Opo, Tatay. My hair is brown and wavy like Nanay." my little Castor said proudly. I  saw his eyes twinkled when he said that. He look at me and smiled proudly. I smiled back to him. 

Nakita kong bumaba ang mga kamay niya sa kilay, pababa sa mata, sa ilong, hanggang sa bibig. Maingat ang bawat galaw niya na tila ba sa paraang yun makikita niya kung ano ang mukha ni Castor. 

"Y-you look like me, Cas..." he muttered gently and so sure of his words. "Am I right Castor? You do look like me, right son?"

Castor glanced at me, probably looking at my reaction. Nang tumango ako sa kanya saka pa ito dahan-dahang tumango sa tatay niya. 

"Yes, tatay, you are right po. I look exactly like you po. But..." maingat niyang hinawakan ang mukha ng tatay niya. "...my eye color is..." he paused and kissed Gaston's cheek gently, like assuring him that there's no problem with his eyes. That's how sensitive my little Castor of his father's feelings. "...my eye color is gray po, I got it from Nanay. But the rest, I got it from you."

"Oh really?" Gaston exclaimed cheerfully. "You got your eyes from Nanay? That's very nice, son. You look like Tatay with an eyes like Nanay. So handsome my boy."

"Yup tatay! But you have to see this..." Castor cheered then he reached for Pollux hands and let his twin brother stand in front of their tatay. " Take a look at Pollux, Tatay, and you'll be surprise." tinaas baba pa ni Castor ang dalawang kilay niya sa akin. Sa kanilang dalawa si Castor talaga ang nagpapadama sa tatay niya kung gaano ito ka-excited na magkakilala sila. 

Hinawakan niya ang kamay ng tatay niya at dahan-dahan itong dinala sa ulo ng kapatid. Maingat na kinapa ni Gaston si Pollux. Inuna niya ang buhok nito. Napansin ko ang pagkatigil niya ng mahaplos niya ang buhok ni Pollux. "You have straight here, Pol?" may gumuhit na ngiti sa labi ni Gaston pagkatapos narinig ko ang mahina niyang tawa. "Seems like you got your here from me, champ." Nanlalaki ang mga mata ni Pollux na lumingon sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Narinig ko ang mahinang irit ni Castor at ang pagpalakpak nito. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now